Chapter 33

104K 3K 518
                                    

Multo



"Ang lamig..." sambit ni Sandra ng lumabas kami ng tower.

Madaling araw pa lang. Madiliim at tahimik pa ang buong paligid.

"Pwede naman akong magpasundo na lang, naabala ka pa tuloy" sabi ko kay Sandra. Napahikab siya, pagkatapos ay inirapan ako.

"Hay naku, Mommy Stella. Arte arte" pangaasar niya sa akin at kumawit pa sa aking braso habang naglalakad kami sa parking space.

Siya ang nagpresinta na maghatid sa akin sa Bulacan. Hindi na ako pwede pang magpatanghali dahil marami pa kaming kailangang ayusin ni Mommy.

"Tatapusin ko kaagad ang trabaho ko at magbabakasyon ako duon" sabi niya sa akin pagkapasok namin sa kanyang sasakyan.

Tipid akong ngumiti at tumango. Sa passenger seat ako nakaupo at si Sandra naman ang magmamaneho.

"Gusto ko sanang isama si Sergio. Pero hindi pwede kasi, hindi pwedeng malaman ni Frank diba?" tanong niya sa akin.

Kaagad na napaawang ang aking bibig. Hindi alam ni Frank ang pagalis namin na ito, ang alam niya lang ay pupunta kami ng Davao. Hindi pa niya alam na ngayon na.

"Hindi naman sa ganuon, pero kasi..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ko din naman kasi alam kung ano dapat ang sabihin. Naguguluhan na din ako.

Tipid na ngumiti si Sandra sa akin. "Maiintindihan ni Frank. Kailangan niyang intindihin. Gusto niyong bumuo ng pamilya...magkakaanak na kayo. Pero mas maganda kung aayusin niyo muna ang issues niyo sa parents niyo" sabi ni Sandra na kaagad ko namang pinagsangayunan. Tama siya.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Kailangan namin malayo sa isa't isa, kahit saglit lang. Hanggang sa makapagisip lang kami ng maayos. Kagaya niya ay hindi din naman ako papayag na matulad kami kina Mommy at Mr. Del prado.

"Good morning po, Tita" bati ni Sandra kay Mommy pagkadating namin sa Sta. Maria.

Tinanggap ni Mommy ang pagbeso ni Sandra. Bahagyang kumunot ang aking noo ng makita kong tumingin siya sa may likuran na para bang sinisiguradong kami lang talaga ni Sandra ang dumating at wala ng iba.

"Kumain na muna tayo. Bago magtanghali ay pupunta na tayo sa airport" yaya sa amin ni Mommy kaya naman tumango kami ni Sandra at kaagad na sumunod sa kanya papasok sa bahay.

Sa may living room pa lang ay sinalubong na kaagad ako ng mga maleta namin. Si Manang na siguro ang nagpatuloy ng pageempake ng aking gamit.

"Tita, bakit naman po biglaan? Kala ko po next week pa" Si Sandra.

Si Mommy ang umupo sa gitna, kung saan ang dating pwesto ni Daddy. Nasa magkabilang gilid naman niya kami ni Sandra. Marami ding pagkain na nakahain.

"Aalis din naman kami. Bakit patatagalin pa, hindi ba?" marahang sabi ni Mommy sa kanya.

Napakurapkurap si Sandra at marahang tumango. Pagkatapos nuon ay muli kaming kumain ng tahimik. Gutom ako, ngunit parang ang hirap lumunok. Ang hirap, ang bigat sa dibdib. Aalis kami, habang may tampuhan kami ni Frank.

"Secret, wag ka ngang tanong ng tanong. Ang clingy mo..." suway ni Sandra kay Sergio. Kanina pa tawag ng tawag ito at ngayon niya lang naisipang sagutin.

Alas buebe na ng umaga at kailangan na naming umalis patungong airport. Tahimik kong pinapanuod sina Manong na isakay ang bagahe namin sa likod ng Van.

"Ano? Si Frank...saan?" gulat na tanong ni Sandra sa kabilang linya. Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad niyang nakuha ang aking atensyon.

Lumapit pa ako sa kanya, pinandilatan niya ako ng mata na para bang gusto niyang ipahatid sa akin na hindi ko magugustuhan ang naririnig niya mula kay Sergio.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon