Surprise
"Hey, ayos ka lang?" tanong ni Frank sa akin.
Wala sa sarili akong tumango sa kanya. Bigla akong binalot ng kaba at takot. Hindi na din ako mapakali. Kung hindi lang importante kay Frank ang pagcecelebrate ng nangyari sa companya nila ay ayoko na sanang tumuloy duon.
"May problema ba, Stella?" tanong niya sa akin. Nang sa lahat ng sinabi niya at ikinwento ay wala akong nagawa kundi ang tumango lang.
Gustong gusto ko siyang pakinggan, ngunit ang isip ko ay nauna na ata sa Bulacan. Bukas, kailangan kong harapin si Sera. Kailangan kong pagbayaran ang ginawa ko sa kanya, sa kanila ng anak niya, ang pamangkin ko.
Tumikhim si Frank ng muli nanaman akong mawala sa aking sarili. Kaagad akong napaayos ng upo at tipid na ngumiti sa kanya.
"What are you thinking? Tell me" marahang sabi niya sa akin. Bayolente akong napalunok ng mapatitig ako sa kanya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Pero nagcecelebrate siya ngayon, I don't want to ruin this moment.
"Wala ito, Frank. Ayos lang ako" paninigurado ko sa kanya.
Tumango na lang siya at nilagok ang wine. Nagiwas siya ng tingin sa akin, nakaramdam ako ng hiya. Mukhang nasira ko pa ata ang mood niya dahil sa pagiisip ko.
Matapos ang dinner ay umuwi din kami kaagad. Imbes na magpahinga ay we end up making love. Isang mahabang daing kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa kanya ang nagawa ko matapos naming sabay na marating ang sukdulan.
Isang halik sa labi ang iginawad ni Frank bago siya umayos ng higa sa aking tabi. Inilahad niya ang kanyang braso para duon ako umunan.
"Uuwi ako ng Bulacan bukas. Babalik din ako ng hapon" paalam ko sa kanya matapos kong basagin ang katahimikan.
Gumalaw si Frank kaya naman kaagad ko siyang tiningala. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo ng bumalik sa Daddy mo?" seryosong tanong niya sa akin.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Paano ko ba ito uumpisahan? Saan ako maguumpisa?
Bumaba ang tingin ko aa kanyang dibdib, marahan kong pinadausdos ang palad ko duon para damhin ang malilit niyang buhok.
"May kailangan lang kaming pagusapan. Tungkol sa manufacturing" sagot ko sa kanya.
Muli siyang tumikhim kaya naman nagangat ako ng tingin sa kanya. Ngayon sa may kung saan na masama ang kanyang tingin. Bahagya ding kumunot ang kanyang noo na para bang may malalim siyang iniisip.
"Ano ba talaga ang nangyari sa Guam? Stella..." seryosong tanong niya sa akin.
Halos mahigit ko ang hininga ko sa takot at kaba. Si Frank pa lang ang nagtanong nuon sa akin pero pakiramdam ko si Sera na. Paano pa kaya bukas? Paano ko sasagutin ang mga tanong ng kapatid ko.
Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Ayoko ng alalahanin ang Guam. Ang importante, magkasama tayo...diba?" paglalambing ko sa kanya.
I just want to enjoy this moment. Too good to be true si Frank para sa akin. Na, sa tuwing gumising ako ay takot akong baka panaginip lang ang isang ito. Takot akong maiwan, ayokong magisa. Kaya nga nung itinakwil ako ng akinh pamilya naging matapang ako, kasi nandito si Frank. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na siya ang umalis, sa oras na siya ang mangiwan sa akin.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar