Chapter 39

15 4 0
                                    

Kasalukuyang nandito na sina Rich, Aldwin, Clifford, Presley, Scott at Mhelca sa van ni Clifford na siyang gagamitin nilang sasakyan.

Napag-isipan nilang magbabarkada na puntahan ang bahay amponan ng mga madre kung saan si Rich inampon ng mga madre.

"Oh! Narito na yung tinawagan ko kanina na kakilala ko!" Sigaw ni Clifford na abot hanggang tainga na ang ngiti.

Agad namang napatingin ang lahat kay Clifford at sa sinasabi nitong kaibigan na siyang tanging nakakaalam sa kanilang lahat na nandito ngayon sa apartment.

"Guys! Siya si Maccary Santy Mondares. So, siya nga pala ang magtuturo sa atin kung saan ang sinasabi ni Rich na Mother of the Daugher's Charity na bahay amponan. Saka sinabi ko na sa kanya na nagkapalit kayo Rich at Aldwin. Para hindi na rin siys malito." Nakangiting pagpapakilala ni Clifford sa kanyang kaibigan..

"Hi Maccary! Mey jewe kene be?" Pabebeng tanong ni Presley pagkatapos ay bahagya pa niyang inayos ang kanyang buhok. Sinuksok niya sa likod ng kanyang tainga ang kanyang buhok.

"Hi! You can call me Mac." Nakangiting sabi ni Mac ss kanila pagkatapos ay inextend pa ang kamay nito para makipag shakehands sa kanila.

Agad namang nag-agawan sina Presley at Mhelca sa pagtanggap ng kamay ni Mac. Agad na umuna na makipag shakehands si Presley kay Mhelca.

"Ahmm... Guys! Taken na yan. May Merouzshka Torecelli na yan. May Cai na yan." Nakangiting sabi ni Clifford.

Agad namang napatingin kay Clifford si Mhelca na makikipag shakehands na sana kay Mac.

"Ahmm... No need na pala na makipag shakehands ako sayo. Hindi ko pinangarap na maging kabit. Saka gusto ko pang mabuhay." Nakangiting sabi ni Mhelca.

"Maccary. Alam ko na! Sikat yung wine company nyo diba?! Yung Jagouzhelle Wine Company?!" Nakangiting tanong ni Scott kay Mac.

Kasalukuyang nandito naman si Scott sa passenger seat.

Napalingon naman kaagad sa kanya si Mac. Pagkatapos ay nginitian ni Mac si Scott.

"Oo. Actually, himatid ko si dad kanina tapos sa company kanina. Tapos sakto naman na tumawag sakin si Clifford. Kaya tinulungan ko na rin kayo. Kasi minsan rin naman sa ating alaala att hindi na natin masyadong nakakabisado ang lugar." Nakangiting sabi ni Mac.

Kaya naman ay agad namang napatango-tango si Scott.

"Paano mo nga pala nalaman kung saan ang Mothet of the Daughter's Charity?" Tanong ni Aldwin.

"Ahh. Kasi si Kwen, yung tinuturing ko nang parang totoong nakababatang kapatid. Dun namin siya nakita sa amponan sa Mother of the Daughter's Charity." Nakangiting sagot ni Mac.

Kaya naman ay agad namang napatango-tango si Aldwin sa sagot ni Mac sa kanya.

"Siguro ang swerte nung batang yun. Kasi ang yaman nung umampon sa kanya saka mababait pa." Sabi ni Presley.

"Hindi, kami ang maswerte sa kanya." Tugon naman ni Mac sa sinabi ni Presley.

Kaya naman ay agad din namang napalingon sa kanya ang lahat na mga barkada nina Aldwin at Rich. Nakatingin na ang lahat ngayon na nandito sa van kay Mac.

"B-Bakit?" Nauutal na tanong ni Presley kay Mac.

"Dahil kami ang maswerte sa kanya. Ang bait kasi nung batang yun. Napakabait kasi nung batang yun. Kapag sinabihan mong bawal lumabas kapag gabi ah nakikinig siya. Saka malambing din yung batang yun. Lalong lalo na sakin." Nakangiting sabi ni Mac habang ang paningin naman ay nasa daan na kanilang tinatahak.

Bakas na bakas sa mga mata ni Mac ang mga alaala na pilit na kanyang binabalikan. Sumilay naman ang ngiti sa kanyang mga labi habang inaalala ang parte ng kanyang nakaraan.

"Natatandaan ko pa nga yun. Nung pumunta kami sa bahay amponan ay napakatahimik lang niya. Hindi nga sana siya yung kukunin namin eh. Kasi napakatahimik saka gusto namin yung batang napakaingay saka jolly din. Pero sa halip na yung napili namin ay siya yung binigay nung babae na nandun sa bahay amponan eh. Yun daw ang utos ng madre. Pero ngayon ay mapakakulit na niya. So, okay na rin." Mahabang sabi ni Mac habang nakangiti pa rin at nandun pa rin ang paningin sa daan sa kanilang tinatahak.

Ang lahat na mga kasama ni Mac ngayon rito sa loob ng van na sina Aldwin, Rich, Scott, Clifford, Presley at Mhelca ay agad din namang napangiti dahil sa kanyang isinagot.

"Oo nga naman. Pareho kayong maswerte sa isa't isa. Dahil isang napakayaman at napakabait na pamilya ang nag-ampon sa kanya. Saka maswerte rin kayo kay Kwen na inampon nyo siya. Dahil ang bait niya saka napakamasunurin at malambing na bata. Gaya ng paglalarawan monsa amin kanina kung anong uri siya na bata." Nakangiting sabi ni Presley kay Mac.

Pagkatapos nun ay namutawi na sa pagitan nilang lahat na nandito sa van ngayon ang katahimikan. Sumanib na ngayon ss loob ng kanilang van ang espirito ng katahimikan.

Namutawi na ngayon sa loob ng van ang katahimikan na agad din namang binasag ni Mhelca.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Mhelca kay Mac.

"Medyo malayo pa eh. Pwede ka pang matulog." Nakangiting sabi ni Mac.

"Ahh. Hindi naman ako inaantok. Namamanhid na kasi yung pwet ko sa kakaupo." Nakangiting sabi ni Mhelca kay Mac. Pagkatapos ay napakamot nalang ito sa kanyang sariling ulo.

Agad din naman siyang sabay na binatukan nina Presley at Rich.

"Aray!" Pagrereklamo ni Mhelca na napahimas-himas pa ito sa kanyang batok.

"Ang sakit nun ah!" Sigaw nanaman ni Mhelca na ngayon at hindi na maipipinta ang mukha ni Mhelca na kahit si Leonardo Da Vinci ay hinding hindi na kayang ipinta ang pagmumukha ni Mhelca.

Para itong isang rubics cube na hinding hindi na masosolve at parang iss na rin itong abstract na nakadesign sa malong.

"Para-paraan ka kasi eh! Kanina pa ayaw-ayaw ka pa kasi ayaw mong maging kabit!" Sigaw ni Presley kay Mhelca.

"Pumili ka kasi ng lugar na paglalandian mo, besty!" Sigaw din naman ni Rich kay Mhelca.

Pagkatapos num ay muli nanamang namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang lahat. Sumanib na ngayon sa loob ng van dito ang espirito ng katahimikan.

Makalipas ang ilang oras ay agad din namang narating nila ang Mother of the Daughter's Charity na bahay amponan.

Nung marating na nila ang Mother of the Daughter's Charity na bahay amponan ay agad din naman silang bumaba sa kanilang sasakyang van.

Kasalukuyang nakababa na si Rich sa kanilang sinasakyang yan. Pagkatapos ay nagsimula nang maglakad si Rich patungo sa bahay amponan ng Mother of the Daughter's Charity.

Habang naglalakad si Rich patungo sa bahay amponan ng Mother of the Daughter's Charity. Habang naglalakad si Rich ay pabigat nang pabigat ang kanyang pakiramdam.

Habang humahakbang nang humahakbang si Rich ay parang pabigat nang pabigat ang bawat pagtapak ng kanyang mga paa sa lupa.

Ito na kaya ang oras na malalaman ni Rich ang kanyang buong pagkatao? Ito na kaya ang tamang panahon para malaman ni Rich ang kanyang buong pagkatao at ang mga impormasyon tungkol sa kanyang tunay na ina at ama?

Matutupad na ba kaya ni Rich ang kanyang pangarap na mabuo ang kanyang pamilya?

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon