Chapter 19

100K 2.9K 1K
                                    

Panaginip








Napuno ng luha ang aking mga mata. Nanlabo ang aking paningin dahil dito, mas gusto ko na ito kesa makita ko ng malinaw ang mukha ni Frank. Sinungaling siya, niloko niya ako. Ayoko na sana siyang makita pa, pero heto siya ngayon sa aking harapan at kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator.

"Saan ka pupunta? Tatakas ka?" asik niya sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Anong takas ang sinasabi niya? At anong pake niya kung saan ako pupunta?

"Wala ka na duon, at anong tatakas?" laban ko sa kanya.

Umigting ang kanyang panga. Mas lalo akong nagsumiksik sa gilid ng elevator ng humakbang siya palapit sa akin.

"May kasalanan ka. Tatakasa mo ang kasalanan mo?" madiing tanong niya sa akin.

Hindi ko kinaya ang talim at lalim ng tingin niya sa akin. Nakakapanghina, lalo na ang presensya niya. Masyadong malaki ang katawan niya kesa sa akin kaya naman wala na akong ibang makita pa kundi siya.

"Hindi ako tatakas, alam ko ang kasalanan ko" paninigurado ko sa kanya. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.

Bumigat ang aking pakiramdam dahil sa pagiyak. Pakiramdam ko ah mabibinat pa ako dahil sa pagkakasakit ko kagabi. Gusto ko sanang matiwasay na umalis dito, magpaalam kay Sandra, umuwi sa Bulacan at umalis patungo sa Guam bukas ng magisa.

"Ikukulong kita!" asik niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Tinapangan ko at kaagad na sinalubong ang kanyang mga tingin. "Edi ipakulong mo. Hihintayin ko ba lang, kung gusto mo sumama ka pa pag dinampot ako ng mga pulis" laban ko sa kanyan.

Mas lalong umigting ang kanyang panga. Napasinghap ako ng may lumabas na hikbi sa aking bibig. Gusto ko sanang maging matapang sa kanyang harapan, ngunit dahil sa ginawa kong pagtitig ay para nanaman niya akong nilamon, nalunod nanaman ako sa kanyang mga tingin.

Nanginig ang aking kamao, maging ang aking bibig dahil sa tangkang pagsasalita. Napanuno ng pait ang aking puso kasabay ng pangungulila.

"Kung makapagsalita ka parang napakasama kong tao. Kung akusahan mo ako, parang hindi mo ako niliko!" asik ko sa kanya.

Nanatili ang titig niya sa akin. Nakita ko pa kung paano bayolenteng nagtaas baba ang kanyang adams apple na para bang may bumara sa kanyang lalamunan at hirap din siyang magsalita.

"Sana kinausap mo na lang ako ng maayos. Tutulungan naman kita, hindi yung ganitong pinagmukha mo akong tanga. Binigay ko sayo ang lahat..." sumbat ko sa kanya.

Mas lalong nanginig ang katawan ko ng itukod niya ang kamay niya sa pader ng elevator na para bang hindi siya papayag na makaalis ako.

"Sinabi ko sayong ayoko sa sinungaling" matigas na sabi niya sa akin.

Hinampas ko ang kanyang dibdib. "Sinungaling ka din naman!" akusa ko sa kanya kaya naman napatikhim siya.

Dahan dahan akong nabato ng ilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko hininga niya duon. Pero bago pa man siya makapagsalita ay napamura na siya ng tumunog ang elevator.

Sinibukan kong kumawala sa kanya ngunit  napaiktad ako ng hampasin niya ang buttons ng elevator dahil kung bakit muling sumara ang pintuan.

"Walang aalis, Stella. Hindi ka aalis" asik niya sa akin.

"Aalis ako. Hindi ba't ayaw mo na akong makita? Hayaan mo na akong umalis magisa!" asik ko sa kanya. Muli siyang humakbang palapit sa akin kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ko para hampasin ang kanyang dibdib palayo sa akin.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon