Chapter 29

117K 2.9K 563
                                    

Wedding





Matapos kaming talikuran ni Mr. Del prado ay kaagad na ding akong nagpaalam kay Sera. Sinubukan pa niya akong tawagin pero tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.

"Ayos lang..." marahang sabi ko. Gustong gusto ko ng makaalis duon dahil natatakot akong makita nila ang pagtulo ng aking luha.

Ayos lang ako kaya dapat hindi ako iiyak.

"Ikaw na muna ang bahala dito, Frances" rinig kong paalam ni Frank sa kapatid. Dahil duon ay mas lalo kong binilisan ang paglakad.

"Sige, Kuya. Ang Ate Stella ko ha at ang Baby" sabi pa ni Sera dito. Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Frank.

Pagkalabas ko sa engrandeng gate nila ay kaagad akong dumiretso sa dala kong sasakyan. Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ay kaagad ng hinarang ni Frank ang kanyang kamay.

"I'm sorry about that. Shh...I'm sorry" pagaalo niya sa akin. Dahil nakatalikod ako sa kanya ay pinilit niya akong paharapin.

Hindi ko nagawang tingalain siya. Kaagad kong naramdaman ang pagkabig niya sa aking batok para dalhin iyon sa kanyang dibdib.

"Wag mo na akong lapitan Frank, magagalit ang Daddy mo sayo" suway ko. Imbes na makinig sa akin ay mas lalo niya lang akong niyakap at inilapit sa kanya.

"Stella, hindi ko yan magagawa" marahang sabi pa niya sa akin.

"Hindi ako magugustuhan ng Daddy mo para sayo. Si Maggie ang gusto niya" sumbong ko pa. Dapat ay maliwanagan na siya. Ito ang dahilan kung bakit hindi na kami pwede.

Sa Daddy pa lang niya ay magkakaproblema na kami. Paano pa kaya pag nalaman na ni Mommy.

"Wala akong pakialam kung sino ang gusto niya para sa akin, Stella. Ikaw ang gusto ko" madiing pagpapaintindi niya.

Hindi na ako nakaimik pa. Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya ng hilahin niya ako pasakay sa kanyang sasakyan.

"Saan dapat ang punta mo?" tanong niya habang nasa byahe kami.

Nawala ang pangamba ko na maulit ang nangyari nuon ng makita kong dalawang itim na sasakyan din niya ang nakasunod sa amin, mga tauhan niya.

"Kay Sandra dapat, pero wala pa siya sa condo niya. Sa mall na muna ako" sagot ko.

Kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya at napansin ko pa din ang pagtango niya. "Anong gagawin mo sa mall?" tanong niya sa akin.

"May titingnan lang" tipid na sagot ko sa kanya.

Imbes na ibaba lang ako sa tapat ng Mall ay ipinasok pa niya ang sasakyan niya sa parking space ng mall. Mukhang sasama pa ata ang isang ito.

"Halika..." tawag niya sa akin at nagalok pa ng kamay sa akin.

Sandaling tumagal ang titig ko sa nagaabang niyang kamay. "Stella..." tawag niya ulit.

Bayolente akong napalunok. Wala sa sarili kong tinanggap iyon. Napabuntong hininga si Frank dahil sa ginawa ko na para bang nawala ang kung anong mabigat sa kanyang dibdib.

Habang naglalakad sa loob ng mall ay mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. "Date tayo?" nakangising tanong niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin. Kakatapos lang naming mapagalitan ng Daddy niya pero may gana pa siyang magyaya ng date.

Hinayaan ko siyang hilahin ako sa kung saan. Nagangat ako ng tingin ng makita kong sa Arcade kami dumiretso.

"Halik ulit pag nakashoot ako ah" pangaasar niya sa akin habang nakapila kami para bumili ng token.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon