Brave
Hindi na ako nakaimik pa. Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana. Ok lang na sumakit ang leeg ko, basta hindi ko titingnan si Frank.
"Gusto mo ng music?" tanong niya sa akin.
"Ayoko" tipid na sagot ko sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa labas, humigpit pa ang pagkahalukipkip ko na para bang gusto kong magsumiksik sa may gilid para lang hindi kami magdikit.
"Anong gusto mo?" tanong niya ulit kaya naman medyo nainis ako.
"Gusto kong manahimik ka" diretsahang sagot ko. Pinanlisikan ko pa siya ng mata.
Baghang napaawang ang labi niya dahil sa gulat. Sa huli ay nakabawi din naman at itinuon na lang ang buong atensyon sa may kasalda.
Muli siyang tumikhim. "Ang sungit mo ah" puna niya. Marahan lang iyon pero nakakabwiset pa din.
"Hmp!" pagpaparinig ko. Sabing manahimik siya eh. Napakakulit!
Napabuntong hininga na lang siya at tahimik na nagdrive. Pero mukhang hindi niya din kayang pigilan ang bibig niya.
"Bakit sasakyan ni Sandra ang gamit mo? Asaan ang sayo?" tanong niya sa akin.
Napanguso ako para pigilan ang sarili na sagutin siya. Ang chismoso. Nakita mo yan anak? Nakita ko yang ama mo?
"Papalitan ko ng bago ang buong sasakyan ni Sandra kung iyan ang inaalala mo. Ibibili din kita ng sayo..." seryosong sabi niya.
Nagulat ako kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Nanatili ang tingin niya sa kalsada na para bang walang mali sa sinabi niya. Hinihintay ko siyang lumingon sa akin pero kumunot lang ang kanyang noo.
"Hindi mo kailangang gawin yan!"
"Bakit? Ako naman ang bibili" laban niya sa akin.
"Hindi ako tatanggap ng kahit anong galing sayo, Frank" madiing sabi ko sa kanya.
Sandali siyang sumulyap sa akin. Mapungay ang mga mata, pero sa huli ay nagiwas na lamang siya ng tingin.
"Sa terminal mo ako ibaba. Kaya kong umuwi magisa sa Bulacan. Wala ka namang pupuntahan duon kaya wag ka ng tumuloy"
Hindi niya ako pinakinggan. Nanatili lang siyang tahimik na nagmamaneho. Sa inis ko ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Nakakahiya na baka maabala ko si Sandra o si Alfred. Pero hindi ko kayang makasama ng matagal si Frank. Baka mahigh blood ako.
"Sinong tatawagan mo?" tanong niya sa akin.
"Si Alfred!" diretsahan kong sagot kaya naman nagulat ako ng kaagad niyang kinuha ang phone ko at ibinato iyon sa likuran.
"Ang sama sama mo Frank!" hiyaw ko.
"Mas lalong hindi kita papakawalan kung kay Alfred ka mapupunta" madiing sabi niya sa akin.
"Eh kanino ba dapat!?"
"Sa akin, Stella!" balik na sagot niya sa akin. Walang kagatong gatong, hindi man lang nahiya. Ang kapal kapal ng mukha.
"Ang kapal ng mukha mo" akusa ko sa kanya. Bahala siya, inis na inis na talaga ako. Hindi ko na kayang magtimpi. Nawawala ang pagiging mahinhin at tahimik ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay. "Gwapo naman" nakangising sagot niya sa akin na akala mo ay nakikipagbiruan ako sa kanya.
Uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa galit. "Anong gagawin ko sa gwapo kung manloloko naman? Saksak mo din sa baga mo ang pera mo. Alam mong hindi kita minahal nuon dahil diyan..." sita ko sa kanya ng maalala ko kung paano niya ako inabutan ng cheke.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar