Chapter 39

99.3K 2.7K 424
                                    

Give up




Nang sumunod na araw ay muli akong bumalik sa hospital para dalawin si Sera at ang bagong Baby nila ni Kenzo. Kasama ko na din si Mommy dahil ngayon lang din siya nakaluwas.

"Napakagwapong bata" puri ni Mommy dito.

Hindi din maalis ang tingin ko sa baby nila. Ang tangos ng ilong at kahit pangalawang araw pa lang niya simula ng lumabas ay kita na kaagad na gwapo ito.

"Kamukha ni Kenzo, Mommy" Si Sera.

Tumango si Mommy bilang pagsangayon. Maging ako din naman ay aminadong kay Kenzo nakuha ng baby nila ang mukha nito. Kung si Kianna ay kay Sera, si Kenzo naman ngayon.

Hindi nawala ang hawak ko sa aking sinapupunan. Excited na din akong makita ang baby namin ni Frank. Dahil lalaki ito, mas gusto kong maging kamukha niya ang Daddy niya.

Natigilan kaming tatlo ng bumukas ang pintuan. Bahagya akong napayuko ng makita kong si Mr. Del Prado iyon. Nagulat din siya nung una ng makita si Mommy. Nang makabawi ay inilipat na lamang niya ang kanyang tingin kay Sera.

"Nag dala ako ng prutas at mga pagkain" sabi niya dito.

"Thank you po, Daddy" si Sera.

Ramdam ko ang pagkailang ni Mr. Del Prado dahil sa presencya ni Mommy pero ng tumungin ako dito ay parang wala lang iyon sa kanya. Nanatili ang kanyang tingin sa Baby ni Sera.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming apat. Hanggang sa tumikhim si Mr. Del prado.

"Hindi na din ako magtatagal, Anak. May  rounds pa ako" paalam niya kay Sera, pero kita ko ang kanyang mga mata na paminsan minsang napupunta kay Mommy.

Nang mapabaling siya sa akin ay kaagad akong nagiwas ng tingin. Kahit papaano naman ay magaan na ang loob ko sa kanya, nakita ko naman kasi na gusto niyang magreach out kay Frank kahapon pero si Frank ang pumili na wag na muna.

"Si Frank?" tanong niya na ikinagulat ko.

Dahan dahan akong nagangat ng tingin. Inaasahan kong si Sera ang tinaganong niya, pero nagulat ako ng makita kong sa akin siya nakatingin.

"Uhm...nasa trabaho po, pero pupunta din po siya dito" sagot ko sa kanya.

Ipinaalam ko na din na pupunta si Frank. Baka sakaling gusto niyang kausapin ito o makita.

Tipid siyang tumango sa akin at muling tumingin kay Sera para magpaalam. Nagipon ako ng lakas ng loob para magsalita. Gusto kong subukan, hindi ako magsasawang sumubok para kay Frank. Gusto ko siyang maging masaya kaya naman susubok ulit ako para sa kanya.

"Gusto niyo po siyang makausap? Sasabihan ko po siya..." sabi ko.

Dahil sa aking ginawa ay kaagad na nagangat ng tingin si Mommy. Hindi sa akin kundi kay Mr. Del Prado. Sa tingin ni Mommy sa kanya ay para bang nagbabanta ito na wag subukang pagsalitaan ako ng masama dahil maayos naman ang tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang si Mr. Del Prado. "Hindi na, ayaw din naman niya akong makausap" pagod na sagot niya sa akin.

Gusto ko pa sanang humirit. Konting pilit lang naman kay Frank ay magiging ok na iyon. Si Frank pa, marupok naman iyon eh.

Tuluyang nagpaalam si Mr. Del Prado sa amin. Duon lang nagsalita si Mommy.

"Hayaan mo silang dalawa. Hindi dapat pinipilit iyon, magkakaayos din ang mag ama" sabi niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon