Chapter 43

13 4 1
                                    

Panibagong araw nanaman ang sumikat ngayon rito sa apartment na tinutuluyan nina Rich, Aldwin at pati na rin ng kanilang mga bakada.

Maagang maaga silang nag agahan at pagkatapos ay agad na iniligpit nina Scott at Clifford ang kanilang mga pinagkakainan.

Kasalukuyang nandito na sila ngayon sa kanilang mahabang lamesa upang magmeeting nanaman.

Kasalukuyang nandito na sina Rich, Aldwin, Presley, Mhelca at kakaupo pa lang nina Scott at Clifford ngayon na galing sa pagliligpit ng kanilang mga pinggan na pinagkakainan.

"So, sigurado ka na ba talaga Rich? Siya na ba talaga yung nanay mo?" tanong ni Aldwin kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan ni Rich at tinutukoy nito si Abelany. Habang si Rich naman ay kasalukuyang nakakulong din sa katawan ni Aldwin.

"Oo. Siyang-siya yung hugis ng ulo saka yung hgi ng katawan nung babaeng nakaupo sa upuan na nasa alaala ko. Saka naaalala ko rin yung mga sinabi niya. Yung tono ng pananalita niya ay malumanay na malumanay na katulad din nung nasa alaala ko." sagot ni Rich na ang paningin ay nasa kawalan at halatang halata sa kanyang mga mata na pilit niyang inaalala ang alaala ng kanyang nakaraan.

"So, kung ganun ay ano na ang plano mo?" tanong ni Scott.

"Sa ngayon, hahanapin ko nalang ang ama ko. Wala nang DNA, hindi na kailangan. Ramdam na ramdam ko yung lukuso ng dugo habang yakap-yakap niya ako kahapon."sabi ni Rich na ngayon ay may mga nanlalabo nang paningin dahil sa namumuo na nitong mga luha sa kanyang mga mata.

"S-So, ano na ngayon ang balak mo?" nauutal na tanong ni Presley.

"Sa tingin ko ay susulitin ko ang panahon na nabubuhay pa ang mama ko." sagot ni Rich na ngayon ay nakatingin na kay Rich.

[Phone Ringtone is Now Playing]

Agad namang nagkatinginan ang mga magbabarkada ng may mga nagtatanong na tingin. Tinitingnan nila ngayon kung kaninong cellphone yung tumunog.

Nung dumapo na ka Aldwin ang kanilang tingin ay agad na kinuha na sa kanyang bulsa angk anyang cellphone.

Pagkatapos ay agad namang nakita ni Aldwin ang cellphone at tiningnan ang screen ng cellphone kung sino ang tumatawag.

Kasalukuyan nang nakatingin kay Aldwin ang lahat ngayon. Pagkatapos ay agad din namang napatingin si Aldwin sa kanyang mga barkada.

"U-Unknown number." nauutal na sabi ni Aldwin.

"Sagutin mo. Baka si Mama Velouz kundi si Papsy Raphy lang yan tapso nag new number lang. S-Saka baka ang mama ko yan." sabi ni Rich.

Kaya naman ay wala nang sinayang na oras si Aldwin at agad na nitong sinagot ang tawag.

"H-Hello?" nauutal na tugon ni Aldwin sa tawag.

"I-Ikaw ba ito, Aldwin?" nauutal na tugon nung boses na nagsasalita mula sa kabilang linya.

"Ahh. K-Kayopala, Ma'am Abelany. A-Ano pong atin?" nauutal na tanong ni Aldwin habang ang paningin ay nasa kanyang mga barkada na ngayon ay nakatingin rin sa kanya.

"P-Pwede bang ibigay mo kay Rich ang cellphone? May sasbihin lang sana ako sa kanya." nauutal na tanong ni Abelany na tila naiilang itong makipag-usap sa binata.

"Sige po." sagot ni Aldwin at pagkatapos ay inabot kay Rich ang cellphone na. Kasalukuyang nakakulong pa rin si Rich sa katawan ni Aldwin.

"H-Hello?" nauutal na tugon ni Rich sa tawag.

"Rich, a-anak. P-Pwede bang maimbitahan kitang mamasyal sa mall? G-Gusto ko lang sanang pagbigyan moko na makasama ka kahit  sa maikling panahon lang." sabi ni Abelany mula sa kabilang linya.

Kaya naman ay agad na napatingin si Rich sa kanyang mga barkada.

"Bakit? Ano raw ang sabi?" nakakunot noong tanong ni Clifford.

"Inaya niya akong mamasyal sa mall." sagot ni Rich.

"Diba sabi mo pa lang sa amin kanina na pangarap mong makasama ang nanay mo habang nabubuhay pa siya? Ito na yun. Ito na ang pangarap mo, matutupad na. Nasa kamay mo na ang pangarap mo, bibitawan mo pa ba?" nakangiting tanong ni Mhelca.

Kaya naman ay agad na lumiwanag angm ukha ni Rich at pagkatapos ayagad na gumuhit sa kanyang mga labi ang isang napakatamis na ngiti.

"Sige po, s-saan ko po bakayo pupuntahan? Saan po tayo magkikita?" masiglang tanong ni Rich sa kanyang ina na si Abelany.

"Hindi mo na ako kailangang puntahan, anak. Dahil ako na mismo ang pupunta sayo." sagot ni Abelany mula sa kabilang linya na halatang nakangiti na ito ngayon.

"Hintayin mo lang ako ng ilang minuto, darating din ako riyan." dagdag ni Abelany.

"Sige po! Magbibihis na po ako kaagad. Sakto dahil kakaligo ko pa lang po kanina." masigla at nakangiting tugon ni Rich sa sinabi ng kanyang ina.

Pagkatapos ay agad na pinatay ni Rich ang tawg at agad nang tumakbo papunta sa kanyang kwarto.

Kasalukuyang nandito na si Rich sa kanyang kwarto. Nakasuot lang ito ng panty. Hindi niya sinuot ang brief ni Aldwin dahil hindi siya komportable na sumuot ng brief.

Kasalukuyan siyang nakaharap sa isang napakalaking salamin kung saan ay kitang kita ang buong katawan ni Aldwin na kanyang pinagkulungan.

"M-May abs din pala tong cheap na lalaking to eh. Ang amo talaga ng mukha niya. Saka ahmm... A-Ang laki nung ano niya." nauutal na sabi ni Rich sa kanyang isip at pagkatapos ay agad na namula ang kanyang mukha dahil sa hiya.

"Ano ba tong iniisip ko. Magbihis na nga lang ako." sabi ni Rich sa kanyan isip at pagkatapos ay agad na niyang sinukat ang damit ni Aldwin.

"Ito kaya? Bagay kaya to para sakin?" tanong ni Rich sa kanyang sarili.

"First time kong gumala ng mall na panlalaki ang suot." nakangiting sabi ni Rich habang hawak-hawak ang isang puting T-shirt ni Aldwin.

"Ito nalang siguro total maganda naman ang pangangatawan ni Aldwin kaya bumabagay." sabi ni Rich at pagkatapo ay agad nang kinuha yung itim na jacket ni Aldwin at isinuot ang pants.

Pagkatapos ay agad na itong lumabas ng kanyang kwarto.

"Oh, ang gwapo gwapo mo ngayon ah!" nakangiting sigaw ni Clifford na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

"Syempre, ako pa. Ang ganda kaya ng katawan ko." nakangiti rin namang tugon ni Rich.

"Ano sabi mo? Maganda ang katawan? So, ibig bang sabihin ay nagagandahan ka sa katawan ko, Rich?" tanong ni Aldwin na ngayon ay ngumingisi na ng nakakaloko.

Kaya naman ay agad namang namula ang mukha ni Rich dahil sa sinabi ni Aldwin. Ang kanyang mga kaibigan naman ay nakatingin na ngayon sa kanya ng may mga nang-asar na tingin at nakangiti rin ito sa kanya ng may mga nang-aasar na ngiti.

"Che!" sigaw ni Rich at pagkatapos ay agad nang lumabas ng kanilang apartment na agad din namang sinundan ng kanyang mga barkada.

Ngunit agad din namang nanlaki ang mga maa ng mga kaibigan ni Rich nung makita nila si Rich.

Kakalabas pa lang ni Rich sak anilang gate ay agad na itong kinuha ng mga naka all black na mga tao na nasa isang puting van na tinted na itim ang glass window.

Kaya naman ay agad na nagsitakbuhan na sina Aldwin at ang kanyang mga barkada.

"Shit! Fuck!" natataranta nang sigaw ni Aldwin na ngayon ay napasabunot nalang sa kanyang sariling buhok. Sinigaw niya ang mga katagang yan habang tinitingnan niya ang puting van na palayo nang palayo na sak anilang apartment.

"Tara! Habulin natin Clifford!" sigaw ni Aldwin na ngayon ay nanginginig na ang mga paa at hindi alam kung ano ang gagawin.

"P-Pare. F-Flat yung dibdib ng nagbabasa. Este f-flat yung lahat ng gulong ng sasakyan ko." nauutal na sagot ni Clifford na ngayon ay may nanlalabo nang paningin dahil sa namumuo na nitong mga luha sa kanyang mga mata.

"Ano?!" sbaay na sigaw n lahat ng may mga nanlalaki nang mga mata.

Nanlalaki na ngayon ang kanilang mg matadahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ngayon ang kanilang mga mata na para bang gustong gusto nang lumuwa ng kanilang mga mata mula sa kanilang mga katawan.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon