Chapter 3

83.9K 2.8K 937
                                    

Dinner





Mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya. Asaan na ba sina Sandra?

No comment? Or Speechless?” nakangising tanong niya sa akin. Kahit ayoko na sanang tumingin sa kanya ay wala na akong magawa. Hindi naman ako bastos kausap.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “No comment for? Speechless for?” balik na tanong ko sa kanya. Anong gusto niya? Sagutin ko ang pambobola niya, ngayon pa nga lang kami nagkakilala ay pinapaandaran niya na kaagad ako.

Galing ako sa breakup at ang radar niya ay kagaya lang din ni Ram. Pareho pareho lang sila, siguradong manloloko din ang isang ito.

Nagtaas siya ng kilay at napangisi. Pero bago pa man siya makapagsalita ulit ay nakita ko na ang pagdating nina Ram at Eunice, napairap ako sa kawalan ng makita kong nakahawak ito sa braso ng dating kong nobyo. Mga manloloko, gaano na kaya katagal nila akong pinagmumukhang tanga?

Whoa, inirapan mo ba ako?” tanong ni Frank sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Feelingero din pala ang isang ito.

Bago ko pa man siya masagot ay nakalapit na sa aming lamesa sina Ram at Eunice. Nanatili ang tingin ko kay Frank. Mas gusto kong tingnan si Frank kesa ang mga bagong dating. Baka masuka lang ako pag tiningnan ko sila.

Dela Cruz and Saavedra” pagpapakilala ni Eunice.

Nagtaas ng kilay si Frank at bahagyang tumginin sa akin. Kumunot ang noo ko, wag mo sabihing alam din niya? Kabago bago pa lang niya ah.

Oh, upo kayo” sabi niya at akmang uupo si Ram sa aking tabi ng kaagad na tumayo si Frank.

Ako diyan, Pare” nakangising sabi niya dito.

Napahinto si Ram dahilan kung bakit mabilis na nakalipat si Frank sa aking tabi. Nabigla pa ako ng ang kanyang kanang kamay ay kaagad na dumantay sa likod ng aking inuupuan. Ang presko.

Nang tingnan ko siya ng masama ay kinindatan niya lang ako. Naramdaman ko kung paano uminit ang aking magkabilang pisngi.

Kumpleto na pala tayo” puna ng kararating lang na sina Sandra at Sergio.

Dahil mabaha naman ang lamesa ay nagkatabi din ang dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng sabihin ni Sergio ang plano niya para sa aming grupo. Buong akala ko ay puro kalokohan lang ang alam nito. Pero pagdating pala sa school works ay seryoso siya. Duon lang kami magkakasundo na dalawa.
Anong bussiness niyo?” tanong ni Sergio kay Ram. Isa isa niya kaming tinanong tungkol dito para may background siya sa amin. Sa pananalita pa lang ay alam ko ng magaling siyang leader.

May poultry factory and feeds kami. We’re planning to merge with the Serrano manufacturing soon” sagot ni Ram at tumingin pa sa akin. Tamad ko lang siyang tinignan.

Anong merge ang pinagsasabi niya? Wala na kami at hindi na magbabalikan pa. Sila na lang ni Eunice ang mag merge tutal at pareho naman silang mukha manok!

Habang nilalabanan ang titig ni Ram ay ramadam ko ang pagtingin ni Frank na nasa aking tabi.

Merge by? Marriage?” tanong niya kay Ram pero ang mga mata ay nasa akin.

Nilingon ko siya at tamad din tiningnan. “Yes” diretsahang sagot ni Ram dito kaya naman mabilis na nalipat ang tingin ko sa kanya. At ang kapal ng mukha nito!

Not anymore” matapang na sabi ko sa kanya. Magpapabugbog na lang ako kay Dad, kesa magpakasal sa kanya.

Tumigas ang mukha nito. Pero kaagad akong nanlambot ng maramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Frank sa aking braso, pababa sa aking bewang.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon