Chapter 20

108K 2.8K 502
                                    

Aksidente








"Stella, tumatawag daw ang Daddy mo" si Tita Helen ng muli nanaman niya akong katukin sa aking kwarto.

Napahigpit ang yakap ko sa aking unan. Ayoko ng umuwi sa Pilipinas. Dito na lang ako, kami ng Baby ko. Dito lang kami, malayo sa kanilang lahat.

Kung dati ay takot akong magisa. Ngayon, mas lumakas ang loob ko dahil alam kong hindi naman ako nagiisa. May kasama na ako. At hangga't maari, iiwas kami sa lahat ng pwedeng maghiwalay sa amin.

"Stella, hija" marahang paguulit ni Tita.

Ilang katok pa ang nagawa niya, bago siya tuluyang pumasok sa aking kwarto. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay napaayos ako ng upo. Sandali kong pinunasan ang namuong luha sa aking mga mata.

"May problema ba? Sabihin mo sa akin" pagaalo niya sa akin. Nagpapasalamat ako kay Tita Helen dahil inalagaan niya ako ng malaman niyang nagdadalang tao ako.

"Ayoko na pong bumalil sa Pilipinas. Dito na lang po ako, mas safe kami dito ng Baby ko" naiiyak na kwento ko sa kanya.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Gustuhin ko mang dumito ka na lang, pero paano naman ang Mommy mo?" tanong niya sa akin.

Alam nila kung gaano ko kamahal si Mommy. Alam nila na sa tuwing may ginagawa akong bagay ay si Mommy muna ang iisipin ko, dahil mahal na mahal ko siya at handa ako palaging magadjust para sa kanya.

"Maiintindihan po ito ni Mommy" pumiyok pang sabi ko.

Ito ang pangalawang beses na magdedesisyon ako para sa aking sarili at sa Baby ko. Iyon ay ang manatili kami dito, malayo sa kanilang lahat. Malayo kay Daddy at kay Frank.

Halos hindi ko pinansin ang mga tawag ni Daddy sa akin. Dalawang linggo na ako dito sa Guam pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na. Kahit nandyan si Tita Helen para gabayan ako ay natutunan ko pa ding maging independent kahit sa maiksing panahon na iyon.

"Aalis na po muna ako, Tita" paalam ko dito.

Pupunta ako ng grocery, bibili din ako ng vitamins na inireseta sa akin ng Doctor. Aalagaan ko ang sarili ko para sa Baby ko. Hindi na lang ang sarili ko ang meron ako, dalawa na kami ngayon.

Matapos kong mamili ng ilang kailangan at gatas ay napunta ako sa may Infant section, bigla akong naexcite na mamili ng gamit ng Baby ko. Lalaki kaya siya o Babae? Pero kahit ano pa man ang gender niya, mahal na mahal ko siya.

Sa huli, isang maliit na baby bottle ang binili ko. Natuwa ako sa liit nuon, kailangan ko nuon para sa tuwing nalulungkot ako dahil sa pagiisa ay isang tingin lang at maaalala ko kaagad na may kasama ako.

Umuwi din ako kaagad pagkatapos kong maggrocery at dumaan sa may pharmacy. Ang sabi ni Tita Helen, kailangan kong makabawi. Tama siya, bumagsak ang katawan ko dahil sa mga naging problema ko nitong mga nagdaang linggo.

"Stella, ang Mommy mo" salubong ni Tita Helen sa akin.

Napaawang ang aking bibig. Gustuhin ko mang tanggihan ang tawag ay hindi ko nagawa. Gustong gusto ko na din makausap si Mommy, pero natatakot ako na sa kalagitnaan ng paguusap namim ay biglang agawin ni Daddy sa kanya ang tawag.

"Mommy..." bungad ko sa kanya.

Isang hikbi kaagad ang narinig ko mula sa kanya kaya naman mabilis na bumigat ang aking dibdib.

"Umuwi ka na dito anak. Ang sabi ng Tita Helen mo buntis ka"

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko maipagkakailang may takot din akong nararamdaman. Pagsasabihan ba nila ako ng masasakit na salita dahil nabuntis ako? At ayaw ng ama ng anak ko sa amin?

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon