Chapter 30

117K 3K 429
                                    

Sampal





Kaagad akong kumawala sa hawak ni Frank sa akin para lapitan si Mommy.

"Mommy, ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang tamang sabihin, binalot ako ng takot at kaba.

Nakakunot ang kanyang noo ng pagmasdan niya ako. Dapat ay nasa kwarto na siya, dapat ay wala siya dito. Ayokong masaksihan niya ito, ayoko siyang masaktan.

"Ikaw, ano pa ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Pagkatapos ay napatingin siya kay Mr. Del prado na nasa harapan namin.

"Ma" tawag ni Frank sa kanya.

Napangisi si Mr. Del prado ng marinig ang sinabi nito. "Anong sinabi mo, Frank. Nahihibang ka na ba talaga?" giit ni Mr. Del prado sa anak.

"Dad please. Magusap tayo ng maayos" pakiusap niya sa ama pero marahang napailing ito. Alam ko, hindi na siya mapipigilan.

"Ano ang dapat pagusapan na kasama ang anak ko?" tanong ni Mommy. Seryoso ang kanyang tono.

"Mommy" tawag ko. Sinubukan ko pang hawakan ang braso niya. Kung pwede ko lang siyang hilahin papasok sa loob para hindi na sila makapagusap pa ni Mr. Del prado ay nagawa ko na.

"Yang anak mo..." paguumpisa ni Mr. Del prado.

Nanlabo ang aking mga mata ng tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin, ang kanyang tingin ay puno ng panunuya. Ayaw niya talaga sa akin.

"Nagpabuntis sa anak ko! Ang lakas ng loob na kumapit sa pamilya namin matapos ng lahat ng nangyari" giit nito.

"Dad! Pananagutan ko si Stella" giit ni Frank. Ni hindi na din niya napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.

"Tumigil ka!" sita niya sa anak at dinuro pa.

Kusang tumulo ang aking masasaganang luha ng balingan ako ni Mommy. Ni hindi siya makapagsalita, halos manginig ang luha sa kanyang mga mata.

"Si Frank ang ama ng dinadala mo?" tanong niya sa akin.

Mariin akong napapikit at dahan dahang tumango.

"Hindi tayo, sigurado" mapanuyang sabi ni Mr. Del prado.

"Dad! Wag mong pagisipan ng ganyan si Stella. Mahal ko siya, ina siya ng anak ko" matigas na sabi ni Frank. Maging ako ay halos mamanhid dahil sa lamig at tigas ng boses niya.

Nanatili ang labanan nila ng titig. "Frank..." pumiyok na tawag ni Mommy sa kanya.

Biglang lumambot ang mukha ni Frank ng tumingin dito. "Ma, magpapaliwanag po ako" pakiusap niya.

Marahang napailing si Mommy. Nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa. Mas lalo lang akong naiyak dahil sa itsura niya. Hindi pa niya alam ang totoo pero nasasaktan na siya.

"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin? Anong problema at hindi niyo kaagad nasabi?" naguguluhang tanong ni Mommy.

Sinubukang lumapit ni Frank sa amin. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay muli ng nagsalita si Mr. Del prado.

"Dahil palabas lang ang lahat. Niligawan lang ni Frank si Stella para makakuha ng impormasyon tungkol kay Frances. Hindi dapat ito nangyari, hindi dapat nagbunga!" giit ni Mr. Del prado.

Mas lalo akong naiyak ng makita kong namumula na ang mga mata ni Frank.

"Mahal ko po si Stella. Pananagutan ko" pakiusap niya kay Mommy.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon