Chapter 36

116K 2.8K 327
                                    

Prove







Abala si Frank sa pagtawag kung kanino para sa aming magiging pagbalik sa Manila. Ako naman ay nagumpisa ng magayos ng aking mga gamit.

"Oo sige, isend mo kaagad sa akin" rinig kong sabi niya sa kausap sa phone.

Nakaupo ako sa itaas ng aking kama habang isa isang ipinapasok sa maleta ang aking mga damit. Mula sa aking peripheral vision ay nakita ko ang paglakad niya palapit sa akin.

"Ako na diyan" sabi niya.

"Uhm?" tanong ko. Nagtaas pa ako ng kilay sa kanya ng tingalain ko siya.

Ngumisi siya sa akin at umupo sa aking tabi. Kumuha ng isa sa mga damit ko at ginaya ang ginagawa kong pagtutupi. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi ng makita kong unti unting nafrufrustrate si Frank dahil hindi siya marunong magtupi ng damit.

"Akin na, ganito..." nakangising sabi ko at kinuha ang damit sa kanya.

Habang tinuturuan ko siya ay ramdam ko ang panunuod niya sa akin. Buong akala ko ay sa ginagawa ko siya nakatingin. Pero, napanguso ako ng makita kong sa mukha ko siya nakatitig at hindi sa pagtutupi ko.

"Hindi ka naman nakikinig" suway ko sa kanya.

Napadila siya sa kanyang pangibabang labi. Bahagyang humilig sa akin at yumakap sa aking bewang. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"I love you" sambit niya.

Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na muna nilingon pa. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa humigpit ang yakap niya sa aking bewang.

"Hindi mo ako papansinin?" malungkot na tanong niya.

Gusto ko ng mangiti at matawa pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

"Hindi" sabi ko kaya naman mas lalo siyang nagprotesta.

Isang halik sa aking pisngi at muli niyang ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ang sungit" sambit niya kaya naman napangisi na ako.

Nang lingonin ko siya ay halos maduling na ako sa lapit ng mukha naming dalawa. Kahit ganuon ay nagawa ko pa din siyang ngitian, itinaas ko ang aking kamay at marahang pinisil ang matangos niyang ilong.

"Pagkatapos ko dito, yung sayo naman ang aayusin natin. Sino ang nagaayos ng gamit mo pag nagtrayravel ka? Hindi ka marunong magtupi ng damit mo..." pangaral ko sa kanya.

Para siyang batang nakikinig sa aking sermon. "Nakahanger ang lahat ng damit ko sa condo. Pag nagtravel, nilalagay ko lang sa loob" sagot niya sa akin na para bang normal lang iyon sa kanya.

Pansin ko nga iyon nung tumira ako sa condo niyo. Matamis ko siyang nginitian, marahan kong hinaplos ang kanyang mukha.

"Andito naman na ako...ako na ang magtutupi ng damit mo" sabi ko sa kanya.

Imbes na sumagot at kaagad niya akong siniil ng malalim na halik.

"Stella, mahal kita hindi dahil kailangan kita. Hindi dahil napupunan mo ang lahat ng pagkukulang sa akin. Mahal kita dahil iyon ang nararamdaman ko, mahal kita kasi iyon ang sabi ng puso ko. Walang rason, basta mahal kita" paninigurado niya sa akin.

Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad akong umayos ng upo para mayakap ng mabuti si Frank. Ako din naman, mahal ko siya at wala akong masabing dahilan. Mahal ko siya dahil iyon ang nararamdaman ko.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon