Flight
Kaagad kong pinagapang ang kamay ko sa kamay ni Frank. Nang tuluyan kong mahanap ang kanyang mga daliri ay pinagsiklop ko ang mga iyon.
Ramdam ko ang galit niya base sa pagtaas baba ng kanyang dibdib. Nanatiling tahimik si Sandra at Sergio na nasa aming harapan.
"Frank..." marahang tawag ko sa kanya. Gusto kong ipaalala sa kanya na nandito ako, hindi siya nagiisa.
Nanatili ang tingin ni Frank sa lamesa. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko na para bang duon din siya kumukuha ng lakas. Muli kaming natigilan ng magsalita si Mr. Del prado.
"Kaya hindi ko ako masisisi kung iisipin kong sinadya niyong kuhanin si Frances sa amin. Na planado ang lahat ng ito" giit niya na maging ako ay umalma din.
"Hindi ko yan gagawin. Wala kaming sinadya sa mga nangyari, dumating si Sera sa amin ng hindi inaasahan" giit ni Mommy.
"Frances" madiing pagtatama ni Mr. Del prado na hindi naman pinansin ni Mommy.
"Ibinalita iyon. Siguradong nakarating sa inyo ang balita ng paghahanap sa kanya. Bakit hindi niyo isinaoli?" giit pa ni Mr. Del prado na para bang masama talaga ang tingin niya sa aming pamilya.
Hindi ulit nakaimik si Mommy. Pero alam ko, ramdam ko na tahimik siyang umiiyak.
"Sinadya mo bang itago para makapaghiganti sa akin, dahil may galit ka sa akin?" madiing tanong ni Mr. Del prado. Rinig ko ang pagsinghap ni Mommy mula sa kabilang lamesa.
Mataas ang divider ng bawat lamesa dahilan kung bakit malaya namin silang naririnig habang hindi nila kami nakikita.
"Matagal na kitang napatawad, Federico. Mahal ko ang pamilya ko...ng buo" giit ni Mommy.
May kung anong dumagang mabigat sa aking dibdib. Dahil sa sinabing iyon ni Mommy ay para lang niyang ipinamukha dito na hindi kagaya ni Mr. Del prado. Nagawa ulit ni Mommy na magmahal ng buo, at iyon ay kay Daddy.
"Patawarin mo na din ako Federico" pumiyok na sabi ni Mommy sa kanya.
"Tapos na ang kwento natin, hindi na ito tungkol sa ating dalawa. Tungkol na ito kina Stella at Frank" emosyonal na sabi ni Mommy sa kanya.
Rinig na rinig namin ang bayolenteng pagsinghap ni Mr. Del prado. "Paano iyon?" emosyonal man ay may diin pa din sa kanyang boses.
"Paano mo iyon nagawa? Binalikan kita...hindi mo ako hinintay" giit ni Mr. Del prado.
Nilingon ko si Frank. May lalong rumiin ang kanyang pagkakapikit, mas lalo ding kumunot ang kanyang noo. Alam kong nasasaktan siya para sa Mommy niya. Mahal niya ito, kung ako din naman ang nasa kalagayan niya ay ganuon din ang mararamdaman ko.
"Hinintay kita. Pero nawalan ako ng pagasa. Una pa lang ay hindi mo na ako nagawang ipaglaban sa pamilya mo. Ano pa sa tingin mo ang panghahawakan ko sa atin?" giit ni Mommy.
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nilang pareho. Siguro nga, kailangan nila ito. Kailangan nila ng closure. Kailangan nilang mapatawad ang isa't isa. Kailangan nilang matanggap ng tuluyan ang nangyari, ang kinahinatnan.
"Masyado na tayong matanda para magsumbatan pa. Mag kakaapo na tayo..." si Mommy pa din.
"Mahal ko si Frank. Ayokong masaktan ang anak ko" giit ni Mr. Del prado.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Kahit papaano ay natuwa ako para sa kanya. Ayan at narinig niya mismo sa Daddy niya na mahal siya nito.
"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa anak ko? Mabait na bata si Stella. Mahal niya si Frank, Mahal nila ang isa't isa" si Mommy.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar