Wakas

6 1 0
                                    

Ika-unang araw ng Enero. Tanghali na noon nang magising ako sa tunog ng aking cellphone. Masyado akong napuyat sa ginawa namin nila Kuya. Pagkatapos kasi naming magcelebrate ay inintay muna naming matulog si Daddy bago kami uminom! Suhestyon iyon ni Kuya Thiago noong una ay ayaw pa namin pumayag ngunit sabi niya ay iyon daw ang unang araw ng bagong taon na kumpleto kaming tatlo kaya't dapat naming icelebrate. Sa huli ay napapayag niya kami.

Hindi ako nalasing dahil katamtaman lang naman ang aming nainom ngunit dahil sa sobrang pagod at puyat ay nandito pa rin ako sa kwarto ko at nakahiga.

"Hello" bungad ko sa kausap, nakapikit parin ako nang sinagot ko ang tawag.

"Nika" boses iyon ni Gigi noong una ay mahina ito at may halong lungkot pero hindi ko iyon pinansin dahil ang nasa isip ko ay tumawag lang ang aking kaibigan para ako'y batiin.

"Happy New Year Gigi!" Masigla kong bati. Bumangon narin ako sa pagkakahiga pero nakaupo parin sa aking kama. Sa halip na masiglang bati pabalik ang matanggap ay mahinang pag-iyak ang aking narinig kaya nag-alala ako.

Anong problema? May nangyari ba sa kanya? Nakausap ko pa siya kagabi at okay naman siya. Anong nangyari?

"Nika wala na si Aled" sabi nito kasabay ng singhot at palahaw.

Anong wala?

"Tinamaan siya ng ligaw na bala kahapon sa may ulo. Dinala siya sa ospital pero wala na talaga. Kanina lang namin nalaman. Nika... Nika wala na si Aled" dire-diretsong sabi ni Gigi kasabay ng panghihina ko.

Pana...

Panaginip lang 'to diba?

Imposible iyon!

Sinampal ko ang sarili para magising pero ang unti-unting pag-usbong lang ng sakit ang naramdaman ko.

Hindi

Hindi pwede

"Pupunta kami sa kanila ngayong araw. Pumunta ka rin" dugtong ni Gigi bago patayin ang tawag.

Naiwan akong tulala.

Kaya ba

Kaya ba hindi siya tumawag kagabi?

Na habang nagpapakasaya ako ay nahihirapan siya?

Hindi

Hindi pwede

Inalala ko ang huli naming pagkikita. Sa ospital bago siya umalis.
........
"Continue that smile bagay sa'yo" aniya at nakangiting pinisil ang aking pisngi.

Dahil nga nahihiya parin ako dahil sa ginawa ko tungkol doon sa Monica Trinidad ay hindi ko siya matingnan ng diretso.

Nahagip ng mata niya ang aking relos kaya tumingin din siya sa sariling orasan pagkatapos ay mahinang napamura.

"Kailangan ko ng umalis Dimaanong selosa. Okay ka naman dito diba?" ipinangalandakan niya pa talagang selosa ako. Kanina niya pa ako kinukulit tungkol sa binanggit kong comment sa social media kesyo hindi niya raw inaasahan na stalker niya ako at sobrang lakas makagwapo iyon.

Nang hindi ako magsalita ay hinawakan niya ako sa mukha at hinarap sa kanya. Agad ko ring tinampal ang kamay niya. Nasa hospital canteen kami, ang harot niya! Natatawa siyang tumayo dahil sa ginawa ko.

"Panigurado sa January na ulit kita makikita. Kita-kits Future kong selosa" aniya. Humirit pa talaga siya ng pang-aasar bago umalis.

"Ingat" binulong ko lang iyon. Hindi ako sigurado kung narinig niya pero humarap siya at nakangiting kumaway bago ulit tumalikod paalis.
........
Imposible imposibleng wala na siya! Ang sabi niya ay magkikita pa kami.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon