Prologue

360 25 10
                                    

Kasalukuyang nandito sa set sa isang practice ang dalawang sikat na artista sa Pilipinas na sina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero. Isa itong modeling ni Richbell Mercado para sa isang brand ng gown na i-aadvertise at ang kanyang escort ay si Aldwin Guerrero.

Kasalukuyang rumarampa na si Rich sa stage at minomodelo ang isang brand ng gown. Ito ay isang commercial nina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero. Sila lang naman ang pinakasikat na loveteam dito sa Pilipinas.

"Ayan! Good! Sige pa! Rampa! Ingat ka sa heels mo hija ha!" Sigaw ni Direk Zi na kasalukuyang nakaupo sa ibaba ng stage at nasa may medyo may kalayuan sa stage ito nakaupo sa isang silya na may nakalagay na "Direktor" sa likuran.

Kaya naman ay agad na napangiti si Richbell at agad na tumaas ang kaliwang kilay.

"Wag mo nga akong utusan Direk. I know how to handle myself." Panunupalpal ni Rich kay Direk Zi na naging sanhi ng agad na pagsalubong ng kilay at napailing-iling na lamang dahil sa isinagot ng dalaga.

"Ahmm... D-Direk. P-Pagp-pasensyahan nyo na po yang alaga ko ha. Ganyan talaga yan eh. Kapag off cam ay likas na napakamaldita." Nahihiyang ani ng baklang manager ni Richbell Mercado na si Mama Velouz. Pagkatapos ay napakamot na lamang sa kanyang ulo.

"Naiintindihan namin kayo, Velouz." Kalmang sabi ni Direk Zi na nakaupo naman sa silya na katabi ni Direk Zi na may nakalagay na "Asst. Director."

Kaya naman ay nameke nalang ng ngiti si Velouz upang hindi mahalata ni Direk Yi ang kanyang nararamdamang hiya.

"Oh, ayan. Papatong na si Rich sa metal na flatform tapos yung aura niya ay parang lilipad na. Tanggapin mo ang kamay ni Rich, Aldwin." Pag-utos ni Direk Zi.

Agad na lumakad si Aldwin mula sa bandang kaliwa ni Rich na nakaharap na ngayon sa metal na flatform. Pagkatapos ay inextend ni Aldwin ang kanyang kamay upang i-alok ito kay Rich.

Agad namang tiningnan ni Rich ang kanyang kamay at pagkatapos ay bumalik ang tingin ni Rich sa mga mata ni Aldwin. Agad na tumaas ang isang kilay ni Rich pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Direk! Ano ka ba?! No need na! Hindi naman ako lumpo! Saka practice lang naman to eh!" Sigaw ni Rich pagkatapos ay inirapan si Aldwin at pagkatapos ay pumatong na ito sa flatform at muling humarap aa nanonood na sina Direk Zi, Direk Yi, Mama Velouz at ang tomboy na manager ni Aldwin na si Papsy Raphy na may hawak na water bottle na naglalaman ng tubig.

"Ayan! Ang ganda! Perfect!" Sigaw ni Direk Yi na napapalakpak pa.

Agad namang nakita ng lahat ang ganda ng design ng gown at parang lumilipad nga si Rich. Ang paglipad ni Rich at ang siyang unti-unti namang pagkakakita ng mga design na yung tipong makikita mo talaga ang quality at design ng gown.

Agad namang napangiti si Rich at tumaas ang kanyang kilay.

"Direk! No need to say that. I know it actually. And maliit na bagay." Maarteng sabi ni Rich at pagkatapos ay maarteng tumawa na nakatakip ang kanyang kanang kamay sa kanyang bibig.

Kaya naman ay napailing-iling nalang ang lahat na nanonood sa kanya. Dahil sa kanyang kayabangan at kasungitan kaya ay madalas umaayaw ang mga direktor kay Rich.

Ngumit walang ibang chance ang mga direktor kundi ang kunin siya. Dahil ang bait naman talaga ni Rich kapag nasa presscon o kahit anumang oncam na show nila. Kaya gustong gusto siya ng mga tao.

Ngunit agad din namang nanlaki ang mga mata ng mga nanonood dahil sa nakita nila na nangyayari sa stage ngayon.

Nawalan ng balance si Rich! Sinusubukan ni Rich na bumalanse ngunit nabigo siyang bumalanse.

Kaya naman ay mas nanlalaki na ngayon ang mga mata ng mga nanonood sa kanila at pati na rin ang mga mata ni Rich. Nanlalaki na ang mga mata nila na halos luluwa na ang kanilang mga mata sa kanilang katawan dahil sa labis na gulat na nadarama. Pagkatapos ay nahulog na sa ere si Rich at bumagal ang mga pangyayari.

Nanlalaki na ngayon ang mata ni Papsy Raphy at naging 'O' ang bibig. Si Mama Velouz naman ay napatakip sa knayang bibig. Habang sina Direk Zi at Direk Yi ay agad na napatayo at sabay nilang nasapo ang kanilang noo.

Si Aldwin naman ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. Ngunit wala siyang sinayang na oras at agad na niyang tinakbo ang nahuhulog na ngayon sa ere na si Rich. Kapag bumagsak sa sahig si Rich ay paniguradong bali-bali na ang mga buto nito.

Si Papsy Raphy ay nanatiling nakanganga at nanlalaki ang mg mata. Hindi nagtagal ay agad niyang nabitawan ang kanyang hawak na water bottle at agad na mas bumagal pa ang buong pangyayari. Dahan-dahang nahulog sa ere ang water bottle at bumagsak sa sahig na nagpatalbog-talbog pa.

Nung malapit nang bumagsak si Rich aya agad itong tinalon ni Aldwin pagkatapos ay niyakap ng mahigpit si Rich at nagpagulong-gulong silang dalawa sa sahig.

Nung matigil na ang kanilang paggulong-gulong ay nagulat ang lahat na nanonood nung nagkadampi na ang mga labi nina Rich at Aldwin. Sobrang dampi na dampi ang mga labi nina Rich at Aldwin ngayon at kapwa sila nakapikit ng mariin.

Makalipas ang ilang minuto ay agad na nawala ang pagbagal ng pangyayari at agad na bumalik sa normal.

Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Rich at nakita niya ang maamong maamo na mukha ni Aldwin na nakatingin na sa kanyang mga mata ngayon.

Tila wala ito sa huwisyo at nakatingin lang ito sa kanya. Tila nabigla sa mga pangyayari.

Kaya naman ay agad na hinampas ni Rich ang magkabilang balikat ni Aldwin pagkatapos ay itinulak ito palayo sa kanya.

"Waaaahhh!!! Magnanakaw ng halik! Manyakis! Yuck! Pervert!" Sigaw ni Rich pagkatapos ay pinaghahampas nanaman si Aldwin.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon