Chapter 2

73 13 10
                                    

Pagkatapos nung shocking na eksena kahapon dahil sa nalaman ni Rich na magiging ka loveteam niya na pala si Aldwin na mortal enemy niya.

"Waaaahh!!! Mama as in true?! Gosh! Nakakahiya! Nahimatay ako kahapon mama!" Sigaw ni Rich na may halong pag-iinarte.

Kasalukuyang unaayusan si Rich ng kanyang makeup artist.

"Hayaan mo na. Tapos na yun. Nagawan ko na yun ng lusot ang nangyari kahapon." Mahinahong sabi ng kanyang manager na ina-inahan na si Mama Velouz.

"Oh, napakabait mo talaga sakin mama. Thanks mama." Sabi ni Rich.

"Tapos na po, ma'am." Sabi ng makeup artist pagkatapos ay agad na itong umalis sa kanilang tent ngayon.

Nandito na sila sa venue ng pagshootingan nina Rich at Aldwin sa kanilang bagong project nila na pelikula na pinamagatang "Prestihiyosa."

Kasalukuyang nakatayo na si Rich at nag-uusap sila ni Mama Velouz.

"M-Ma'am, s-sorry nga po pala sa aberya sa pagpapababa ko sa inyo kahapon sa kotse. Hindi na po yun mauulit." Maya-maya pa'y nauutal na sabi ni Manong James Andres sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Mama Velouz at Rich.

Agad namang nilingon ni Rich si Manong James Andres at pagkatapos ay nginitian ito.

"It's okay, you may go. You're fired." Kalmang sabi ni Rich.

"M-Ma'am, sorry po ma'am. M-Ma'am naman. Nangangailangan po talaga ako ng trabaho." Pagmamakaawa ni Manong James Andres.

"You're FIRED!" sigaw ni Rich kay Manong James Andres pagkatapos ay agad na itong umalis sa harapan ni Manong James Andres at lumabas ng tent.

"Ma'am." Sabi ng kung sino.

Agad naman itong nilingon ni Rich at pagkatapos ay nginitian niya ang tumawag sa kanya.

"Oh, Manong Mokz. Nandito kana pala. Mabuti naman at nandito kana. Mula ngayon at hired kana. Ikaw ang bago kong driver. And don't forget the rule na bawal sakin ang tatanga-tanga, okay? Kapag nagtatanga-tangahan ka ay alam mo na ang babagsakan mo." Nakangiting sabi ni Rich.

Agad namang napalunok ng tatlong beses si Manong Mokz dahil sa sinabi ni Rich.

"S-Sige po, ma'am." Nauutal na tugon ni Manong Mokz.

Pagkatapos ay umalis na si Rich sa kanyang harapan at pumunta na sa set ng taping nila sa "Prestihiyosa."

"Goodluck, pare." Nakangiting sabi ni Manong James Andres kay Manong Mokz.

"A-Akala ko ba, m-mabait tong si Ms. Rich?" Nauutal na tanong ni Manong Mokz.

Pagkatapos ay tanging iling nalang ang isinagot ni Manong James Andres at pagkatapos ay umalis na sa harapan ni Manong Mokz.

Kasalukuyang nandito na sa set sina Mama Velouz, Rich at ang iba pang cast. Nandito na rin si Aldwin at ang manager nitong tomboy na si Papsy Raphy.

"Okay, simulan na natin ang unang scene." Panimula ni Direk Zi na nakaupo ngayon sa isang upuan na may nakalagay na "Director" sa likod ng upuan.

"Ang unang scene ay sina Ernest na ginampanan ni Aldwin ay may negosyong lechonan. Historical ang aura nito. Dapat ay nagdadala ng sauce ng lechon si Zhaya na ginampanan ni Rich. Pagkatapos ay nabunggo niya si Aldwin pagkatapos ay natapon niya ang sauce ng lechon sa puting T-Shirt ni Aldwin. Tapos maghuhubad si Aldwin at makikita ni Rich ang abs ni Aldwin. Hahawakan ito ni Rich na kunwari ay natutulala. Wala kang kahit anumang sasabihin Rich. Maliwanag?" Mahabang sabi ni Direk Zi.

"O-Opo, direk." Nauutal na sagot ni Rich.

"Gosh! Mahahawakan ko ang abs?! Alin ang abs dun?! Yung ribs niya?! Kadiri!" Sigaw ni Rich sa kanyang isip.

Kasalukuyang nagsisimula na sa taping ang lahat. Nandito na si Rich at Aldwin sa lugar kung saan ay kukunan ang scene nila. Kasalukuyang dala-dala na ni Rich ang sauce ng lechon na nasa isang bowl. Pagkatapos ay nakatayo na si Aldwin.

"Ready! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi. Nung sumigaw si Direk Zi ay agad na nag-on ang video recording ng mga camera nila at nag-on ang mga lights para may mas maliwanag na kuha sa scene nila.

Kasalukuyang naglalakad na si Rich at si Aldwin . Naglalakad na sila at malapit na malapit na silang magkasalubong. Agad na nagsingitian na ang mga production staff na fans ng kanilang tambalan.

Ang iba ay napahawak na sa kanilang bibig na tila kinikilig na. Hindi pa nga lang sila nagkasalubong ay kinililig na ang buong production staff. Nakangiti na rin si Direk Zi na direktor at si Direk Yi na assistant director. Malapit na malapit na silang magkasalubong.

"Oh! Shet! Dapat ay makakahanap ako ng dahilan para hindi ko mahawakan yung nakakadiring ribs niya. Di pa ako ready humawak ng ribs no?! Yuck! Kadiri!" Sigaw ni Rich sa kanyang isipan habang naglalakad.

"Cut! Direk ayoko nito! Walang masyadong aura! Ulitin natin!" Sigaw ni Rich na naging sanhi ng pagkawala ng ngiti ng mga direktor at buong production staff.

"Pambihira! Rich alam mo bang ang ganda na?!" Sigaw ni Direk Zi.

"Gusto mo ikaw nalang Direk? Palit tayo?" Panunupalpal ni Rich kay Direk Zi.

Kaya naman ay napailing-iling nalang si Direk Zi at si Mama Velouz.

"S-Sorry po, Direk Zi. Pagpasensyahan nyo nalang po ang alaga ko." Nauutal na paghihingi ng patawad ni Mama Velouz kay Direk Zi dahil aa ginawa ng kanyang alaga.

Kaya naman ay muli nanamang inulit ang scene na yun at kasalukuyan nang naglalakad sina Rich at Aldwin. Nakaplay na ang video recording ng mga camera at naka on na ang lights.

Pagkatapos ay agad nang nagngitian ang buong production team. Pati ang kanilang mga manager nina Aldwin at Rich.

"Shet! Wala na talaga akong choice kundi ang hawakan ang ribs na kunwaring nabunggo na ni Rich si Aldwin at pagkatapos ay natapon na ang sauce ng lechon sa puting T-shirt ni Aldwin.

"Fuck! Anong klase ka bang worker ha?!" Sigaw ni Aldwin pagkatapos ay hinubad ang kanyang puting T-shirt.

Agad na totoong natulala si Rich. Hindi na kabilang sa acting ang kanyang pagkakatulala. Nakatingin ito sa mga maiinit at malalaking pandesal ni Aldwin. Pagkatapos ay nakita niya rin ang tone nitong chest at ang v-line ni Aldwin.

"B-Bakal-bakal." Nauutal na sabi ni Rich. Tila nawala na ito sa huwisyo at nakatulala na sa mga pandesal ni Aldwin.

"Cut! Good take!" Sigaw ni Direk Zi na ngayon ay abot tainga na ang ngiti.

Agad namang napalingon si Rich sa buong production team.

"Waaaaahh!!! Nakakakilig sila!" Sigaw ng isa sa mga production staff at pumalakpak pa. Halatang die hard fan ito ng loveteam na Aldrich.

"Rich ang natural mong umarte. Walang halong kemikal at purong natural. Wala ka sanang sasabihin eh pero sinabi mong bakal-bakal yung abs ni Aldwin. Okay lang yun, maganda naman." Nakangiting sabi ni Direk Yi.

"S-Sinabi ko yun?!" Sigaw ni Rich na nakaturo pa sa kanyang sarili at nanlalaki na ang mga mata na halos luluwa na sa kanyang katawan ang kanyang mga mata dahil sa kanyang sinabi na wala nman sa script.

"Oo!" Sabay na sigaw ng production team pati ng manager nina Aldwin at Rich.

"Yuck! Nagkakamali lang kayo!" Sigaw ni Rich na ang mukha ay tila nandidiri pa.

"Sabihin mo na kasing naaakit ka sa katawan ko, Rich. Sreco, wag kanang mag deny. Ilang beses mo na naman nang nahaikan tong mga abs ko eh." Sabi ni Aldwin sa isang napakasexy na boses at may papaos-paos effect pa.

"Yuck! Ano namang nakakaakit sa buto-buto?!" Sigaw ni Rich na tila nandidiri pa.

Agad namang nanlaki ang mga mata ng buong production team dahil sa sinabi ni Rich.

Kaya naman ay napailing-iling nalang si Mama Velouz dahil sa pinagsasabi ng kanyang alaga. Napaka-tone na nga ng katawan ni Aldwin at kinababaliwan pa ito sa Euphoria University.

Tone na nga ang katawan ni Aldwin ay buto-buto pa rin ito sa paningin ni Rich. Ano nalang kaya ang tone na katawan para sa kanya?

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon