Chapter 31

106K 2.9K 1.1K
                                    

History






Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala na sinampal ni Mommy si Frank sa aking harapan.

"Mommy" iyak na tawag ko ng hindi pa siya nahusto sa isang beses at sinampal din  niya ito sa kabilang pisngi.

"Itinuring kitang parang anak. Tapos malalaman ko, ganuon ang ginawa mo kay Stella?" hindi makapaniwalang sabi ni Mommy sa kanya.

Nanatiling tahimik si Frank kahit kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mukha.

"Pinagsisisihan ko na po ang ginawa ko sa kanya...pero please po. Wag niyo pong ilayo sa akin ang magina ko" marahang pakisap ni Frank sa kanya.

Kaagad akong napahawak sa kanyang braso. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang boses.

"You don't deserve my daughter. Frank Del prado" madiing sabi ni Mommy dito.

"Mommy, napatawad ko na po si Frank. Tapos na po iyon..." pakiusap ko sa kanya.

Kununot ang kanyang noo ng tumingin sa akin. "Pumasok ka na sa kwarto mo, Stella. Hindi ka na makikipagkita sa lalaking ito" galit na utos niya sa akin.

"Mommy..." tawag ko sa kanya. Nanlalabo na ang aking paningin. Wag namang ganito, hindi na nga kami tanggap ni Mr. Del prado. Wag namang pati siya.

Napahikbi si Mommy at marahang umiling. "Wag ka ng gumaya sa akin, Stella. Wag na...kung sinaktan ka, sasaktan ka lang ulit" pangaral niya sa akin.

Alam ko kung saan hinuhugot ni Mommy ito. Ganito din siya kasi kay Daddy. Masyado niyang mahal kaya naman kahit hindi naging mabuti ay mabilis siyang nagpapatawad.

Masyado niyang mahala kaya naman naging sunod sunuran lang din siya kay Daddy nuon.

"Ma, hindi ko na po sasaktan si Stella" giit ni Frank.

Nanlisik ang kanyang mga mata ng balingan ito. "Wag mo akong tawaging ganyan" sita niya kay Frank.

Halos malaglag ang panga nito dahil sa gulat. Bigla akong nakaramdam ng awa kaya naman sinubukan kong itago siya sa likuran ko kahit wala din namang silbi dahil sa laki ng katawan at tangkad nito.

"Mommy, Mahal ko po si Frank" pagpapaintindi ko sa kanya.

Mariing naglapat ang mga labi ni Mommy dahil sa galit. "Tutuloy tayo sa Davao" giit niya.

Marahan akong umiling. Pwede bang wag na lang? Pwede bang, dito na lang kami.

"Anong...anong ibig mong sabihin, Stella?" naguguluhang tanong ni Mommy sa akin, tukoy sa aking pagiling.

Naramdaman ko ang hawak ni Frank sa aking braso. "Ayoko pong iwan si Frank" sabi ko at halos mabingi din ako ng makatanggap ako ng sampal galing sa kanya.

Kaagad akong inilayo ni Frank at halos yakapin para lang maprotektahan laban kay Mommy kung sakaling sasaktan ako ulit.

"Handa akong talikuran ang Daddy mo nuon, kasi gusto mong magpunta tayo sa Davao" pumiyok na sabi niya. Napuno ng luha ang kanyang mga mata.

Biglang bumigat ang aking dibdib. Hindi man ako direktang sinabihan ni Mommy tungkol dito, alam ko. Pakiramdam ko ay may kasalanan talaga ako sa pagkawala ni Daddy. Sa naging aksidente nila.

Kung hindi ako nagpumilit nuon na umuwi na lang kami ng Davao ay hindi sana sila magaaway na dalawa. Hindi sana nangyari iyon. Kasalanan ko.

"Sinaktan ka ng lalaking ito kaya gusto mong lumayo. Hindi ba?" tanong niya sa akin.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon