Pagkatapos na magpractice nina Rich at Aldwin ay agad din namang umuwi si Aldwin sa condo nina Mama Velouz at Rich.
Pagkatapos nun ay dumating din naman si Mama Velouz at pagkatapos nun ay maaga silang naghapunan at natulog.
Panibagong araw at panibagong kaganapan nanaman ang ating aabangan.
Kasakukuyang nandito na sina Rich at Aldwin sa mansion ni Adelaide kung saan sila magt-taping nanaman sa kanilang movie project na "Prestihiyosa."
Ngayon ay nakahanda na ang buong set. Pati si Direk Yi at Direk Zi ay nakaupo na rin sa kanilang mga upuan.
Si Mama Velouz naman ay nandito at tila nag-aalangan ito na dahil sa isiping nagkapalit ng katawam sina Aldwin at Rich.
Hindi niya alam kung kakayanin ba kaya mg bruskong si Aldiwn ang maarteng kilos ni Rich at ang mahinhong kilos ni Zhaya sa kanilang movie project na "Prestihiyosa."
Nandito rin si Papsy Raphy. Tila hindi alam kung anong gagawin niya kung magiging palpak ang kalalabasan nito.
Nag-aalangan siya dahil baka hindi kakayanin ng maarteng si Rich ang magkilos-brusko na katulad kay Aldwin at magkilos maginoo na katulad ni Ernest sa kanilang movie project na "Prestihiyosa."
Sina Mama Velouz at Papsy Raphy ay kapwa nag-uunahan na ang kanilang mga puso sa pagkalabog. Kumakalabog ang kanilang puso ng napakalakas na tila ba hindi na ito ang normal na pagkalabog ng kanila g puso.
Kumakalabog ang kanilang mga puso na tila ba para bang gustong gusto na nitong kumawala sa kanilang katawan.
"Okay, maliwanag na yun ah? Ready! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi at pagkatapos ay agad nang nagplay ang lahat na mga camera na nakapaligid sa buong set.
"Hoy! Zhaya! Ikaw man ang pinili ni Ernest at hindi ako, magbabago rin yan! At babagsak ka rin balang araw!" Nanggagagalaite sa galit na sigaw ni Yshi habang gumaganap bilang si Brea.
"Hindi yan mangyayari." Sabi ni Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Rich. Tila ang pag-arte nito ay para bang walang ka emo-emosyon. Kung umarte ay napakatigas ng gestures na katawan.
Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ng mga director at buong production team ng "Prestihiyosa." Agad din namang nagkatinginan sina Direk Zi at Direk Yi. Nagkasalubong ng kilay ni Direk Yi habang nanlalaki rin naman ang mga mata ni Direk Zi.
"Walang sinabi ang isang reyan ng mga sampid sa pinagsasabi mo sakin ngayon." Dagdag ni Aldwin at pagkatapos ay dinuro si Yshi.
Ang pagkakaduro ni Aldwin ay para bang sing tuwid at sing tigas ng kahoy ang kanyang mga kamay at walang kaarte-arte.
"Cut! Cut! Jusme!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Direk Zi.
"Ano ka ba Rich?! Nasaan ang galing mo sa pag-arte?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Direk Zi. Kaya naman ay napapikit nalang ng mariin si Mama Velouz dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang harapan.
"Wala ka sa marker oh! Dito ka dapat tumayo kapag tututo kana!" Sigaw ni Direk Zi kay Aldwin kaya naman ay napakunot nalang ng ulo si Aldwin.
Habang si Rich naman na nasa katawan ni Aldwin ay tila nanggigigil na ito at tila gusto na nitong sapakin ngayon si Aldwin dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya.
"Jusme! Again! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi.
"Hoy! Zhaya! Ikaw man ang pinili ni Ernest at hindi ako, magbabago rin yan! At babagsak ka rin balang araw!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Yshi habang bilang si Brea.
"Hindi yan mangyayari." Sabi ni Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Rich. Tila ang pag-arte nito ay para bang wala pa ring ka emo-emosyon. Kung umarte ito ay straight to the point at sing tigas ng tuod pa rin kung umarte.
"Walang sinabi ang isang reyna ng mga sampid sa pinagsasabi mo sakin ngayon." Dagdag ni Aldwin at dinuro si Yshi. Pagkatapos at tumingin sa sahig para hanapin ang mark na kung saan siya dapat tatayo ngunit hindi siya nakatayo sa mark kaya agad siyang lumapit at tumayo sa marka at pagkatapos ay tumingin ito sa camera.
Ang pagkakaduro ni Aldwin ay ganun pa rin na para bang sing tuwid at sing tigas pa rin ng kahoy ang kanyang mga kamay at walang kaarte-arte.
Kaya naman ay agad nang nagsalubong ang kilay at umuusok na ang ilong at tainga ng dalawang director.
"Aba! Lumalaban kana ah!" Sigaw ni Yshi at pagkatapos ay nilapitan nito si Aldwin na nasa katawan pa rin ni Rich at pagkatapos ay umacting ito na sinakal si Aldwin.
"Aray. Aray. Araaaaay." Walang ka emo-emosyong sabi ni Aldwin. Kaya naman ay nagmistulang parang nilukot na papel ang mukha ng dalawang director na sina Direk Zi at Direk Yi.
"Cut! Cut! Cut! Ano ba yan?! Nagmumukha kang tomboy! Nasaan ba ang galing mo sa pag-arte, Rich ha?! Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Direk Yi kay Rich.
"Umamin ka nga sa amin, Rich. Nandadaya ka lang ba kaya ka nanalo sa mga international films? Eh mas magaling pa kasi aayo yung mga extra." Sabi ni Yshi at pagkatapos at inirapan si Aldwin na nakakulo g pa rin sa katawan ni Rich.
Ikaw na muna, Aldwin." Sabi ni Direk Zi at pagkatapoe ay agad nang pumwesto si Rich.
"Ready! One, two, three and action!" Sigaw ni Direk Zi.
"Hoy! Ano bang ginawa mo kay Zhaya?! Subukan mo lang galawin ang prinsesa ko! Makakatanggap ka sakin ng sampal! Este suntok pala!" Sigaw ni Rich at pagkatapos ay umakto si Rich na kunwari ay susuntukin si Yshi.
Sinabi ni Rich ang mg linya na yun na parang sing arte niya.
Kaya naman ay ang sama-sama na nang timpla ng mukha ng mga director na nanonood sa kanila ngayon. Kahit ang production staff ay nagtataka sa nangyayari rito sa kanilang harapan ngayon. Tila sila ay may mga 'Bat sila nagkaganyan?' na tingin.
"Cut! Cut! Cut! Ano ba yan!" Nanggagalaite sa galit na sigaw nu Direk Zi.
"Hoy Aldwin! Umayos ka nga! Nagmumukha kang bakla!" Sigaw ni Direk Yi kay Rich na ngayon ay nakakulong pa rin sa katawan ni Aldwin.
"Retake!" Sigaw ni Direk Zi.
"Auuuurrrgghhh!!! Mamaya na direk! Magpapahinga na muna ako! Nakakastress kayo!" Sigaw ng naiirita na ngayon na si Yshi.
"T-Teka! Hoy! Sandali lang!" Sigaw ni Direk Zi ngunit kahit ganun ay nagpatuloy pa rin sa paglalakad paalis si Yshi upang magpahinga.
Habang sina Mama Velouz at Papsy Raphy naman ay napapikit nalang ng mariin dahil sa nangyayari sa kanilang harapan ngayon.
Saka siguradong sermon ng mga director ang kanilang gagawing pananghalin ngayong araw na ito.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...