Friend
Para akong masisiraan ng bait habang nasa byahe kami ni Manang patungo sa hospital. Malakas pa din ang buhos ng ulan, madulas ang kalsada, galit si Daddy siguradong nagtatalo sila ni Mommy habang nasa byahe. Gusto kong maiyak, pero masyadong mabigat ang dibdib ko. Ni ayaw ng lumabas ng mga luha ko.
Agaw buhay si Daddy. Sa sobrang kaba at gulat ni Manang ay wala na ang nasabi niya sa akin. Pareho silanh critikal ni Mommy. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Si Manang ang panay sagot sa mga tawag.
"Stella, dito!" sigaw ni Manang sa akin pagkadating sa hospital ay kaagad kaming tumakbo patungo sa emergency room.
Pinigilan ako ng nurse ng tangkain kong tumakbo palapit sa kanilang dalawa. Magkatabi ang hospital bed nina Mommy at Daddy, ngunit ang focus ng mga Doctor ay kay Mommy, may ilang tumitingin kay Daddy.
"Ang Daddy ko din, please" umiiyak na pakiusap ko sa kanila. Silang dalawa ang gusto kong mailigtas. Mahal ko silang pareho.
Malungkot na tumingin sa akin ang nurse. "Nakiusap ang pasyente na unahing iligtas ang Mommy mo" sabi niya na mas lalong nagpabigat ng dibdib ko at mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Daddy!" umiiyak na tawag ko sa kanya. Hindi na ako napigilan pa ng mga nurse ng tuluyan akong tumakbo palapit sa kanya.
Humihingi pa naman siya pero hindi na normal. Nakatingin na lamang siya sa kisame na para bang may hinihintay.
"Daddy, lumaban ka please" pakiusap ko sa kanya ng makalapit ako at makayakap.
May sugat siya sa kanyang ulo. Ni hindi niya na magalaw ang kanyang katawan. Tumulo ang kanyang luha ng tumingin sa akin. Alam kong gusto niyang itaas ang kanyang kamay para hawakan ang aking pisngi, hindi niya na nagawa dahil sa panghihina kaya naman ako na mismo ang nagdala ng duguan niyang kamay sa aking pisngi.
"Patawad...Stella, anak" nahihirapang sabi niya sa akin.
Mas lalo akong naiyak, alam ko. Ramdam ko, kukunin na si Daddy sa amin. Ayoko. Please, ayoko.
Kung ang buhay ni Daddy ang kapalit ng kalayaan ko. Ayoko ng lumaya.
"Mahal ko kayo ng Mommy mo. Ikaw at si Sera. Patawad..." napangiwi at napapikit na siya ng pilit pang magsalita.
Paulit ulit akong tumango. "Pinapatawad na kita Daddy, pero please, wag mo kaming iwan. Si Mommy, hindi kakayanin ni Mommy" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Kahit malupit si Daddy ay nagtagal at nagtiis si Mommy sa kanya dahil mahal na mahal siya nito.
Pagod siyang ngumiti. Nakita ko kung paano lumipat ang mata niya sa kabilanh higaan kung nasaan si Mommy. Pumiyok si Daddy dahil sa pagiyak.
"Mahal na mahal ko ang Mommy niyo. Inggatan niyo, mabubuhay siya..." paninigurado niya sa akin.
Napahagulgol na lamang ako. Mahigpit kong niyakap si Daddy hanggang unti unti na siyang binawian ng buhay sa aking mga kamay. Isang malalim na paghugot ng malalim na hingi at hindi na siya muling gumising pa.
Naghari ang iyak ko sa buong emergency room. Kaagad akong hinila ng ilang nurse palabas ng emergency room. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang yakap ni Manang at umiyak sa kanyang bisig.
Kahit gaano kalupit si Daddy, ibinigay naman niya ang lahat sa amin. Hindi siya nagkulang, ang naging problema lang ay masyado siyang naging controlling sa buhay namin. Pero alam ko, na kaya siya ganuon ay para din naman sa amin.
"Wala na po si Daddy...wala na" umiiyak na sumbong ko kay Manang. Naramdaman ko ang paghagod niya sa akinh likuran.
Tsaka lang ako nakatawag kay Sera ng medyo nakabawi na. Kailangan ko siya, kailangan ko ng makakapitan. Hindi ko ito kaya magisa. Para akong tatakasan ng bait.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar