"Auuurrrgghhh!!! Kainis talaga, mama! Pinahiya ako ng cheap na Aldwin na yun sa harap ng buong production ng "Prestihiyosa." Hinding-hindi ko yun matatanggap mama!" Sigaw ni Rich na ngayon ay nanggigigil na.
Kasalukuyan silang nandito ngayon sa labas ng venue ng set.
"Gusto mo bang makaganti, anak?" Nakangiting tanong ni Mama Velouz.
"Gusto ko yan, mama! In fairness, sa likod ng mala santo mong ugali ay may pagkademonyo ka rin pala mama. Akala ko ay pwede kanang tawaging Blessed Velouz at i-cannonize bilang si St. Velouz." Sagot ni Rich pagkatapos ay tumawa.
"Syempre naman, anak. Ayokong basta-basta ka nalang underin ng Aldwin na yun. Balita ko ay hindi sumabay si Aldwin sa kanyang manager na si Raphy. Makikipagdate daw si Aldwin sa kanyang fiancy na kauuwi lang galing sa France. Saka sabi sakin ni Roxanne na si Aldwin daw ay pupunta yun ng Morieane Café. " Nakangiting sabi ni Mama Velouz.
"Okay. Copy, mama. Magpahatid ka nalang kay Manong Mokz, mama. Ako na ang bahala sa sarili ko." Nakangiting sabi ni Rich.
"Sige, anak. Goodluck." Sabi ni Mama Velouz pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "Tara na, Manong Mokz." Sabi ni Mama Velouz pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse at umalis na sa venue ng set.
Kaya naman ay agad na lumapit na si Rich sa daan at pumara ng taxi. Agad namang tumigil ang taxi sa harap niya.
"Wow! Kayo po pala, Ma'am Rich." Sabi ng taxi driver na abot hanggang langit ang tuwa.
"Oo, ako po." Tugon ni Rich pagkatapos ay pumasok na sa loob ng taxi.
"Saan ka pupunta, ma'am?" Tanong ng taxi driver kay Rich.
"Sa Morieane Café po, manong. Ito po oh, 5,000 yan. Keep the change." Nakangiting sabi ni Rich na inabot pa ang limang libo na bayad.
"Wow! Advance payment ma'am ah! Salamat po, ma'am!" Sigaw ng taxi driver pagkatapos ay agad na itong nagmaneho.
"Ano ba tong si Manong? Unli kakapalan ng mukha? Hindi ba niya nahahalata na naririndi na ako sa boses niya?!" Sigaw ni Rich sa kanyang isip.
"You're welcome po, manong." Nakangiting sabi ni Rich. Ginamit niya ang kanyang mala anghel na ngiti upang matakpan nito ang kanyang totoong ugali.
"Alam nyo po ba, ma'am? Idol na idol ko po kayo saka watashiwoshiwa himanawashiwato..." Mahabang sabi ng driver.
"Ano ba naman tong driver na to. Siguro noong studyante pa to ay number one sa listshan ng mga nagdadaldal sa klase nila." Sabi ni Rich sa kanyang isip.
Pagkatapos ay napahugot nalang ng isang malalim na buntong hininga at tumingin-tingin nalang sa abas ng bintana ng taxi.
Maya-maya pa ay narating na nga ni Rich ang Morieane Café. Isa ito sa mga sikat na Café. Kadalasang pumupunta ang mga artista rito o mga royal family mula sa ibang bansa.
Dahil sa mga mahal na produkto rito. Pero sulit din naman ang pera mo dahil napakasarap din naman ng pagkakatimpla ng mga kape rito pati na rin ang mga desserts at iba pa.
Pagkatapos nun ay agad nang pumasok si Rich sa Morieane Café.
Agad naman niyang nakita si Aldwin na nakashades pa kasama ang isang napakagandang dilag. Nakaupo na ito ngayon sa mga upuan at kasalukuyang nag-uusap.
Agad naman itong nilapitan ni Rich.
"Hello, Aldwin." Maarteng sabi ni Rich. Napakaclassy ng kanyang dating. Parati naman talaga itong classy at suot-suot ang mga outfit na gawa sa mg sikat na kompanya rito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Misterio / Suspenso(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...