Chapter 10

75.7K 2.3K 314
                                    

Ticket








"Magiging busy ka ba dito?" marahang tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami patungo sa airport.

Nang gabing iyon ay ikinuha kaagad niya ako ng ticket pabalik sa Guam. Kaya naman kinaumagahan kaagad ang flight ko. Gusto ko pa man sanang magtagal kahit ilang araw pa. Pero mukhang magiging busy si Frank sa pinapatayo niyang bagong negosyo. Baka maging abala lang ako sa kanya kung ipipilit kong mag stay na muna kahit sandali.

"Medyo" tipid na sagot niya sa akin.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Diretso ang tingin niya sa kalsada, wala man lang akong makitang lungkot sa kanyang mukha. Para bang ayos na ayos lang sa kanya na magkakahiwalay kami ulit.

Napabuntong hininga ako, bumagsak ang aking mga mata sa aking hita. Ang bigat bigat sa dibdib, pakiramdam ko ay pinipilit ko lang ang sarili ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw naman talaga niya sa akin.

"Kung busy ka, ayos lang kung hindi ka makakatawag" pagbasag ko sa katahimikan. Nanatili ang tingin ko sa aking hita.

Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin ng sandaling huminto ang sasakyan dahil sa traffic.

"Tatawag ako. Hindi mawawala ang communication natin this time" mariing pagpapaintindi niya sa akin.

Ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay unti unting nalusaw. Isang salita lang niya parang nahyhypnotize ako. Na para bang kahit kaduda duda ay maniniwala ako.

Umawang ang labi ko ng hinawakan niya ang aking kamay. Ginawa niya iyon habang nagmamaneho siya.

"Stella, para ito sayo. Pinoproteksyunan kita. Kayo ng kapatid mo" pagpapaintindi niya sa akin.

Kumunot ang aking noo. Kita ko ang pamomorblema sa kanyang mukha ng bumaling ako sa kanya.

"Pinuprotektahan saan?" naguguluhang tanong ko.

Napabuntong hininga siya. "Basta ay mas mabuting malayo na muna kayo sa akin. Pag ayos na ang lahat, ako pa mismo ang susundo sayo sa Guam, sa inyo ni Sera. Pag ayos na ang lahat kukuhanin ko kayo" mahabang paliwanag niya sa akin.

Hindi ako nakaimik duon. Wala akong maintindihan. Ang alam ko lang ay panghahawakan ko ang sinabi niyang ito. Kung totoo nga iyon, may pagasa na kami ni Sera. Makakabalik kami ng Pilipinas at uunti untiin ko sa kanya ang tungkol sa anak niya.

Uminit ang gilid ng aking mga mata kasabay ng pagbigat ng aking dibdib ng huminto ang sasakyan ni Frank sa airport. Siya pa mismo ang nagbaba ng isang travelling bag na dala ko.

Tahimik ko siyang pinanuod habang ginagawa niya iyon. Pansin ko din na hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Gusto mo na bang makipag break sa akin?" matapang na tanong ko sa kanya, nagawa ko iyon kahit ang aking boses ay garalgal na.

Sandali siyang natigilan dahil sa aking itinanong. Ramdam na ramdam ko kung paano ayawan. Mahal ko si Frank, pero kung hindi na niya ako gusto ay pwede ko naman siyang pakawalan.

Ayokong iparanas sa ibang tao ang naranasan ko. Ayokong ipagkait sa kanya ang bagay na matagal ko ng hinihingi. Ang kalayaan at ang karapatang magdesisyon para sa aking sarili. Ayoko siyang itulad sa akin, pwedeng pwede siyang magdesisyon para sa sarili niya. Kahit hindi ako kasama duon, tatanggapin ko.

Kaagad siyang lumapit sa akin. Binitawan ang travelling bag na dala ko. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi, halos mapapikit ako dahil sa init na dala ng kanyang mga palad.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon