Chapter 23

108K 3K 724
                                    

Secret








Gutom at pagod akong pumunta dito. Ni wala akong maayos na tulog, simula ng ilibing si Daddy ay ayoko na halos umuwi sa bahay. Sobrang lungkot, sobrang bigat sa dibdib na sa isang iglap ay nawala ang lahat.

Minsan pinagdarasal ko na sana ay panaginip na lang ito. Na kung pwedeng bumalik na lang ulit ako sa panahong nagaaral pa ako sa Manila. Na sa tuwing bakasyon ay uuwi ako sa bahay at kumpleto ang aming pamilya.

Sana nung mga panahong iyon, mas dinalasan ko ang paguwi. Sana nung mga panahong iyon hindi ako palaging nakakulong sa kwarto para magaral. Sana naglaan din ako ng panahon na makasama ang pamilya ko. Sana, maraming sana. Pero wala na akong magawa.

Hirap na hirap akong lunukin ang kinakain ko. Unang beses ata itong umattend ako sa isang party na magisa. Sa lahat ng napupuntahan ko ay kasama ko sina Mommy at Daddy. Pinilit kong nilunok ang aking kinakain, sobrang hirap.

"Kakain pa si Mommy, para sayo" sabi ko sa Baby ko.

Gutom ako, at alam kong gutom din siya. Kung ako lang, hindi ko pipilitin na kumain pa. Para kasing may kung anong malaking bagay ang nakabara sa aking lalamunan. Ang pagkain nga ay parang nawalan na din ng lasa.

"It's a boy!" sigaw ni Augustine.

Nagpalakpakan ang lahat, nakipalakpak din ako. Para akong tanga, nakakainis. Nagawa ko pang ngumiti habang umiiyak.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa pamilya ni Sera. Abala sila sa pag picture, buhat ni Kenzo ang kanilang panganay na anak. Kita sa kanilang mga mukha ang nararamdamang saya, napatawa pa nga ang lahat ng naiyak si Kianna. Matagal na kasi niyang gusto magkaroon ng Baby brother.

Nanatili akong nakaupo ng muling magsettle ang lahat. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtetext kay Manang. Siya muna kasi ang nagbabantay sa hospital. Ayokong iwanan na magisa si Mommy, alam ko kasi ang pakiramdam na magisa.

Nagangat ako ng tingin at muling iginala ang aking mga mata para hanapin si Sera. Magpapalam na ako, baka mas lalo akong gabihin. Bahala na kung mukhang nag eat and run lang ako. Masama naman na ako sa paningin ng lahat.

Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Frank. Ilang table ang layo niya sa akin. Nagtagal ang tingin ko sa kanya dahil nakatitig siya sa akin habang pinaglalaruan ang baso sa kanyang kamay. Titig na titig siya na para bang natatakot siyang kumurap.

Sandali pang kumunot ang aking noo sa kanya. Nang makabawi siya ay umigting ang kanyang panga at inirapan ako na para bang nainis din siya sa sarili niya dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

Nagiwas lang din ako ng tingin ng makatanggap ako ng message mula kay Manang.

"Masyado pong focus si Frank sa companya niya, Tito" rinig kong sabi ng isang babae.

Nang lingonin ko ito ay duon ko nakitang kausap nito ang Doctor na Daddy nila Sera at Frank. Nakakaintimidate din ang itsura nito na para bang kung kakausapin ka niya ay mabubulol ka o mahihirapang makasagot.

"Hindi na bumabata si Frank, Hija. Naunahan na nga siya ni Frances, I also want him to settle down" sabi nito.

Nagtagal ang tingin ko sa babaeng kausap. Maganda ito, halatang galing din sa mayamang pamilya.

"Wala po akong narinig na may girlfriend siya or what. Masyado po siyang private when it comes to that..." sagot pa ng babaeng hindi nalalayo ang edad sa amin.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon