Free Man
Namanhid ang aking buong katawan dahil sa narinig. Gusto kong maiyak ngunit walang ni isang patak ng luha ang gustong lumabas sa aking mga mata. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay pakiramdam ko, namamanhid na ako.
Napahawak ako sa aking sinapupunan. Ayokong sanang maging malungkot, ayokong maramdaman ng Baby ko ang sobrang lungkot dahil hindi naman niya deserve ito.
Naiintindihan ko naman si Frank. May problema pa sila ng Daddy niya. Kailangan kong intindihin na mahirap talaga ito para sa kanya. Hindi sa relasyon naming dalawa ang may kailangang ayusin. Sa relasyon nila iyon ng Daddy niya.
Kahit anong gawin kong tulong at suporta ay hindi ito maaayos kung ang tunay na ugat ng problema ay wala naman sa kamay naming dalawa.
Kahit gaano namin kagustong kumapit sa isa't isa ay hindi kami makakausad kung may naiiwan pa kaming issue tungkol sa aming mga pamilya. Maswerte ako dahil maayos na kami kay Mommy. Pero paano naman si Frank? Sobrang hirap ng sitwasyon niya.
Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pintuan. Sinalubong ako ng malungkot na tingin ni Sera. Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. Tipid ko siyang nginitian, hindi ako nakaimik hanggang sa makalapit siya sa akin at kaagad akong niyakap ng mahigpit.
"Nagalala ako sayo at sa pamangkin ko" malungkot na sabi niya.
Hindi pa din ako nakaimik. Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. Gusto kong iparamdam sa yakap na iyon na malaking bagay na sa akin ang pagpunta niya, ang kanyang presencya. Na walang kahit anong salita ang makakapagsabi kung gaano ako nagpapasalamat dahil nandito siya ngayon.
"Iniway ka ba ni Daddy, may sinabi ba siya sayo, sinaktan ka ba niya?" tuloy tuloy na tanong niya sa akin na hindi ko kaagad nasagot dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin.
Wala sa mga itinanong niya ang kaya kong sagutin dahil parang wala naman ni isa duon ang ginawa ni Mr. Del prado. Nagusap lang kami.
"Nagaway si Kuya at Daddy sa labas. Sorry kung may nagawa o nasabi siya sayo..." patuloy na paghingi niya ng paumanhin.
Marahan akong umiling, lalo na ng makita kong emosyonal na siya. Ayoko ding ganito siya dahil buntis siya at ayoko ding mastress siya.
"Nagusap lang kami ng Daddy mo. Nag spotting ako dahil...medyo stress lang talaga at pagod" paliwanag ko. Ayoko ng lumala pa ang problema. Hindi din naman kasi ganuon ang nangyari, kahit ako nga ay hindi sinisisi kay Mr. Del prado ito.
Napapahid si Sera sa kanyang luha. "Napapabayaan ka ba ni Kuya Frank dahil sa away nila ni Daddy? Dahil sa gustong patunayan ni Kuya na mali siya?"
Hindi na ako nagulat na alam ni Sera ang tungkol dito. Pamilya sila, at siguradong nabanggit o nakapagusap na sila ng Daddy niya tungkol sa problema ng companya ni Frank.
"Hindi ako napapabayaan ni Frank. Medyo...abala lang talaga siya, naiintindihan ko naman. Nasa kanya naman ang suporta ko"
Mas lalong napanguso si Sera. "Thank you, Ate Stella...kasi mahal na mahal mo ang Kuya Frank ko, kasi nandiyan ka para sa kanya at naiintindihan mo siya" umiiyak na sabi niya sa akin, naramdaman ko ang paginit ng magkabilang gilid ng aking mga mata ngunit wala pa ding luha ang nangahas na tumulo.
"Mapapagod ako, mapapagod si Frank. Pero hindi namin susukuan ang isa't isa..." paninigurado ko sa kanya kaya naman muli niya akong niyakap ng mahigpit.
Humiwalay lang si Sera ng yakap ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan. Nanatili ang tingin ko kay Frank ng magtagpo ang aming mga mata. Kita ko ang pagod at ang bahid ng galit dito. Namumula pa nga siya, halatang kagagaling lang sa init ng ulo.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar