Elevator
Malungkot akong tumitig sa aking repleksyon sa salamin. Everyone was striving to please their parents. Walang masama duon, iyon naman ang dapat. Pero hanggang kailan? Hanggang saan? Hindi na ako masaya, hindi na ako ito. Gusto kong ipakita kung sino talaga ako, gusto kong gawin yung mga bagay na magpapasaya sa akin. I’m tired of being a robot, a puppet. A trophy.
“Stella!” tawag ni Daddy sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako, sandaling nagensayo kung paano ngumiti. Ngiti na para bang gusto ko ang lahat ng ito at hindi pa ako pagod. Pagod na ako.
“Bababa din po ba ako, Mommy?” tanong ng aking nakababatang kapatid na si Sera.
Napanguso ako ng makita kong nakapajama pa ito. Magulo pa ang buhok at mukhang kababangon lang. Sandali akong napahinto sa may hallway para makainig sa sasabihin ni Mommy.
Lumuhod pa ito sa harap ng aking kapatid at tipid na nginitian ito. “You can stay in your room” marahang sabi ni Mommy sa kanya.
Nagiwas ako ng tingin. Hindi nanaman siya pinababa ni Daddy dahil hindi naman niya nakikita ito as a trophy. Imbes na malungkot ay mas lalo pang lumaki ang ngiti ng aking sampung taong gulang na kaptid. Hindi man lang siya nasaktan, o hindi niya alam ang tunay na dahilan?
“Mommy, can I have my breakfast in bed? Pancake with chocolate syrup and juice” sabi pa nito na kaagad na tinanguan ni Mommy.
Sinundan ko ng tingin ang tumatalon talon pang si Sera papasok sa kanyang kwarto. Para bang mas masaya pa siyang magisa kesa makasama kami sa hapag at maipakilala sa aming bisita.
Pagkasara ng pintuan ay kaagad akong nilingon ni Mommy. Pumungay ang kanyang mga mata at tipid na ngumiti sa akin. Alam niyang hindi ko ito gusto. Pero wala kaming magawa pareho dahil si Daddy ang batas.
Pagkababa sa may dinning ay napatayo ito para salubungin kami ni Mommy. Tipid akong ngumiti kina Mr and Mrs Saavedra. Sa kanilang tabi ay ang kanilang anak na si Ramiro Saavedra.
“Dalaga na itong si Stella, I’m sure kayang kaya niyang ihandle ang Manufacturing soon” si Mrs. Saavedra na matamis ang ngiti habang nakatingin sa akin.
Marahan akong tumango at ngumiti din pabalik. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Ramiro. He is one of my childhood friend. In our circle of friends na mga anak din ng bussiness partners ni Daddy.
I lost count kung pangilan na ito. Kung pang ilang beses na niyang sinubukang ireto ako sa anak ng mga kaibigan niya.
“I really admire, Stella’s beauty. Ikaw na ikaw nung kabataan mo” si Mrs. Saavedra habang kausap si Mommy.
Nang magsimula ang pagkain ay nagsimula na din sila sa paguusap tungkol sa business. Hindi ako nakakain ng maayos ng maramdaman ko ang mga tingin ni Ram sa akin. Ilang beses ko siyang nahuli na nakatitig sa akin, tipid ko siyang nginitian. Hindi man lang niya naramdaman na naiilang ako sa kanya? Staring is rude!
Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng mangyari na ang inaasahan ko.
“Stella, bakit hindi mo ipakita kay Ram ang garden natin?” natatawang sabi ni Daddy, bahagyang napaawang ang aking labi. Anong gagawin namin sa garden? Magaaral ba kami ng botany? At anong paguusapan, ang mga halaman?
Kahit labag sa aking loob ay wala na akong nagawa pa. Tipid akong ngumiti at tumango,
“Tara” yaya ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar