Panibagong araw nanaman ang sumikat dito sa apartment na tinutuluyan nina Rich at ng kanyang mga barkada.
Kasalukuyang nandito na sina Rich, Aldwin, Presley, Mhelca, Clifford at Scott sa mahabang lamesa kung saan sila nagmemeeting ngayon. Ngunit ang meeting nila ngayo ay meeting lang nilang mga magkakaibigan.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan sila ng pagmmeeting nila ngayon.
"Saan mo ba nakita ang banta na yan?" tanong ni Aldwin.
"Sa glass window ng kwarto ko. Saktong pagkasara ko ay tumambad kaagad sa harapan ko ang papel na yan." sagot ni Rich na tinutukoy ang papel na hawak ni Aldwin na may laman na banta.
Kasalukuyang pa ring nakakulong si Rich sa katawan ni Aldwin habang si Aldwin naman ay nakakulong rin sa katawa ni Rich.
"So, kung ganun. Ano sa palagay mo? Bago lang ba itong nailagay o medyo matagal na?" nakakunot noong tanong ni Scott.
" H-Hindi ko alam. Malay ko ba. Eh, nagtagal tayo sa sala mulap a nung makauwi tayo galing sa simbahan ng Baclaran." sagot ni Rich.
"So kung ga..." hindi na naituloy ni Presley ang kanyang sasabihin nung biglang mag doorbell sa kanilang apartment.
Ting! Dong!
Yan ang muling pagtunog ng doorbell na naging dahilan upang agad na tumayo si Presley at pagkatapos ay agad itong binuksan.
Agad namang napatingin ang lahat sa pintuan.
Agad naman nilang nakita kung sino ang nag doorbell. Ngunit agad din namang napakunot ang kanilang mga noo. Agad na nagkatinginan ang mga magbabarkada.
Nagtitinginan sila ngayon ng may mga nagtatanong na tingin. Nakakunot ang kanilang mga noo at gumuhit sa kanilang mga noo ang isang napakalaking question mark habang tinitingnan ang taong ito na nagdoorbell.
"A-Ano pong atin?" nauutal na tanong ni Presley sa nagdoorbell.
Ang nagdoorbell ay isang ginang na medyo nasa 50 pataas na ata ang edad. Ngnit maganda pa rin ito saka wala pa masyadong mga kulobot sa balat.
Napakaamo ng mukha ng ginang na ito. Saka unang tingin mo pa lang nito ay mahahalata mo nang napakayaman ng babaeng ito.
"N-Nasaan si Rich?" nauutal na tanong nung ginang.
"N-Nandito po. B-Bakit po?" nauutal na tanong ni Presley.
"M-May sasabihin sana ako sa inyo. P-Pwede ba akong tumuloy, hija?" nauutal at naiilang na tanong nung ginang.
Kaya naman ay agad na napatingin si Presley sa kanyang mga barkada. Agad din namang sabay na tumango ang lahat.
Kaya naman ay muling ibinaling ni Presley ang kanyang tingin sa ginang.
"S-Sige po. T-Tuloy po kayo." nauutal na tugon ni Presley.
Pagkatapos ay agad nang lumapit ang ginang sa mahabang lamesa kung saan nagmemeeting sina Rich, Aldwin at kanilang mga barkada.
Pagkatapos ay umupo ito sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa sa kanilang pinagmemeetingan.
"Ahmm... A-Ano pong kailangan nyo sakin?" nauutal na tanong ni Rich sa ginang na kasalukuyang nandito pa rin at nakakulong sa katawan ni Aldwin.
"Hijo, w-wala akong kailangan sayo. K-Kay Rich, may kailangan ako." nauutal na tugon ng ginang.
"Ahmm... A-Ako po si Rich." nauutal n sagot ni Rich.
"H-Huh?" nauutal na tanong nung ginang.
"Siya po si Rich. Alam ko pong napakahirap paniwalaan p-pero nagkapalit po ng katawan sina Rich at Aldwin." pagbubunyag ni Mhelca sa katotohanan kaya naman ay agad na pinanlakihan ng mata si Mhelca ng kanyang mga barkada.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Детектив / Триллер(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...