Wait
Hindi naging madali ang mga unang araw namin sa Guam. Lalo na para sa aking kapatid na si Sera. Malaki ang kanyang pinagbago, halos buong araw na nakakulong sa kanyang kwarto. Kung hindi ako ay si Augustine ang naghahatid ng kanyang pagkain.
Ilang beses siyang napagbuhatan ni Daddy ng kamay ng bigla na lang itong iiyak at magmamakaawa na gusto niya ng bumalik sa pilipinas. Kung minsan ay imbes na maiyak na lang din ako sa lungkot ay tinatatagan ko na lang ang loob ko para sa kanya.
Ayokong makita niya na maging ako ay pinanghihinaan ng loob. Paano kung pareho kaming mahina? Hindi niya pwedeng kapitan si Mommy dahil mahina din ito, kailangan kong maging matatag para sa kanilang dalawa. Kahit maging ako ay naghihina din.
“Ako na ang magdadala ng pagkain ni Sera” sabi ni Augustine sa akin ng maabutan niya akong naghahanda ng pagkain nito sa may kitchen. Napagalitan nanaman siya ni Daddy kanina kaya naman imbes na makasabay sa aming pagkain ay nanduon lamang siya sa kanyang kwarto at nagmumukmok.
Sandali ko muna siyang pinagmasdan, hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ba siya. Makakabuti kaya kay Sera na mapalapit kay Augustine?
“Sige, pero kung ayaw niya sayo, sabihan mo ako” sabi ko sa kanya sabay abot ng tray ng pagkain.
Hindi kagaya ng dati ay mas hirap kami sa pera ngayon. Bago kami umalis ng Pilipinas ay halos maubos ang ipon namin sa pagkakaospital ni Daddy. Ang natira naman sa bangko ay pinangbayad namin ng utang.
Ang tanging pinagkukuhanan lang namin ngayon ng pera ay ang maliit na kita ng manufacturing. Mahina din kasi ang production dahil sa kakulangan sa budget. Mabuti na lamang at sinasagot ng mga Tito at Tita namin ang maintenance at gamot ni Daddy maging ang mga check up.
“Mommy, aalis na po muna ako” paalam ko dito.
Namasukan ako bilang isang server sa isang fastfood chain. Hindi kalakihan ang sahod pero sapat na para makadagdag sa gastusin sa bahay kahit papaano. Kahit tumutulong ang mga Alvarado na pamilya ni Augustine ay hindi pa din ako kuntento na umasa sa kanila. Kung ganuon ang gagawin ko ay para ko na ding ipinamukha sa kanila na payag ako kay Augustine at kay Sera.
Hindi siya gusto ng aking kapatid. Gustuhin ko mang may gawin ay hindi ko naman alam kung paano.
Nang mageksaktong magiisang buwan kami sa Guam ay mas lalo akong nanghina sa aking nalaman. Nagulat na lamang ako isang araw pagkauwi ko galing sa trabaho ay nagkakagulo na sila.
Naabutan kong halos sirain na ni Daddy ang pintuan ng kwarto ni Sera. Gustuhin ko mang magtanong ay naging tahimik ang lahat ng tao sa bahay.
“Seraphine!’ sigaw ni Daddy sa kanya. Dahil sa kagustuhang mabuksan ang pintuan ay nabuksan niya ito.
“Anong arte nanaman ito?” galit na tanong ni Daddy sa kapatid kong kakabangon lang sa kanyang higaan.
Nakita kong umiiyak itong lumapit kay Daddy. “Dad, babalk na po ako sa Pilipinas. Please po…nagmamakaawa po ako” pakiusap niya.
Napasinghap kami ni Mommy ng makita namin ang kanyang panghihina at ang unti utni niyang pagluhod.
“Please po. Babalik na ako, kailangan kong makausap si Kenzo. Please po…” pakiusap pa din niya. Hindi ko napigilang maging emosyonal dahil sa aking nakikita.
Awang awa ako kay Sera. Nararamdaman ko kung anong pinagdadaanan niya.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar