Fall
Lumipas ang ilang araw, hanggang sa naging linggo at umabot na ng buwan. Nanatiling tulog si Frank, walang malay, hindi makausap. Wala...hindi ko maramdaman.
"Hindi ka dapat nagpupuyat, hindi makakabuti para sa baby" si Sergio ng magkita kami sa hospital.
Kagaya nuong si Mommy ang nasa ganitong kalagayan ay halos gawin ko na ding bahay ang hallway ng hospital. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay hinayaan akong magstay nila Seta at Kenzo sa pinakamalapit na private room sa ICU.
Tipid kong nginitian si Sergio. "Mas gusto namin dito, malapit kay Frank. Kung mararamdaman niya kami palagi dito sa tabi niya...siguradong gigising na siya"
Naramdaman ko ang paghawak ni Sergio sa aking balikat. "Gigising si Frank, gigising yan" paninigurado niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan. Alam ko, alam kong gigising siya. Hindi niya kami bibiguin ng anak namin.
Pwedeng mapagod ang iba, pwedeng mawalan ng pagasa. Pero ako, hindi ako mapapagod at nawawalan ng pagasa na gigising siya. Na babalik siya sa amin. Nangako siya kaya naman alam kong tutuparin niya iyon.
Hindi ko pa nakakausap si Mr. Del Prado matapos ang nangyaring ito. Pero palagi naman kaming nagkikita, minsan ay naabutan ko siyang tahimik na nakatingin kay Frank mula sa glass window ng ICU. Ilang beses ko na din siyang naabutang umiiyak.
"Stella, Anak...magpahinga ka naman. Baka ikaw nama ang magkasakit niyan" nagaalalang sabi ni Mommy sa akin ng bisitahin niya ako sa hospital.
Hindi ako nawawalan ng kasama. Kung minsan ay si Manang ang kasama ko. Araw araw din namang pumupunta si Sergio at Sandra para samahan ako. Kung minsan nga ay kasama ko pa silang magbantay hanggang sa gabi.
"Hihintayin ko pong gumising si Frank, Mommy" sagot ko.
Kita ko ang panggigilid ng luha sa kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Anak..." tawag niya sa akin, narinig ko pa ang kanyang pagpiyok. Alam ko na kaagad kung anong sasabihin niya.
Nung una pa lang ay sinabi na nila sa akin ito. Pero hindi ako naniwala, hindi ko tinanggap. Hinding hindi ko tatanggapin.
"Stella, Anak...machine na lang ang bumubuhay kay Frank" pagbasag ni Mommy sa katotohanan. Katotohanan na hindi ko tinggap, hindi ko kayang tanggapin.
Bumigat ang aking dibdib. Muling nangilid ang luha sa aking mga mata. Alam ko na ang tungkol duon, pero masakit isipin na ang mga tao sa paligid namin ay naniniwala duon.
Marahan akong napailing kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. "Hindi po yan totoo, Mommy...hindi ko po yan matatanggap" giit ko.
Walang kahit anong salita ang makakapagpahina ng loob ko. Hindi luluwag ang kapit ko sa kanya.
"Babalik po si Frank sa amin" pumiyok na sabi ko. Dahil duon ay kaagad akong hinila ni Mommy para yakapin.
Naramdaman ko ang kanya ding pagiyak. Alam kong masakit din sa kanya ito, napamahal na din si Frank sa kanya. Parang anak na din ang turing niya dito kaya naman alam kong nasasaktan din siya.
Halos araw araw akong nanduon. Kung minsan ay nasa loob pa mismo ng ICU. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay, medyo malamig iyon kaya naman mas lalo kong hinigpitan para maramdaman niyang nandito lang ako.
"Frank, gising na...ang tagal mo namang matulog" emosyonal na sabi ko sa kanya.
Nanatili ang aking titig. Ni hindi man lang siya nagreact, gusto kong dumilat siya. Tingnan ako sa mata, ngitian at pagkatapos ay halikan. Miss na miss ko na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas at tapang.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar