Chapter 45

15 4 0
                                    

Lumipas na ang dalawang araw mula nung nakidnap si Rich ng mga taong hindi pa kilala nina Aldwin.

Pagkatapos nung pangyayaring yun nung nalaman nila na flat ang lahat ng gulong ng sasakyan ni Clifford ay wala silang ibang nagawa kundi ang puntahan nila si Papsy Raphy.

Sumakay sila ng taxi at pagkatapos ay nung dumating sila ay bigla nalang silang nagulat dahil iisa na ngayon ang tinitirhan nina Papsy Raphy, Lenoessa at Mama Velouz.

Ngunit kahit ganun pa man ay narito sila  ngayon sa mahabang lamesa sa bahay ni Papsy Raphy para magmeeting tungkol sa mga nangyari sa kanila noong mga nakaraang araw.

Narito sila ngayon sa mahabang lamesa upang magmeeting. Narito sina Aldwin, Presley at ang iba pa nilang mga barkada.

Kasama nila ngayon sina Mama Velouz, Papsy Raphy at Leonessa. Sumisilip pa lang ang araw sa bintana ng bahay ni Papsy Raphy na tinutuluyan nina Aldwin ngayon. Ang aga-aga nila ngayong bumangon para sa pagmemeeting na ito.

"So, kanino tayo magsisimula?" Tanong ni Papsy Raphy sa kanila.

"S-Sa tingin ko ay magsisimula tayo kay Mama Velouz." Sagot ni Aldwin habang ang paningin ay nasa kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa.

"Sige." Pagsang-ayon naman ni Papsy Raphy.

"Anong nangyari sayo nitong mga nakaraang araw, Mama Velouz?" Sagot ni Aldwin habang ang paningin ay nasa kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa.

"Sige." Pagsang-ayon naman ni Papsy Raphy.

"Anong nangyari sayo nitong mga nakaraang araw, Velouz?" Tanong ni Leonessa kay Mama Velouz.

"G-Ganito kasi yun. N-Nitong mga nakaraang araw ay ang dami kong inaattend na meeting. Halos wala na akong oras na magpahinga at magtagal sa bahay. P-Pero nagulat nalang ako na napakakalat na ng mga gamit ko. I-Imposible namang napagdiskitahan y-yun sa mga akyat bahay lang. P-Posibleng pinagp-planohan yun ng mga gumawa nun. P-Pinagp-planohan yun ng maigi." Mahabang sagot ni Mama Velouz.

Habang halatang halata naman sa kanyang mga mata na pilit niyang binabalik ang kanyang mga alaala nitong mga nakaraang araw.

"K-Kaya dahil sa labis na pangangamba ko. S-Sa takot na rin na baka habang natutulog ako ay papasukin ko ng mga misteryosong tao at patayin. Minabuti  ko nalang na umalis dun at makiusap sa kanioa ni Papsy Raphy na dito nalang muna ako titira." Nauutal na dagdag ni Mama Velouz.

Habang halata naman sa boses niya ang labis na kaba na nararamdaman habang isinasalaysay ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw.

"Sayo? M-Mama Leonessa?" Nauutal na tanong ni Aldwin.

Bagamat parejo silang walang galit na nararamdaman para sa isa't isa ay nag-iilangan pa rin silang dalawa ng kanyang mama na si Leonessa.

"N-Nitong mga nakaraang araw. H-Hindi kl naisip na mangyayari pala yun sa akin." Panimula ni Leonessa.

"B-Bakit po?" Nakakunot noong tanong ni Scott.

"K-Kasi nung gabing yun ay matutulog na sana ako ngunit may napansin akong mga kakaiba. P-Para bang may iba pang tao na nandun sa bahay ko nung gabing yun. Humiwalay kasi ako ng tirahan, di ako nakikitira rito kay Papsy Raphy." Panimula ni Leonessa.

"M-May nararamdaman akong naka itim lahat na suot at napakabilis niya kung kumilos. P-Para bang praktisadong praktisado nila at kabisadong kabisado na nila ang bahay ko. Oo, nila. Marami akong mga nakitang nakaitim na nakita nung gabing yun. N-Ngunit hindi ko pinansin yun." Pagsasalaysay ni Leonessa habang nasa kanya ang buong atensyon ng lahat.

"Ang ginawa ko lang ay pumasok na ako kaagad ng kwarto ko at natulog. D-Dahil ang akala ko ay baka dahil lang yun sa antok ko kaya ako nakakakita ng mga ganun. N-Ngunit naramdaman ko nalang na may unti-unting h-humawak sa leeg ko na para bang may planong sakalin ako." Pagpapatuloy ni Leonessa na ngayon ay bahagya nang nanlaki ang mga mata ny kanyang mga kasama rito ngayon.

"Kaya ang ginawa ko ay buti nalang at agad kong nahawakan ang kanyang kamay at inihagis ko papalayo ang kanyang kamay at agad din naman siyang napatumbling. W-Wala na akong ibang nagawa, b-buti nalang at nandun ako sa kwarto ng first floor ng bahay ko nun. K-Kaya ang ginawa ko ay binuksan ko ang binatana at pagkatapos ay agad tumakbo ako ng napakabilis." Pagpapatuloy nanaman ni Leonessa at ngayon bahagya namang kumalma ang kanyang mga kasama.

"B-Buti nalang din at may dumaan na taxi. K-Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumakay at pagkatapos ay pumunta rito sa bahay ni Papsy Raphy ba walang mga damit o kahit na ano. Siya pa yung nagbayad sa taxi." Nauutal na pagsasalaysay ni Leonessa habang halatang halata sa kanyang mga mata na pilit nitong binabalikan ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraan.

"Sa inyo, Aldwin? Anong nangyari sa inyo?" Nakakunot noong tanong ni Papsy Raphy.

"N-Nung araw na nakidnap si Rich ay nagsisiyahan pa kami nun kasama si Rich. Nag-aasaran. Kakatapos lang niyang magbihis nung para makapagbonding sa nanay niya na si Abelamy. Inaasar namin nang inaasar si Rich nun, k-kaya naman ay napikon siya at pumunta nalang siya sa labas ng gate para siguro magpapahangin sa umiinit na niyang ulo sa kkaasar namin. N-Ngunit ang nangyari ay m-may puting van na bigla nalang kumuha sa kanya at pagkatapos ay pinasok siya sa van na parang laruan." Nauutal na pagsasalaysay ni Aldwin.

Habang may nanlalabo nang mga paningin dahil sa namumuong mga luha sa kanyang mga mata.

"A-Abelany?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Leonessa.

"O-Opo." Nauutal din na sagot ni Aldwin.

"S-Sa. Pagkakaalam ko ay Melany ang pangalan ng nanay ni Rich." Nauutal na sabi ni Leonessa.

"K-Kilala mo ang nanay ni Rich?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Mama Velouz kay Leonessa.

Ang lahat naman ngayon ay nakatingin na kay Leonessa ng may mga nagtatanong na tingin at nakakunot na mga noo. Gumuhit naman sa kanilang mga noo ang isang napakalaking question mark.

"Oo." Sagot ni Leonessa.

"H-Huh? P-Paano?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Mhelca.

"Ganito kasi yun." Panimula ni Leonessa.

"Dati kaming magkaklase ni Melany. Kilala ko ang ama ni Rich, siya ay si Abelino. Kilala ko rin ang ina ni Rich, ang pangalan ay Melany. Hindi Abelany, saka k-kilala ko rin yang Abelany na sinasabi mo. S-Siya yung dating n-nagkagusto kay Abelino. Tatlo silang magbabarkadana magkakapitbahay lang din." Pagsasalaysay ni Leonessa.

"Si Melancholy, Melany at Abelany. N-Nagkagusto si Abelany kay Abelino ngunit ang niligawan ni Abelino ay si Melany. D-Dahil ang mahal ni Abelino ay si Melany at hindi si Abelany. N-Ngunit sa pagkakaalam ko ay namatay sa baha at malakas na kidlat noon si Melancholy at ang buo niyang pamilya. N-Nalaman kong nandun si Rich at pinaampon si Rich ng lola niya na si Melissa kay Melancholy." Pagpapatuloy ni Leonessa.

"K-Kaya pumasok sa isipan ko na patay na rin si Rich. N-Ngunit nung makita ko si Rich ay biglang pumasok sa isip ko ang napakapamilyar na mukha. A-Ang mukha ni Melany na napakaganda. N-Nung lumapit si Aldwin sakin na nakakulong sa katawan ni Rich ay agad kong naalala na baka buhay si Rich at may umampon sa kanya ulit nung panahon na yun. T-Tungkol naman sa simbolong "$" ay hindi ako sigurado na si Abelany ito. D-Dahil sa pagkakaalam ko ay iisang tao lang ang may g-ganitong pendant sa manyang kwintas." Nauutal at mahabang dagdag ni Leonessa.

"H-Huh? K-Kilala mo rin?! K-Kung ganun ay sino?" Nauutal at sabay-sabay na tanong ng lahat ng may mga nakakunot na noo at may mga nagtatanong na tingin. Gumuhit naman sa kanilang mga nakakunot na mga noo ang isang napakalaking question mark.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon