Chapter 26

130K 3.2K 1.2K
                                    

Sorry




Napabuntong hininga na lamang ako at kaagad na nagiwas ng tingin. Inayos ko ang aking sarili bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ni Mommy. Nailipat na siya sa isang private room, kahit pa maayos na ang kalagayan niya ay inadvice pa din ng Doctor na magstay na muna kami para mamonitor ang kalagayan niya.

Matamis na ngiti kaagad ang isinalubong niya sa akin kahit pa ramdam kong nalulungkot pa din siya dahil sa nangyari kay Daddy.

"Ang laki na ng tiyan ng kapatid mo" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napatango ako at yumakap sa kanya ng makalapit.

Tinanggap ni Mommy ang aking yakap. Naramdaman ko ang isang kamay niya sa aking sinapupunan.

"Hindi ka ba nahirapan magisa dito? Pinapahirapan ka ba ng Apo ko?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at marahang umiling. Kung iba sigurong anak ito baka umiyak at nagsumbong na. Pero dahil kagagaling lang ni Mommy sa sakit at nagluluksa pa siya sa pagkawala ni Daddy ay napagasyahan kong wag na lang sabihin sa kanya. Ayos lang naman ako, at hindi ko nakailangang magalala dahil malapit na din naman kaming umalis. Konting tiis na lang.

"Hindi niya po ako pinapahirapan" pagbibida ko.

"Ang bait naman pala, hindi pinapahirapan ang Mommy" malambing na sabi niya dito. Napatawa na lamang ako dahil duon. Pero unti unting nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa sumunod niyang tanong.

"Alam na ba ng ama ng bata?" tanong niya sa akin.

"Hindi na po kailangan Mommy. Kaya ko naman pong palakihin ang anak ko ng magisa" sagot ko sa kanya.

Kita ko ang pagaalala sa kanyang mukha. Ramdam kong may gustong sabihin si Mommy. Na baka gusto niyang kumontra pero tipid siyang napatango. Mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap.

"Sorry anak, kung naiwan kang magisa" marahang sabi niya sa akin.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. Hindi naging madali sa akin ang mga nagdaang araw. Hinarap kong magisa ang lahat ng problema, pero ang mahalaga ngayon ay gising na si Mommy. Ok na ang lahat at pwede na kaming umalis at makapagbagong buhay.

"Hindi naman po ako magisa. Andyan si Manang, si Sera, ang Baby ko at ikaw Mommy, natulog ka lang naman" natatawang kwento ko sa kanya na ikinatawa niya din.

Sandali pang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa napasinghap si Mommy.

"Kaya ganuon ang Daddy niyo dahil ganuon din ang naranasan niya sa mga magulang niya. Hindi din naging madali sa kanya ang buhay, hindi niya nagawa ang gusto niya. Takot na magkamali..." emosyonal na kwento ni Mommy sa akin.

Marahan kong hinaplos ang kanyang likuran. Mas lalo ko ding hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Mahal niya kayo. Ang kaso ay iba lang ang paraan niya...pero mahal niya kayo, mahal niya tayo" naiiyak na paninigurado niya sa akin.

Napatango ako. Alam ko naman iyon, nasabi niya naman iyon sa akin bago siya bawian ng buhay. Sana lang ay nagkaroon ng pagkakataon si Daddy na makapagbago, na maitama ang mga pagkakamali niya. Pero hanggang duon na lang siguro talaga.

"Kailangan din talaga nating umalis. Mas lalo lang akong malulungkot dito, mas lalo lang akong mangungulila sa Daddy niyo" sabi ni Mommy.

"Aalis po tayo, Mommy" paninigurado ko sa kanya. Mas lalo akong naging desidido, wala ng makakapigil pa sa amin.

Ito ang desisyon ko para sa akin, para sa amin ng Baby ko, at para na din kay Mommy. Sana nga lang, tama na ngayon. Nung huling beses kasing nag desisyon ako para sa aking sarili ay nagkamali ako.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon