Chapter 24

114K 3.1K 935
                                    

Flat






"Hindi ko sasabihi. Nirerespeto ko ang desisyon mo Stella" paninigurado sa akin ni Sergio.

Nakahinga ako ng maluwag kaya naman marahan kong pinunasahan ang luha sa aking mga mata.

"Pasencya ka na, hindi ko kayang maniwala pa sayo ngayon" sabi ko sa kanya.

Gusto kong maging totoo sa kanya. Alam kong malalim ang pagkakaibigan at pinagsamahan nila ni Frank. Kahit sabihin niya sa akin ngayon na hindi niya ipapaalam kay Frank ang nalaman niya ay hindi ko pa din magawang magtiwala.

Napatango si Sergio. "Takot ko lang na magalit si Sandra sa akin" nakangising sabi pa niya kaya naman napanguso ako. Gusto kong mapangiti, takot siya kay Sandra? Sino bang hindi?

"Baka maiyak si Frank pag nalaman niyang magiging Daddy na siya" nakangising pahabol pa nito.

Napatitig ako sa kawalan. Muli kong naalala ang narinig ko sa kanyang Daddy. Masyado itong focus sa companya niya. Na kung hindi siguro ako ang naging kapatid ni Sera ay baka hindi din niya ako pinansin kagaya ng mga pinapakilala sa kanya.

"Hindi ko ipipilit ang Baby ko sa kanya" diretsahang sabi ko. Baka umiyak siya sa responsibilidad ang ibig sabihin ni Sergio.

"Baby niyo" pagtatama niyo. Sinasabi ko na nga ba. Alagad pa din siya ni Frank.

"Wala ito sa plano niya. Ang plano niya lang ay lokohin ako"

Nagtaas ng kilay si Sergio sa akin ng lingonin ko siya. "Sa pagkakaalam ko wala din sa plano niya na pakasalan ka, pero aalukin ka niya ng kasal" makahulugang sabi niya sa akin kaya naman kumunot din ang aking noo.

"Ang plano lang ni Frank ay makakuha ng impormasyon para kay Frances. The rest was history, he fall for you...he saw something special about you" paliwanag pa nito.

Napairap na lamang ako. Bakit ba siya ang nagpapaliwanag. Bakit may spoke person pa si Frank?

"Kahit anong sabihin mo, hindi pa din kita gusto para kay Sandra. Si Cedrick ang gusto ko para sa kanya" diretsahang sabi ko. Bahala siya, kung hindi ko kayang magsalita para sa sarili ko, pwes kaya ko para kay Sandra. Para ko na din siyang kapatid.

Nagkibit balikat si Sergio sa akin. "Sa pagkakaalam ko, ayaw sa kanya ni Cedrick" sabi niya sa akin na ikinalaglag ng aking panga.

"Saan mo nalaman iyan?" tanong ko. Napanguso lamang ito.

"Kaibigan ko lang naman ang may ari ng isa sa malaking security company sa bansa. At sa amin galing ang ilan sa mga body guard nila" sagot niya sa akin.

Sabi ko na nga ba at mana siya sa bestfriend niyang si Frank. Imbes na magtanong pa ay natahimik na lamang ako. Kung totoo man iyon, ayokong pagusapan iyon sa likod ni Sandra. Kaibigan ko siya at nirerespeto. Kung gusto ko talagang malaman ang parteng iyon ng buhay niya. Dapat ay siya mismo ang tanungin ko.

Umalis din si Sergio pagkatapos ng aming paguusap. Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng magpaalam siya. Ngumisi siya ng mapansin niya iyon.

"Hindi ako chismoso, I can keep secret" paninigurado niya sa akin. Nagtaas pa siya ng kanang kamay na akala mo ay manunumpa.

"Hindi ako naniniwala" sabi ko pa din sa kanya kahit ang totoo ay umaasa ako na mapagkakatiwalaan siya.

Napangisi ito. "Bestfriend mo si Sandra. Syempre magpapalakas ako sa bestfriend ng liligawan ko" sabi pa niya sa akin kaya naman muling nalaglag ang aking panga.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon