Chapter 6

40 8 0
                                    

Panibagong araw at panibagong kaganapan nanaman ang ating tutunghayan ngayon.

Kasalukuyang nandito si Rich at Mama Velouz sa kanilang condo.

Maaga silang nag-almusal at kasalukuyan silang nandito sa balcony ng condi ni Rich.

Sumisimsim sila ng kape habang nakatingin sa sikat ng araw at sa view ng buong siyudad. Nasa pinakamataas sila na parte ng building kaya nakikita nila ang buong siyudad.

"Ahmm... Anak, sorry ah. Biglaan kasing tumawag sakin si Direk Zi. Sabi niya na may nagpapaadvertise daw na isa sa pinakasikat na designer ng gown na si Roela Saraum. Yung baklang designer na sikat?" Tanong ni Mama Velouz kay Rich na timanguan naman ni Rich na nasa sikat ng araw pa rin nakatingin at nakikita nito ang kanyang kulay kayumanggi na mata.

"Gusto daw niyang imodel mo ang kanyang bagong labas na gown. Saka pumayag na ako sa kanya kasi kaibigan ko rin naman siya, anak." Sabi ni Mama Velouz.

"Sige, mama. Anong oras?" Tanong ni Rich na ngayon ay nakatingin na kay Mama Velouz.

"Sige, mama. Anong oras?" Tanong ni Rich na ngayon ay nakatingin na kay Mama Velouz.

"Ngayon na, anak. Tara na." Nakangiting sagot ni Mama Velouz.

"Sige." Nakangiting sagot ni Rich. Pagkatapos at bumalik na sila sa loob ng condo at agad nang nagbihis pagkatapos ay pumunta na ito sa venue ng pagmomodelan ni Rich na gown.

"Direk! Magsimula na tayo? Pwede? Nasasayang lang ang oras ko eh. Saka cheap lang naman ang taleny fee ko rito." Sabi ni Rich kay Direk Zi pagkatapos ay inirapan niya ito.

"Mamaya na muna, Ms. Rich. May hinihintay pa tayo." Sagot ni Direk Zi.

"Sino?" Nakakunot noong tanong ni Rich. Tila naguguluhan ito dahil sa pagkakaalam niya ay siya lang ang mag modelling sa gown.

"Ako." Sabi ng kung sino.

Agad namang napalingon si Rich sa pinanggalingan ng boses.

"I-Ikaw?" Nauutal na tanong ni Rich.

"Ako nga. Ako ang partner mo ngayon. Bakit? May angal ka? Kung mayro'n, ipa Tulfo mo na." Pamimilosopo ni Aldwin kay Rich na naging sanhi naman ng agarang panlalaki ng mga mata ni Rich at naging hugis 'O' ang bibig.

Ang mga production team naman ay nabigla sa inakto ng dalawa. Ngunit ipinagsawalang bahala na lamang. Ang production team ng "Prestihiyosa" at ng modelling ng gown na ito ay pareho lang namn ang kinuha.

"Sige, magsimula na tayo." Panimula ni Direk Zi pagkatapos ay agad na silang binigyan ni Direk Yi ng instruction.

"Okay, ready! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi pagkatapos ay agad nang nag-on ang nga video recording ng camera at naka on na ang lahat ng lights saka sinimulan na ang modelling.

Kasalukuyang nandito sa set sa isang practice ang dalawang sikat na artista sa Pilipinas na sina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero. Isa itong modeling ni Richbell Mercado para sa isang brand ng gown na i-aadvertise at ang kanyang escort ay si Aldwin Guerrero.

Kasalukuyang rumarampa na si Rich sa stage at minomodelo ang isang brand ng gown. Ito ay isang commercial nina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero. Sila lang naman ang pinakasikat na loveteam dito sa Pilipinas.

"Ayan! Good! Sige pa! Rampa! Ingat ka sa heels mo hija ha!" Sigaw ni Direk Zi na kasalukuyang nakaupo sa ibaba ng stage at nasa may medyo may kalayuan sa stage ito nakaupo sa isang silya na may nakalagay na "Direktor" sa likuran.

Kaya naman ay agad na napangiti si Richbell at agad na tumaas ang kaliwang kilay.

"Wag mo nga akong utusan Direk. I know how to handle myself." Panunupalpal ni Rich kay Direk Zi na naging sanhi ng agad na pagsalubong ng kilay at napailing-iling na lamang dahil sa isinagot ng dalaga.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon