Panibagong araw nanaman ang sumikat at sumilip dito ngayon sa condo ni Papsy Raphy. Kasalukuyang nandito sina Aldwin, Rich, Papsy Raphy, Leonessa, Presley, Mhelca, Clifford at Scott sa mahabang lamesa. Kasalukuyan itong nagmemeeting.
Kasalukuyan silang nagmemeeting tungkol sa nangyari kay Aldwin kagabi. Tungkol sa biglaang paglipad ng papel sa mukha ni Aldwin.
Kasalukuyang nakatingin ngayon ang lahat kay Aldwin. Kay Aldwin nakatuon ang buong atensyon. Seryoso itong nakatingin kay Aldwin at para bang interesadong interesado silang malaman ang tungkol sa nangyari kay Aldwin kagabi.
"So, Aldwin. Ano ang nangyari sayo kagabi?" Nakakunot noong tanong ni Papsy Raphy.
"B-Bigla nalang po dumapo ang papel na ito sa mukha ko." Nauutal na sagot ni Aldwin habang ipinakita niya sa lahat ang papel na may laman na banta.
"A-Ano naman ang meron sa papel na yan?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Leonessa kay Aldwin.
"Address po. H-Hindi ko alam kung anong meron sa address na ito. B-Baka dito nila dinala si Rich." Nauutal na sabi ni Aldwin.
Pagkatapos ay agad din namang tumayo si Papsy Raphy.
"Ano pang hinihintay mo? Nandyan na pala yan eh. Tara puntahan na natin yan!" Pag-aaya ni Papsy Raphy at pagkatapos ay agad naman na nagsitayuan na ang lahat.
"Sige po, magbibihis lang po ako. Hintayin nyo po ako." Sabi ni Aldwin at pagkatapos ay agad nang nagbihis sa loob ng kanyang kwarto.
Ang kanyang mga kaibigan rin naman ay nagtungo na rin sa kwarto at naghanda ng mga dapat na ihanda.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan na ngayon ng pagbibihis si Aldwin.
"Ano ba naman to. Nagmumukha akong bading nito eh." Sabi ni Aldwin sa kanyang isip na kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan ni Rich at sinusukat pa rin ang isang dress.
"Ito nalang. Ito lang namam ang hindi masyadong maiksi eh. Kaya nababastos ang mga babaeh eh. Kasi nagsusuot sila ng mga maiiksi na damit." Sabi ni Aldwin sa kanyang isip.
"Yan, okay na." Mahinang sabi ni Aldwin nung makita niyang bumagay naman sa kanya yung dress. Pagkatapos ay tunalikod na siya ngunit agad din namang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang mga nakita.
Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ang kanyang mga mata na para bang gustong gusto na nitong lumuwa sa kanyang mga mata.
Nagsisimula nang pagpawisan si Aldwin sa kamyang noo ng isang napakalamig na pawis. Pinagpapawisan na si Aldwin ng mga malalaking butil ng pawis.
"S-Sino ka?!" Nauutal at natatarantang tanong ni Aldwin sa kanyang harapan.
"Ako si Dyosang Krizsha ang dyosa ng karma." Pagpapakilala ng isang napakagandang babae na nasa kanyang harapan ngayon.
Pagkatapos niyang magpakilala ay agad itong umaksyon na para bang naghahanda sa isang martial arts na away.
"H-Hoy! H-Hindi ako nagbibiro ah! Ikaw ba yung misteryosong tao na nagpapadala sa amin ng banta?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin na ngayon ay nakatitig na ng masama kay Dyosang Krizsha.
"What the?! Hello? Excuse me?!" Pasigaw na tanong ni Dyosang Krizsha na may paarte-arte pang posisyon sa kanyang kamay.
"Oh, bakit? Dadaan ka? Este ano ba talagang kailangan mo sa akin? Saka isa ka ba talagang dyosa?" Nakakunot noong tanong ni Aldwin kay Dyosang Krizsha.
"Oo, isa talaga akong dyosa. Ako ang nagsumpa sa inyong dalawa ni Rich na magkapalit kayo ng katawan." Sagot ni Dyosang Krizsha.
"T-Talaga? P-Pero kung isa kang dyosa bat wala ka nung stick na may star?" Nauutal na tanong ni Aldwin.
Kaya naman ay napairap nalang si Dyosang Krizsha ss kanya.
"Bobo, sa TV lang yun no! Totoo akong dyosa, hindi ako impostora. Gagong to." Sagot ni Dyosang Krizsha.
"Kung dyosa ka, ibalik mo na ako sa katawan ko. Para ako na ang magdusa at hindi nalang si Rich. M-Maawa ka naman kay Rich. H-Hindi mo alam ang pinagdaraanan niya ngayon." Nauutal at nagmamakaawang sabi ni Aldwin.
"Wushuuu, alam ko no. Saka alam ko rin na inlababo ka kay Rich." Sabi ni Dyosang Krizsha na naka cross arms pa.
"H-Huh? P-Paano mo nalaman?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Aldwin kay Dyosang Krizsha.
"Ode nahuli rin kitang gago ka." Sagot ni Dyosang Krizsha.
"Saka hindi ko talaga alam kung ano ang pinagdaraanan ni Rich. Bakit? Ano bang pinagdaraanan niya ngayon? Chika ka naman oh. Willing to wait naman yung mga kasama mo sa labas eh." Sabi ni Dyosang Krizsha na umupo pa sa kama ni Aldwin.
"Yan! May pasumpa-sumpa ka pa kasing nalalaman tapos punyeta hindi naman pala alam ang pinagdaraanan." Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.
"Eh kasi nagpanggap akong pulubi pero hindi nyo naman ako binigyan ng maski piso. Kahit piso nalang sana edi hindi na sana kayo nasumpa. Saka hindi nakan kayo babait kung hindi ko kayo pinagpalit ng katawan no. Pasalamat ka pa nga dapat sakin eh." Sabi ni Dyosang Krizsha na nakaupo pa rin sa kama at naka cross arms.
"Tanga ka ba?" Bat naman ako magpapasalamat sayo?" Nakakunot noong tanong ni aldwin.
"Ikaw ang tanga! May minamahal ka ba kayang Rich ngayon kung hindi ko kayo pinagpalit ng katawan?" Balik tanong ni Dyosang Krizsha kay Aldwin.
"Oo nga no? In fairness, thanks ah." Nakangiting sabi ni Aldwin at pagkatapos ay niyakap pa si Dyosang Krizsha.
Knock! Knock!
Yan ang tunog ng pintuan na naging sanhi ng agad na paglaho ni Dyosang Krizsha at pagkatapos ay agad din namang napatingin si Aldwin sa pintuan.
"Aldwin, hijo. May kausap ka ba riyan?" Tanong ni Leonessa na ngayon ay kumakatok pa rin sa pintuan.
"W-Wala po." Nauutal na sagot ni Aldwin.
"Pumunta ka dun." Yan ang tinig ni Dyosang Krizsha na ibinulong kay Aldwin nang hindi man lang ito nakikita ni Aldwin.
Agad din mamang lumabas si Aldwin at lumabas ng condo si Aldwin kasama ang kanyang ina na si Leonessa.
"Nagdala nga pala kami ng armas." Mahinang sabi ni Leonessa na naging sanhi naman ng agarang pagkunot ng noo ni Aldwin.
"H-Huh? P-Para saan naman po yung armas?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Aldwin.
"Wag kang mag-alala. Gagamitin lang naman natin yun kung kakailanganin." Sagot ni Leonessa at pagkatapos ay nagpaumuna nang pumasok sa elevator at sinundan naman agad ito ni Aldwin.
Pupunta sila sa baba kung saan naghihintay na ngayon sa kanila ang lahat.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...