Chapter 8

66.4K 2.4K 325
                                    

Communication






Ramdam ko ang lungkot ni Sera ng mga sumunod na araw. Hindi ko tuloy magawang tuluyang maging masaya.

"Ang ganda nito, bagay ito sayo. Gamitin mo sa school" nakangiting sabi ko sa kanya.

Napanguso siya at tamad na tiningnan ang mga regalo ni Frank.

"Baka malaman din ni Daddy na may boyfriend ka. Paano pag sinabi niyang hiwalayan mo?" malungkot na tanong niya sa akin.

Unti unting napawi ang ngiti sa aking mga labi. Para akonh binuhusan ng malamig ba tubig dahil sa tinanong ni Sera. Paano nga ba?

Napatitig ako sa kanya. Tamad niyang tiningnan isa isa ang mga mamahaling regalo ni Frank para sa kanya. Hindi pa sila nagkikita pero mukhang gusto na siya ni Frank. Mukhang walang magiging problema sa kanilang dalawa.

"Hindi ako makikipaghiwalay" diretsahang sabi ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin. Kita ko ang pagtutubig ng kanyang mga mata. "Hindi din ako makikipaghiwalay kay Kenzo" nahihirapang sabi niya dahil sa pagiging garalgal ng kanyang boses.

Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib. Hindi ko magawang tingnan si Sera, nakakaramdam ako ng guilt. Meron naman akong magagawa, pwede kong akuin si Augustine Alvarado. Pero mahal ko din si Frank, at hindi ko kayang magkahiwalay kami.

Mas lalo akong napasinghap ng yumakap si Sera sa akin. "Ate, umalis na lang tayo dito. Narinig ko sina Daddy. Aalis daw tayo ay pupunta ng Guam. Ayoko!" sumbong niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, biglang naputol ang aking dila. Sa huli ay niyakap ko na lamang din siya pabalik. I'm sorry Sera. Ngayon lang ako nagdesisyon para sa sarili ko, I want to keep this.

Mas lalo naming naramdaman ang epekto ng hindi natuloy ne merge kasama ang mga Saavedra. Hindi na lang ako umiimik sa tuwing nababanggit ni Daddy ang ginawa ni Ram.

Gustuhin man sanang ituloy ng mga Saavedra ang bussiness deal ay hindi na pumayag pa si Daddy. Anya, masyado na siyang mabastos. Kawalan daw iyon ng respeto para sa aming pamilya. Ang makabuntis si Ram habang nakapangako siya sa akin ay isang malaking sampal para   kay Daddy.

"Hindi ka na tutuloy ng Masterals mo sa susunod na Semester, tulungan mo na muna ako sa manufacturing" anunsyo ni Daddy sa akin. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tanghalian.

Masakit iyon para sa akin pero mas tanggap ko na ang rason kesa ang sabihin niyang titig na muna ako dahil ipapadala na nila ako sa Guam. Ang mahalaga ay hindi kami magkakalayo ni Frank.

Tipid akong ngumiti kay Mommy at Sera. Kita ko ang pagaalala sa kanilang mga mata.

"Ikaw Sera, tatapusin mo lang ang Sem na parating" baling niya sa aking kapatid na mas lalong lumuwa ang mga mata. Alam ko, magproprotesta siya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Ayokong lumaban siya at baka saktan nanaman siya. Magsasalita na sana siya ng nakita ko kung paano hinawakan ni Mommy ang kanyang kamay para pakalmahin.

Nang sumunod na weekend ay nagkita ulit kami ni Frank. Imbes na sa mall magkita ay ako na mismo ang bumyahe patungo sa Manila para puntahan siya. Ang paalam ko  ay may aasikasuhin lang ako sa school.

"Hi" nakangiting bati ko sa kanya pagkabukas ng kanyang condo.

Tipid siyang ngumiti pabalik sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

"Pasok ka. Kakatapos ko lang mag shower" sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran para igaya ako patungo sa may sofa.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon