Sayang
Dahil nakatulog ako buong maghapon ay hindi kaagad ako dinalaw ng antok. Patay na ang ilaw sa may sala, mukhang natutulog na si Alfred. Kanina ay naririnig ko pa ang tunog ng pamaypay niya, ngayon ay wala na. Bigla tuloy akong nahiya, ako na nga itong nakikituloy ako pa itong mag electricfan.
Napaayos ako ng higa at tumagilid paharap sa may bintana. Ang daming bituin sa langit, nitong mga nakaraang gabi ay palaging umuulan. Buti naman ngayon ay hindi na. Ganuon siguro talaga, parang buhay ng tao. May oras na babagsak ka at mawawala, pero makakabalik at makakabangon din.
Sino kaya ang nagnakaw ng lunchbox ni Alfred? Napakawalang hiya naman nun, lalo na kung napagtripan lang siya. Hindi naman iyon maiiwasan sa workplace lalo na at mabait si Alfred.
Nakatulog ako ng gabing iyon ng kung ano anong iniisip. Pinilit kong makatulog ng makaramdam ako ng gutom, imbes na tumayo pa at maghanap ng makakain ay mariin na lang ako pumikit at pinilit ang sarili na matulog.
"Ang aga mong nagising" puna ni Alfred sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Naabutan ko itong nagkakape na sa may sala.
Ngumiti ako sa kanya at dumungaw sa may bintana. Tama siya, madilim pa sa labas. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa may lamesa.
"Gusto mo ng kape o tsokolate?" tanong niya sa akin.
Kaagad akong lumapit sa kanya at tumabi. Dinungaw ko ang pagpipiliin, gusto ko ng kape pero gusto ko din ng tsokolate.
"Maiinit na tsokolate na lang" sagot ko.
Hindi ako umalis sa tabi niya. Pinanuod ko siyang gawin iyon. Naramdaman ko ang pagtingin ni Alfred sa akin, nagtataka siguro kung ano pang ginagawa ko sa tabi niya.
Tiningala ko siya at nginitian. "Nagugutom na ako" sabi ko sa kanya.
Mas lalong lumaki ang ngisi nito sa akin. Ganito kami dati, hindi ako nahihiyang magsabi sa kanya ng tunay kong nararamdaman. Kaya siguro hanggang ngayon ay ganuon pa din.
Hinintay ni Alfred na maubos ko ang aking inumin bago niya ako niyaya na lumabas at magtungo sa may bakery sa kabilang kanto. Dahil maaga pa at pasikat pa lang ang araw ay naramdaman ko kaagad ang lamig pagkalabas namin ng pinto.
"Teka, may kukuhanin lang ako" paalam niya sa akin at muling pumasok sa loob.
Pagkalabas niya ay may dala na siyang jacket, siya pa mismo ang nagsuot nuon sa akin.
"Ang payat payat mo kasi, ayan tuloy mabilis kang ginawin" pangaasar niya sa akin.
Halos magkasing laki lang sila ng katawan ni Frank, kaya naman nagmukha nanamang duster ang pinasuot niyang jacket sa akin.
"Ingat, madilim" sabi niya sa akin habang pababa kami sa makipot at madilim na hagdan.
Bago pa man ako makahawak sa pader ay mabilis ng kinuha ni Alfred ang aking kamay.
"Madumi ang pader" sabi niya kaya naman napanguso ako.
Tsaka niya lang binitawan ang kamay ko ng tuluyan na kaming makababa. Mabilis siyang nagiwas ng tingin sa akin at itinago pa ang kamay sa bulsa ng kanyang suot na maong shorts.
Kung makapagalaga siya ay akala mo kung sino akong ayaw niyang madumihan. Napapangiti na lang ako pag naaalala kong mas malala pa siya nung college kami.
Maaga pa pero madami ng tao sa mah bakery. Malayo pa lang kami ay amoy ko na ang bagong lutong pandesal, ang sarap ng amoy nuon.
"May gusto ka?" tanong niya sa amin ng makalapit kami sa estante ng mga tinapay.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar