Account
Matagal bago ako nakabawi. Klaro ang rinig ko, pero hindi ko kaagad iyon na proseso. Tumagal ang tingin ko kay Frank. Nagpatuloy siya sa ginagawa na para bang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Na para bang hindi big deal iyon para sa kanya. Pero big deal iyon sa akin.
Last time na sinubukan kong kalabanin si Daddy ay hindi din naman ako nagtagumpay. Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko ipinagpatuloy dahil inaalala ko nuon ang kalagayan ni Alfred. Na siya ang mas maaapaketuhan sa oras na magalit si Daddy.
“Hindi papayag ang Daddy ko. Ang last boyfriend ko…”
Tumikhim si Frank kaya naman hindi ko naituloy ang dapat sanang kwento ko.
“Anong nangyari sa last boyfriend mo, kung ganuon?” tanong na hamon niya sa akin.
Napanguso ako at bahagyang nagiwas ng tingin. Masyadong malalim ang kanyang mga mata, kahit nakaupo ay ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod dahil sa kanya. Para bang kayang kaya ka niyang pasunurin sa pamamagitan lang ng pagtitig niya.
“Kung hindi niya nagawang ipaglaban ka nuon sa Daddy mo, then he’s not ma enough. Hindi ka niya mahal. You don’t deserve that” pangaral niya sa akin.
Nakaramdam ako ng lungkot para kay Alfred. Mahal niya ako, alam ko iyon. Pero anong magagawa niya kung ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo gamit ang masakit na mga salita.
“I think, I need to reconcile with Ram…” malungkot na pagsuko ko.
Muling hinampas ni Frank ang kitchen counter kaya naman muli akong napaiktad. “Hindi. Hindi ka na makikipagbalikan sa lalaking iyon, sabihin mong ako na ang bagong boyfriend mo. Haharapin ko ang Daddy mo” diretsahang sabi pa niya na mas lalong ikinalaglag ng aking panga.
“Bakit mo ginagawa ito?” naguguluhang tanong ko.
Tamad siyang tumingin sa akin. Sa huli ay nagkibit balikat na lang. “Gusto kong tulungan ka”
Hindi na siya sumagot pa ng iba bukod duon. Hindi malinaw sa akin kung bakit ginagawa ito ni Frank. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay parang wala naman sa bokabularyo niya iyon. Bakit kaya? Ano pakay niya?
Pagkatapos ng dinner ay pinilit niya akong maghubad ng cardigan. Ayoko pa sana nung una, pero ng sandali siyang nawala at bumalik na may hawak na medicine kit ay hinayaan ko na lang. Umigitng ang panga niya ng makita ang mga mapupulang latay sa aking braso dala ng pagkakapalo ng sinturon.
Masama ang tingin ni Frank habang naglalagay ng ointment duon. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Kahit halatang bayolente ay halos magsitayuan naman ang balahibo ko dahil sa marahang pagdampi ng kanyang daliri sa aking balat.
“Wala man lang pumipigil? Ang Mommy niyo?” tanong niya.
Marahan akong umiling. “Sasaktan din siya ni Dad, kaya ayos lang na ako na lang” marahang sagot ko sa kanya. Dahil sa sagot na iyon ay nagangat siya ng tingin sa akin. Naramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi.
Dinilaan niya ang pangibabang labi para basain iyon bago muling bumaba ang tingin niya sa aking braso.
“Sabihin mo pag masakit” marahang sabi niya sa akin. Napaawang ang labi ko ng maramdaman ko ang hininga niya ng marahan niyang hinipan iyon.
Tahimik ako habang ginagawa ni Frank iyon hanggang sa muling umigiting ang panga ng matapos ang ginagawa.
“Tell your Dad may bagong kang boyfriend” pinal na sabi niya sa akin. Aba! Kung makapagutos ito.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar