Party
Sakay ng SUV nila Sandra ay nagpasya kaming umuwi na muna sa amin. Pupunta din naman talaga sila duon para makipagburol.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ni Sandra sa akin. Pareho kaming nasa backseat. Si Cedrick ang nagmamaneho at si Alfred naman ang sa may passenger seat.
Pansin ko ang ilang beses na pagtingin ni Alfred sa may rearview mirror. Para bang gusto niya akong kausapin pero hindi siya makapagsakita lalo na't magkatabi kami ni Sandra.
Humilig ito sa akin para bumulong. "Si baby kawawa..." puna niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagaalaga sa akin ni Sandra, pati sa Baby ko. Sobra akong nagpapasalamat dahil nandito sila.
"Hindi ko naman siya pinapabayaan. Hindi ko din pinapabayaan ang sarili ko" paninigurado ko sa kanya, para hindi na din siya magalala.
Napanguso lamang siya at muling humigpit ang kapit niya sa aking braso. "Nagaalala pa din ako sa inyo"
Pagkadating namin sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Manang. Kaunti pa lang ang tao, mas madami kasi pag gabi. Ngayon ay halos kamaganak at malalapit na kaibigan lang ang nandito.
"Teka at maglalabas ako ng makakain" si Manang.
Tumango ako sa kanya. Sinimahan ko ang tatlo na pumunta sa harapan para makita si Daddy. Nang mahusto sila ay bumalik na din kami sa inihandang lamesa ni Manang para sa amin. Hindi ko din naman kasi kayang tumingin ng matagal duon, hindi ko kaya.
"Ikaw lang palagi magisa ang nagbabantay sa hospital?" tanong ni Alfred sa akin ng magkaroon siya ng pagkakataon.
Naging abala kasi si Sandra kay Cedrick. May kung anong pinaguusapan din sila.
"Hindi, minsan kasama ko si Manang" sagot ko kay Alfred.
Kahit tipid ko na siyang nginitian ay hindi pa din nagbago ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. Ramdam ko pa din ang pagaalala niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay ng hawakan niya ang kamay kong nasa itaas ng lamesa. Marahan niya iyong pinisil.
"Alam kong mahirap ito para sayo, Stella. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang ako palagi para sayo" paninigurado niya sa akin.
Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil duon. Dahil sa pagdating nilang tatlo ay napunan kahit papaano ang pangungulila at pangangailangan ko na may makasama.
"Salamat, Alfred" marahang sabi ko. Namanhid ang buong katawan ko ng marahan niyang haplusin ang aking pisngi.
"You don't deserve all of this" madiing sabi niya sa akin. Nagiwas kaagad ako ng tingin, ayoko ng salubungin ang nangungusap na mga mata ni Alfred, lalo ko lang gustong maiyak.
Minsan, gusto kong magtanong kung bakit ako? Bakit sa akin nangyayari ito. Pero imbes na patuloy pang magdamdam ay isinasawalang bahala ko na lamang. Wala akong mapapala, ang kailangan kong gawin ay ang magpakatatag at lumaban ulit.
"Kung utos talaga iyon ni Sera, pwede namang yung mga tauhan na lang nila. Bakit maging siya ay pabalik balik pa sa hospital?" tanong ni Sandra sa akin.
Maging ako nga din ay nagtataka kay Frank. Pinalayas niya ako sa condo niya dahil galit siya sa akin, sinabi pa niyang ayaw niya na akong makita. Pero heto siya ngayon at siya ang nagpapakita sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako. Ramdam ko ang tingin ni Alfred sa akin, bahagya ding nakakunot ang kanyang noo.
"May gusto talaga sayo, Stella" paninigurado sa akin ni Sandra kaya naman napaayos ako ng upo.
BINABASA MO ANG
Do Stars Fall? (Sequel #1)
RomanceThis is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. Because it not meant to be yours. You can just love them from afar