Chapter 9

31 8 0
                                    

Kasalukuyang nandito ngayon sina Mama Velouz at Rich sa kanilang condo. Tila nagmamadaling magsuot ng gown si Rich. Si Mama Velouz nalang ang nag-ayos sa kanya dahil wala nang oras para tawagin ang makeup artist ni Rich.

"Mama, bakit ba kasi biglaan?!" Sigaw  ni Rich.

"Sorry na, anak. Ngayon lang kasi ako niinform ni Yuning. Sabi niya nakalimutan niya daw na sabihin sa akin na ngayong alas otso ng gabi na pala ang presscon ninyong mga cast ng "Prestihiyosa." Mga bandang alas singko na ng hapon niya sinabi.

"Eh, ang sabihin niya sinadya niya to. Walang hiyang jejemon talaga yun." Sabi ni Rich na ngayon ay masamang masama ang timpla ng mukha.

Kasalukuyang nandito sina Yshi at ang kanyang manager na si Yuning sa LJR-FGEN third floor ng building kung saan gaganapin ang presscon.

Todo ngiti sina Yshi at Yuning sa harap ng mga camera ng mga reporter.

"Mukhang success na success tayo mamsh ah. Mukhang walang makakarating na Rich ngayon. Palibhasa ay maarte kasi ang babae na yun. Hindi pumupunta ng events nang hindi ayos na ayos." Sabi ni Yshi habang nakangiti ito sa harap ng mga reporter at kinukuhanan ang bawat pose nila ni Yuning.

"Syempre naman, mahar. Ayokong api-apihin ka lang nung Rich na yun no." Sabi naman ni Yuning habang nakikipose rin at kinukuhanan ng litrato.

Maya-maya pa ay dumating si Aldwin at pagkatapos ay agad din namang ikinadena ni Yshi ang kanyang kamay sa braso ni Aldwin.

Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ni Aldwin pagkatapos ay agad naman itong nginitian ni Aldwin.

"H-Hi Y-Yshi, ikaw pala yan." Nauutal na sabi ni Aldwin pagkatapos ay agad na tinanggal ang kamay ni Yshi sa pagkakadena nito sa kanyang braso.

Kaya naman ay agad na nagmistulang parang nilukot na papel ang mukha ni Yshi dahil sa ginawang pagtanggal ni Aldwin sa pagkakadena ng kamay niya sa braso nito.

"Waaaah!!! Aldwin bago ka pa lang ang dami mo nang taga hanga. Saka bagay na bagay kayo ni Rich!" Sabi ng isang reporter.

"Thank you. Thank you talaga at sa mga fans ko salamat sa walang sawang pagsuporta." Nakangiti at sinserong pagpapasalamat ni Aldwin.

"Mamsh, mukhang succes nga tayo." Mahinang sabi ni Yshi pagkatapos ay agad na tumabi kay Aldwin at hinayaan nilang kumuha ng litrato ang mga reporters sa kanilang dalawa ni Aldwin kasama si Yuning na kanyang manager na nasa tabi niya lang.

"Ako pa, basta para sayo mahar." Nakangiting sabi naman ni Yuning habang nagpose pa.

"Waaaah!!! Nandyan na si Ms. Rich and Amethyst of Asia!" Sigaw ng reporter na nasa bandang likod kaya naman ay agad na nagsitakbuhan ang lahat sa gawi ni Rich.

Kasalukuyang nandito si Rich sa gilid kung saan ay walang background na tarpaulin ng mga cast ng "Prestihiyosa."

Hindi nito magawang lumapit sa may background na tarpaulin dahil agad na pinagkakaguluhan na ng mga reporter si Rich.

Kaya naman ay agad na napakuyom ang mga kamao ni Yshi. At parang nilukot na papel ang mukha. Para ba itong rubics cube na hindi na masosolve at isang painting na hindi na maipinta.

"Mamsh, bat nandito ang babaeng yan?" Mahinang sabi ni Yshi. Habang nakatingin kay Rich na kasama na si Aldwin ngayon na kinukuhanan ng mga litrato ng mga reporter.

"Ahmm, teka lang po ah. Mas maganda po kapag nandun tayo sa may tarpaulin" sabi ni Mama Velouz pagkatapos ay agad din namang umusog sa isang sulok sina Yshi at Yuning para kuhanan ng litrato sina Rich at Aldwin.

"Bat ka nga po pala late. Ms. Rich?" Tanong ng reporter.

"A-Ahh. Kasi si sreco ay nakalimutan akong sabihan." Nauutal na sabi ni Rich.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon