Kasalukuyang nandito na sina Rich at Mama Velouz sa bench. Hinihintay nilang dumating si Manong Mokz.
Kasalukuyang nandito si Rich at nakaupo. Ang mukha nito ay parang rubics cube na hinding hindibna masosolve at parang painting na hindi na maipinta.
"Oh? Anak, ano nanamang kinasusungitan mo riyan?" Tanong ni Mama Velouz na ngayon ay bakas na sa kanyang mga mataang pag-aalala.
"Mama, ikaw ba naman ang nakawan ng halik ng lalaking yon?! Bwiset talag ang lalaking yun!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich habang masamang nakatitig sa kawalan.
"Anak?! Magrereklamo ka pa? Ang gwapo naman ng humalik sayo. Kaya nga naging loveteam mo yun eh. Hindi naman kami kumukuha ng chaka no. Ang gwapo niya, anak. Kaya ang swerte mo." Sabi ni Mama Velouz na proud na proud pa na nahalikan ang kanyang alaga.
"Mama?! Maswerte?! Eh ang malas ko ng kasi isang cheap na lalaki yung humalik sakin! Saka kinuha niya pa ang virginity ng lips ko. Saka anong swerte dun? Pangit na nga buto-buto pa!" Sigaw ni Rich na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo at tiningnan ang nakaupong si Mama Velouz mula ulo hanggang paa.
"Wow! Screening? May patingin-tingin ka pa mula ulo hanggang paa ah. Saka totoo naman na maganda ang pangangatawan niya ah. Bat choosy ka pa? Eh ang gwapo rin naman talaga ni Aldwin, anak." Sabi ni Mama Velouz.
"Mama, alam mo naman kung sino lang ang minamahal ko at ang gwapo sa aking paningin." Sabi naman ni Rich pagkatapos ay umirap.
"Yung Lino nanaman? Anak, nung kabataan mo pa yun. Ang bata mo pa nun. Pwedeng nasa ibang bansa na yun ngayon. Or worse, namatay na yun dahil sa sinabi mong nasunog ang bahay nung Lino dati." Tanong ni Mama Velouz.
"I don't care, mama. Kung mahanap ko siya edi ikakasal ako. Kung hindi edi tatanda nalang akong dalaga. I don't care, sa kanya lang ako iibig." Sagot ni Rich na ngayon ay nakatingin sa kawalan at parang may inaalala na nakaraan.
"Ma'am, tara na po. Umuwi na po tayo. Nandito na po ang kotse." Sabi ni Manong Mokz na ngayon ay nandito na pala sa kanilang likuran nakatayo.
"Sige." Sagot ni Mama Velouz pagkatapos ay pumasok na sila sa kanilang kotse nang...
"M-Ma'am. P-Palimos po. P-Parang a-awa nyo na." Nauutal na sambit ng nanghihina nang babae na mga nasa 40 pa ang edad. Ang dungis nito at magulong magulo ang buhok. Hinawakan pa nito ang paa ni Rich.
"Auuurrrgghhh!!! Hoy! Ikaw na pulubi! Bat mo ba hinawakan ang sapatos ko?! Alam mo bang mas mahal pa ang sapatos ko kaysa sa buhay mo?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich na ngayon ay nakasalubong na ang kilay at umuusok ang ilong at na dinuduro pa ang pulubi.
"Sorry?! Sorry lang?! Saka tingnan mo! Ang ayos pa naman ng pangangatawan mo ah! Nanghihina ka lang dahil sa gutom. Dahil yan sa katamaran mo! Hindi ka pa matanda, manang! Magtrabaho ka!" Sigaw ni Rich na ngayon ay naggigigil na sa pulubi.
Sina Mama Velouz naman at Manong Mokz ay nagmistulang hugis 'O' ang bibig. Nanlalaki ang kanilang mga mata na halos luluwa na ang kanilang mga mata sa kanilang katawan dahil sa kanilang mga nakita.
"Wag kang dumedepende sa ibang tao na pinaghihirapan ang kanilang mga pinagtatrabahuhan! Maliban nalang kung bata ka o matanda." Sabi ni Rich pagkatapos ay agad nang pumasok ng kotse at ganun rin sina Manong Mokz at Mama Velouz.
Pagkataoos nun ay agad nang humarurot ng takbo ang kotaw habang ang pulubi naman ay nag-uunahan sa pagbagsak ang nga luha.
Kasalukuyabg nandito pa rin sa venue sina Papsy Raphy at Aldwin.
"Ang swerte mo, hijo! Nahalikan mo ang Amethyst of Asia! Ikaw pa ang nagawang halikan si Rich. Kaya napakaswerte mo dahil ikaw ang nakakuha nung lip virginity nun!" Sigaw ng proud na proud niyang manager na si Papsy Raphy.
"Maswerte? Heh! Maganda nga sa labas bulok naman sa loob. Saka Papsy, diba? Sabi ko sayo na isang babae lang ang mamahalin ko at seseryosohin ko. Mula nung maghiwalay kami ni Jhanna, okay lang naman sakin yun eh. May nag-iisang babae na ang nilalaman ng puso ko." Sabi ni Aldwin.
"Ah. Yung Abe na palagi mong kinikwento sakin mula nung bata ka pa? Eh, bata ka pa nun, hijo. Saka nandyan naman si Rich oh. Ang swerte mo kaya kapag naging asawa mo yan. Amethyst of Asia ang naging asawa mo kaoag nagkataon!" Sigaw ni Papsy Raphy na abot langit ang ngiti.
"Nako, papsy. Wala akong pakialam. Kahit na Ms. Universe pa yan. Nangako na ako sa sarili ko noon. Kung hindi ko yun mahanap si Abe, edi maging single nalang ko habang buhay." Sabi ni Aldwin sa nakatingin sa kawalan habang may inaalala na parte ng kanyang nakaraan.
"Tara na nga, hijo. Abe ka nanaman nang Abe. Malay mo baka namatay na yun sa gutom." Sabi ni Papsy Raphy.
"Hindi ah. Wag naman sanang ganun." Sabi naman ni Aldwin na ngayon ay ang haba na ng nguso.
Kasalukuyan na silang naglalakad sa labas ng venue upang pumasok sa kanilang kotse at umuwi na sa kanilang condo nang may humawak sa paa ni Aldwin.
"S-Sir. P-Pahingi po ng pagkain." Nauutal na sabi ng pulubi. Bakas sa mga mata nito ang panghihina at bakas din sa mukha nito ang pagmamakaawa. Ang babae ay nasa mga 40 ang edad.
"Hoy, manang! Wag mo nga akongh hawakan! Ang dumi-dumi mo tapos hahawakan moko?!" Sigaw ni Aldwin na ngayon ay nanggagalaite na sa galit.
Namumula na ang mukha nito na halatang ito ay dahil naman sa galit.
*FLASHBACK*
"Bat ka nga pala namamalimos? Sabi kasi sakin ni mama, bad yung manghingi." Nakakunot noong tanong ni Aldwin.
"E-Eh k-kasi, g-gusto kong matulungan sina tatay at nanay. Para naman makaahon kami sa kahirapan. Punong-puno na po kasi kami ng utang at saka wala pa naman among makukuhang trabaho kasi ang bata-bata ko pa. Kaya namamalimos ako. Saka hindi naman ako katulad ng iba eh, na maayos pa ang pangangatawan tapos nanlilimos pa. Hindi nalang makapagtrabaho." Sagot nung batang babae na pulubi.
"Ah, wag kang mag-alala. Papakasalan kita pag laki ko." Sabi ni Aldwin dun sa batang pulubi.
"H-Huh? H-Hindi ba dapat may pagmamahal ka para sa taong pakakasalan mo? Eh kakakilala pa nga lang natin eh." Tanong nung batang pulubi na ngayon ay may nanlalaki nang mga mata na halos luluwa na ang mga mata nito dahil sa gulat na nararamdaman.
"Edi paiibigin kita." Sagot naman ni Aldwin pagkatapos ay nginitian ang batang pulubi at pagkatapos ay kinindatan pa niya ang batang pulubi.
Agad namang kumalabog ng napakalakas ang puso ng batang pulubi na para bang gusto na nitong lumabas sa mula sa kanyang katawan.
*END OF FLASHBACK*
"S-Sir, p-parang awa nyo na po. Gutom na gutom na po ako." Pagmamakaawa nung pulubi na nasa harapan niya ngayon.
"B-Bat ganun? Sa tuwing nakakakita ako ng pulubi naaalala kita, Abe?" Tanong ni Aldwin sa kanyang isip.
"Ano ka ba?! Maayos pa yang pangangatawan mo oh! Magtrabaho ka nga! Wag kang magdepende sa ibang tao. Kaya ka nagugutom eh kasi ang tamad mongh magtrabaho!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin pagkatapos ay agad na itong pumasok sa kanyang kotse kasama si Papsy Raphy at pagkatapos ay umuwi na muna silang dalawa sa condo ni Papsy Raphy.
Kasalukuyang narito pa rin ang pulubi kung saan ito namamalimos. Nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ng pulubi ngayon sa kanyang pisngi.
Pagkatapos ay bigla nalang itong ngumiti ng napakalapad at abot hanggang tainga na ngiti. Pagkatapos ay tumayo na parang walang iniindang gutom.
Pagkatayo nito ay bigla nalang itong naging isang napakagandang babae. Isa itong kasing edad langh nina Rich at Aldwin. Ang kaninang madungis na suot nito ay naging napakaputi at napakakintab ng suot niya. Masama itong nakatitig sa kawalan.
"Hindi ko kayo hinayaang pahirapan ang inyong mga tadhana. Pero kung ganyan naman ang ugali nyo at isusukli nyo sakin. Mas mabuti nalang na maghirap kayong dalawa. Darating din ang oras na yun. Matitikman ninyo ang bangis ng isang Dyosa Krizsha." Sabi ni Dyosa Krizsha habang masama itong nakatitig sa kawalan.
Pagkatapos ay ngumiti ito ng isang mala demonyong ngiti.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Misteri / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...