Panibagong araw at panibagong kaganapan nanaman ang magaganap. Pagkatapos nung ginawang pagmanman ni Rich kay Aldwin kasama ang babae nito sa isang five star hotel ay umuwi na siya.
Ngayon ay kasalukuyang nandito nanaman sila for another shoot sa kanilang movie project na "Prestihiyosa."
Kasalukuyang nandito na sina Rich at Mama Velouz sa set habang inaantay nila ang ibang cast ng "Prestihiyosa" dahil ngayon na papasok ang iba pang mga character.
Narito si Rich sa isang bench nakaupo habang ang kanyang Mama Velouz naman ay nakikipag-usap sa mga direktor na sina Direk Zi at Direk Yi.
"Hay! Sige, Mama! Sales talk pa! Sayo naman ako nagmana eh. Ang galing makipagplastikan." Sabi ni Rich sa kanyang isip pagkatapos ay napairap nalang at inilipat sa iba ang kanyang paningin sa halip na titingnan niya na nakikipagplastikan ang kanyang Mama Velouz kina Direk Zi at Ditek Yi.
Maya-maya pa ay dumating na si Roxanne Rodriguez na siyang gaganap bilang si Adelaide sa movie project ng loveteam na Aldrich na pinamagatang "Prestihiyosa."
Agad namang ngumiti si Rich kay Roxanne. Ito lang ang hindi niya pinipeke kasi ito lang naman ang nag-aalaga sa kanya sa lahat ng mga artista ay siya ang parang ina na rin ni Rich.
"Komusta kana Rich, hija?" Nakangiting tanong ni Roxanne.
"Okay lang naman po." Nakangiting sagot ni Rich.
"Matagal din tayong hindi nagkasama sa isang project ah. Buti nalang at nakasama na kita ulit ngayon. Bali-balita ko ay may relasyon daw kayo sa totoong buhay mo talaga ng iyong kaloveteam na si Aldwin. Totoo ba yun, hija?" Nakangiting tanong ni Roxanne.
"Ofcourse not, tita." Sagot ni Rich pagkatapos ay umirap pa.
Sa halip na makikipag-usap pa si Roxanne ay tumahimik na lamang siya dahil halatang hindi nman gusto ng dalaga ang binata.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Aldwin kasama ang kanyang manager na si Papsy Raphy. Pagkarating ni Aldwin ay agad itong nakipag kamay kay Roxanne.
"Hello po. Kayo nga po pala ang gaganap bilang Adelaide?" Nakangiting tanong ni Aldwin kay Roxanne.
"Oo." Nakangiti namang sagot ni Roxanne.
Pagkatapos nun ay luminga-linga si Aldwin na para bang may hinahanap itong kung ano.
Pagkatapos ay inilibot din naman ni Rich ang kanyang paningin upang tingnan kung sino ang hinahanap ni Aldwin.
Nung ngumiti si Aldwin ay agad na tiningnan ni Rich kung kanino ngumiti si Aldwin. Nang tingnan ni Rich kung sino ang nginingitian ni Aldwin ay agad din namang napairap si Rich.
"Ohws, the cheap girl lang pala. In fairness, marunong din pala magrecognize ng nangangamoy daing na bataan si Aldwin. Yuck! Walang taste. Dun siya sa cheap na hindi nakakaafford ng PH Care." Sabi ni Rich sa kanyang isip pagkatapos ay may mukha na nandidiri.
"Hija, okay ka lang ba?" Tanong ni Roxanne kay Rich.
"A-Ahmm... O-Opo t-tita." Nauutal na sagot ni Rich.
Maya-maya pa ay agad dumating na rin ang iba pang mga production staff at agad na nilang niset para sa shooting.
Narito sila ngayon sa bago nanamang venue nila na kanilang pagsh-shootingan. Isang napakalaking mansion.
"Okay, prepare! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi.
"Mama, ito po si Zhaya. Zhaya Molejon. Ang papangasawahin ko po." Pagpapakilala ni Aldwin bilang si Ernest sa kanyang napupusuan.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...