Chapter 37

14 4 0
                                    

Lumipas na ang ilang mga araw mula nung araw na sumabog ng kotse ni Yshi. Iniimbestigahan na ito ngayon. Maraming mga nadiskobre ang mga pulis.

Marami na ring mga napabalita tungkol pagkatamatay ni Yshi. Buti nalang at hindi nasangkot ang pangalan nina Rich at Aldwin sa nangayring krimen. Patuloy pa ring inaalam ng mga pulis ang motibo.

Kasalukuyang nandito sina Rich, Aldwin, Scott, Clifford, Presley at Mhelca sa kanilang tinutuluyang apartment. Kasalukuyang nandito sins Presley, Mhelca, Scott at Clifford sa isang napakalaking lamesa.

Nakaupo sila ngayon sa isang upuan at nasa harapan nila ang napakalaking lamesa. Habang si Aldwin naman at nandito at paikot-ikot sa harap ng pintuan. Tila hindi ito mapakali.

Kasalukuyan pa ring nakakulong si Aldwin sa katawan ni Rich habang si Rich naman ay kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan ni Aldwin.

"Kailan daw ba sila pupunta rito?" Tanong ni Rich kay Aldwin.

"Ngayon daw eh. Pero di ko alam kung anong oras sila darating dito." Sabi ni Aldwin.

"Sige, hintayin nalang natin sila." Sabi ni Rich.

Pagkatapos ay namutawi na sa pagitan nilang lahat ang katahimikan. Sumanib na sa kanila ang espirito ng katahimikan ngayon sa pagitan nilang lahat.

Namutawi na sa kanila ang katahimikan ngayon na agad namang binasag ng isang tunog.

Knock! Knock! Knock!

Yan ang tunog ng isang katok sa kanilang pintuan na naging sanhi naman ng agarang paglingon nilang lahat sa pintuan.

Napatigil naman sa paikot-ikot na paglalakad si Aldwin. Pagkatapos ay wala na siyang sinayang na oras pa si Aldwin at agad na niyang binuksan ang pinto.

"P-Papsy, M-Mama Leonesa, M-Mama Velouz." Nauutal ngunit nakangiti na pagtawag ni Aldwin sa kanilang mga bisita.

"May nakalap na kaming impormasyon. Pwede nyo ba kaming papasukin?" Tanong ni Leonessa kay Aldwin.

"O-Opo, sige. Simulan na natin ang pag-uusap." Nakangiti namang sagot ni Aldwin.

Pagkatapos nun ay agad namang pumasok na sina Papsy Raphy, Mama Velouz at Leonessa. Agad naman silang umupo at pati na rin si Aldwin.

"So, simulan na natin?" Seryosong tanong ni Mama Velouz.

Kung titingnan mo si Mama Velouz parang kakaibang Velouz na ang kaharap mo ngayon. Dahil hindi na ito ang usual na Velouz na kanilang nakilala.

"Sige." Seryoso namang sagot ni Rich.

"So, ano nang nakalap ninyong report sa pag-iimbestiga ng mga pulis?" Nakakunot noong tanong ni Aldwin.

Agad namang nagkatinginan sina Mama Velouz, Papsy Raphy at Leonessa. Para bang nag-uusap ang tatlo sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Tila nagkakaintindihan naman ang mga ito sa pag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

"May mga nakalap kaming mga impormasyon." Panimula ni Leonessa at pagkatapos ay imiharap sa lahat ang isang brown envelope at pagkatapos ay may mga larawan itong inilabas.

Ito ay ang mga larawan sa actual na pagsabog ng kotse ni Yshi.

"Yan ang actual na pangyayari noong araw na sumabog ang kotse na sinasakyan ni Yshi. Nadiskubre ng mga pulis ang mga nasa litratong yan. Yan ang litrato ng mga sunog na bangkay nina Yshi, ng kanyang driver at pati na rin ang bangkay ng kanyang manager na si Yuning." Mahabang sabi ni Papsy Raphy.

Pagkatapos ay inilapit ito sa gawi nina Aldwin, Rich at ng kanilang mga barkada ang litrato ng bangkay.

"Wala bang CCTV Footage?" Nakakunot noong tanong ni Scott.

Agad namang nagkatinginan sina Mama Velouz, Leonessa at Papsy Raphy. Pagkatapos ay sabay silang naptingin nina Rich, Aldwin at sa mga barkada nito.

"Wala." Sabay na sagot ni a Leonessa, Papsy Raphy at Mama Velouz.

"Walang CCTV sa daan na siyang pinangyarihan ng insidente." Sabi ni Leonessa.

"Pero meron akong nakuhang litrato ng isang bagay na sinasabing maaaring ito ay pagmamay-ari ng suapek. Dahil tinanong naman ng mga pulis ang mga kasama at kasambahay nina Yshi, ng kanyang manager na si Yuning at ng kanyang driver kung pagmamay-ari ba ito ng isa aa tatlo. Ngunit ang sabi ng mga yun ay wala daw na kahit sinuman ang nagmamay-ari sa tatlo ang nagmamay-ari ng bagay na ito." Mahabang sabi ni Mama Velouz pagkatapos ay agad na nitong inilabas ang larawan.

Isa itong $ na pendant na kulay ginto. Kumikinang pa ito sa kuha ng larawan.

Pagkatapos ay agad na itong ipinatingin ni Mama Velouz sa lahat ng mga nandito. Agad niya itong nilapag sa gitna ng lamesa kung saan ay kitang-kita ito ng lahat na mga narito.

"M-May posibilidad kaya na si... A-Ang labo namang mangyari na g-gawin niya yun kay Rich at Aldwin. S-Saka ano namang motibo niya bakit niya gagawin ito? S-So, hindi naman siguro siya ang may kagagawan ng krimen na ito." Nauutal na sabi ni Leonessa sa kanyang isip.

Agad namang napakunot ang mga noo ng lahat. Napakunot ang noo ng lahat at nakatingin na ito sa litrato ngayon na ipinakita ni Mama Velouz.

Nakatingin na ngayon ang mga ito ng may mga nagtatanong na tingin at gumuhit naman sa kanilang mga noo ang isang napakalaking question mark.

"S-Saan daw ba nila yan nakita?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Rich kay Mama Velouz.

"Sabi ng mga pulis, natagpuan nila ito sa ilalim ng kotse na sumabog. Nagpira-piraso man ang kotse ngunit may naiwan itong lower part ng kotse kung saan ay natakpan at hindi kaagad nakita ng mga pulis ang pendant na ito. Ngunit nung tinanggal na nila ang kotse sa pinangyarihan ng krimen ay natagpuan na nila ang pendant na ito." Mahabang sagot ni Mama Velouz.

"So, may ibang tao sa likod ng krimen na yun?" Nakakunot noong tanong ni Clifford na agad din namang tinanguan ni Mama Velouz.

"K-Kung ganun ay sino?" Nauutal at nakakunot noo namang tanong ni Presley.

"Maaaring meron tayong kalaban na hindi natin kilala o nasa paligid lang natin ngunit hindi natin alam na baka tinatraydor lang tayo." Sabi ni Rich na ngayon ay kasalukuyan nang nakatitig ng isang napakasamang titig mula sa kawalan.

"Maaari nga. P-Pero malabong nasa showbiz industry. Dahil sa meeting ko with managers ay wala namang may nagmamay-ari ng pendant na yan." Sabi ni Papsy Raphy.

"Sa managers, pwedeng wala. Pero sa mga artista, pwedeng meron." Sabi ni Rich na masama na ngayong nakatitig sa litrato ng pendant na kulay ginto.

"S-Sino ang pinagsususpetsahan mo, anak?" Nauutal na tanong ni Mama Velouz.

"Wala pa naman, mama. Maghahanap pa lang. Sa ngayon ay mas mabuti na lamang na mag-ingat kayo sa inyong nakakasalamuha na mga artista at managers. Lalong lalo na kapag nasa loob at nasa labas kayo ng LJR-FGEN." Sabi mi Rich.

"Sige. Wag kayong mag-alala dahil magbabantay kami ni Velouz kugn merong mga may kahina-hinalang kilos ang isa sa mga taong nandun sa labas man o sa loob ng LJR-FGEN." Sabi naman ni Papsy Raphy.

"H-Hindi eh. P-Parang may mali eh. S-Sa tingin ko ay siya ang may kagagawan nito. P-Pero malabo namang gagawin niya yun sa kanila ni Rich at Aldwin. S-Saka ano namang motibo niya? E-Ewan ko ba." Nauutal na sabi ni Leonessa sa kanyang isip na ngayon ay halatang halata na sa kanyang mga mata na may pilit itong inaalala na tao na alam niyang merong "$" sign na pendant.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon