Chapter 23

15 5 0
                                    

Kasalukuyang nandito sina Presley at Mhelca sa kanilang boarding house. Iisa lang ang bahay nina Presley at Mhelca.

Nangungupahan sila kasi malayo ang kanilang bahay sa Euphoria University. Maswerte namang nakilala nila si Rich na siyang nagrefer sa kanila na umupa sa apartment na ito.

Kasalukuyang narito na si Presley sa kanyang kwarto sa second floor habang si Mhelca naman ay narito sa kanyang kwarto sa first floor at kailangan mo pang lumiko sa kanan upang marating ang pintuan ng kwarto.

Kasalukuyang nandito si Presley sa kanyang kwarto na nagtutupi ng mga damit. Habang si Mhelca ay narito sa first floor na kalalabas pa lang niya sa kanyang kwarto rito sa first floor para magtimpla ng kape.

Kasalukuyang nagtitimpla ng kape si Mhelca ng may biglang napakabilis na dumaan sa kanyang likuran na ang naging sanhi ng pagbuhaghag ng kanyang buhok dahil sa hangin na napakabilis na dumaan sa kanyang likuran.

Kaya naman ay biglang nanlaki ang mga mata ni Mhelca at pagkatapos ay dahan-dahang nilingon ang kanyang likuran. Nung tiningnan ang kanyang likuran ay wala namang tao.

"Ahh, pinagloloko nanaman siguro ako ni Presley." Sabi ni Mhelca sa kanyang isip.

"Ikaw besty ah. May nalalaman ka pang pagprank sakin ah." Sabi ni Mhelca.

Agad naman itong narinig ni Presley na kasalukuyang nagtutupi ng mga damit.

"Ano daw? Nandito ako. Nababaliw talaga tong si besty ko." Sabi ni Presley na bahagyang lumukot ang mukha habang nagtutupi.

Knock! Knock!

Agad namang nilingon ni Presley ang kanyang pintuan nung narinig niyang may kumatok.

Pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Agad namang sumama ang timpla ng mukha ni Presley nung makita niyang walang tao.

Agad niyang inilibot ang kanyang paningin ngunit wala namang tao.

"Nababaliw na talaga tong si Mhelca. Kahit kailan." Sabi ni Presley sa kanyang isip at pagkatapos ay napailing-iling nalang dahil sa isiping nababaliw na sa mga pagp-prank ang kanyang besty na si Mhelca.

Maya-maya pa ay agad na itong bumalik sa kanyang kwarto at nagtutupi ulit.

Habang nagtutupi si Presley ay napatingin naman siya sa sa kanyang orasan.

3:00 A. M.

"Nako! Madaling araw pa nga pala. Pero baka maaga kaming susunduin ni Clifford. Nagtext pa naman siya sa akin kanina na nagb-byahe na raw siya." Sabi ni Presley sa kanyang isip.

Knock! Knock! Knock!

"Ano ba?! Besty, nakakairita na ah!" Napipikon na sigaw ni Presley habang nakatingin sa pintuan ng kanyang kwarto.

Kasalukuyang nandito pa rin si Mhelca sa kusina sa first floor na nagtitimpla ng kape.

"Hay nako! Nababaliw na talaga tong si Presley. Ako pa nga tong niprank niya kanina tapos siya pa napipikon." Sabi ni Mhelca pagkatapos ay napailing-iling pa.

Kaya naman ay agad na tinakbo ni Presley ang pintuan at mabilis na binuksan at nilibot ang kanyang paningin.

Nung nilibot niya ang kanyang paningin ay wala nanamang tao. Kaya naman ay napairap nalang siya.

"Last ka nalang talaga, besty! Napipikon na ako!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Presley at pagkatapos ay padabog na isinara ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Ano ka ba besty?! Nandito lang ako sa first floor. Nagtitimpla ako ng kape. Sira ma ba ulo mo?!" Sigaw naman ni Mhelca na ngayon ay naiirita na rin dahil sa pinagsasabi ni Presley sa kanya.

Kaya naman ay agad na napakunot ang noo ni Presley dahil sa kanyang nalaman at narinig niyang obvious na talagang nasa first floor si Mhelca dahil sa layo ng tinig ni Mhelca na kanyang narinig.

Kaya naman ay agad na napalunok ng ilang beses si Presley dahil sa kanyang nalaman. Agad na kumunot ang kanyang noo at gumuhit ang isang question mark sa kanyang noo at may nagtatanong na tingin.

"S-So, s-sino yung k-kumatok kanina?" Nauutal na tanong ni Presley sa kanyang isip. Pagkatapos ay dahan-dahang napalingon sa kanyang kwarto.

Knock! Knock! Knock! Knock! Knock!

Muli nanamang may kumatok ng limang beses sa pintuan ng kanyang kwarto. Isa itong napakalakas na katok.

Kaya naman ay agad niya itong tinakbo at pagkatapos ay agad na binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at agad na inilibot ang kanyang paningin.

Nung nilibot niya ang kanyang paningin ay may nakita siyang isang tao na hindi matukoy ang kasarian kung lalaki ba o babae.

Naka-all black ito at may takip ang mukha. Pagkatapos ay ang bilis nitong tumakbo at agad namang sinundan ng mga mata ni Presley ang babaeng tumakbo ng napakabilis.

Nung sinundan niya ito ng tingin ay nakita niya itong pumasok sa kwarto ni Mhelca at padabog nitong isinara ang pintuan ng kwarto ni Mhelca.

Kaya naman ay agad nang kumalabog ng napakabilis ang kanyang puso dahil sa kanyang nakita.

Kumakalabog ang kanyang puso na para bang gustong gustong gusto na nitong kumawala sa kanyang katawan.

Nanlalaki rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki ang kanyang mga mata na halos luluwa na ito sa kanyang katawan.

"P-Paano naman yun nakapasok sa apartment? H-Hindi kaya... M-May susi nanaman yung taong yun sa apartment namin?!" Natatarantang sigaw ni Presley sa kanyang isip.

Kasalukuyang nandito na si Presley sa hagdanan na pumapanaog na. Habang palapit nang palapit ay pabilis nang pabilis ang pagkalabog ng kanyang puso.

Dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa pintuan ng kwarto ni Mhelca. Pinagsusumikapan niyang hindi siya makalikha ng kahit anumang anyo ng ingay.

Kasalukuyang nandito na si Presley sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Mhelca. Sa pagkakaalam niya ay naroon si Mhelca sa kusina at nagtimpla ng kape.

Kaya naman ay agad na inilabas ni Presley ang patalim na nasa kanyang likuran na nakasuksok.

Pagkatapos ay agad na niyang mabilis na binuksan ang pintuan ng kwarto ni Mhelca ng napakabilis at pagkatapos ay agad niyang itinutok ang kutsilyo sa kanyang harapan.

"Waaaaahh!!!" Sigaw ni Presley habang sumusugod sa kwarto ni Mhelca.

"Waaaahh!!! Besty!!!" Natataranta namang sigaw ni Mhelca na kasalukuyang nandito sa kanyang harapan.

"Besty?! A-Akala ko nasa kusina ka ka pa?" Nauutal na tanong ni Presley.

"Oo, nandun ako kanina. Naubos ko na nga yung kape ko. Kaya pumunta na ako rito bitbit ko na ngayon ang bag ko oh. Tara na, kunin mo na yung bag mo. Nagtext sakin si Clifford sabi niya naghihintay na daw siya sa atin sa labas." Sabi ni Mhelca.

Kaya naman ay na nabunutan ng tinik si Presley nung makita niyang si Mhelca ang nasa loob ng kwarto na sumalubong sa kanya.

"Sige." Tugon ni Presley at pagkatapos ay agad na silang lumabas sa kwarto ni Mhelca.

Kasalukuyang nandito ang isang taong naka-all black sa loob ng cabinet na nasa right side lang ng pintuan ng kwarto ni Mhelca.

Mabilis itong nakatago sa cabinet ni Mhelca na ngayon ay wala nang laman.

"Hinding hindi nyo ako mahuhuli! At hinding hindi ako magpapahuli sa inyo! WHAHAHAHA!!!" sigaw nung taong naka-all black sa kanyang isip at pagkatapos ay sumilay sa kanyang mga labi ang isang mala delonyong ngiti.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon