Chapter 51

18 4 0
                                    

Kasalukuyang nandito na sina Aldwin at Leonessa at nakatago ito sa isa sa mga estimate rito sa lumang bodega. Kasalukuyang nandito sila at nakatago habang hindi nila alam kung nasaan ang kanilang iba pang mga kasama.

Kasalukuyang nandito sila habang sina Abelany at Eduardo ay hinahanap sila at pati na rin ang mga kasama nila. May mga hawak itong baril.

"A-Anak, m-may napapansin ka ba? W-Wala na ata yung mga terorista sa kanila. Kanina pa hindi ko nakita yung mga sinasabi nilang alalay." Nauutal na sabi ni Leonessa kay Aldwin na nasa likod niya.

Binigkas niya ang mga katagang yan habang nakatingin sa mga daan kung saan pwedeng puntahan nina Abelany at Eduardo.

"Ewan ko sayo, mama." Sabi ni Aldwin na nakatulala na ngayon mula sa kawalan.

Kaya naman ay agad na itong tiningnan ni Leonessa. Nung tiningnan ni Leonessa si Aldwin ay may mga nanlalabo na itong paningin. May nanlalabo na itong paningin dahil sa namumuong luha sa mga mata nito.

"A-Anak. B-Bakit?" Nauutal na sabi ni Leonessa na nakakunot ang noo.

"E-Eh k-kasi po, mama. B-Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin yung totoo?" Nauutal na tanong ni Aldwin na ngayon ay may basag nang boses.

Hindi na natiis ni Aldwin at atad nang nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"P-Patawad, anak. S-Sana m-mapatawad mo ako." Nauutal na sabi ni Leonessa na ngayon ay may nanlalabo nang paningin dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata.

Binigkas ni Leonessa ang mga katagang yan pagkatapos ay hinawakan ang kaliwang balikat ni Aldwin. Ngunit agad din naman itong tinabig ni Aldwin.

Kasalukuyan pa ring nakakulong si Aldwin sa katawan ni Rich habang si Rich naman ay nakakulong pa rin sa katawan ni Aldwin.

"H-Hindi eh. K-Kung sana ay sinabi nyo na yung totoo. S-Siguro ay matatanggap ko pa yun kahit na yun ang ginawa mo kay papa." Nauutal na sabi ni Aldwin na ngayon ay nag-uunahan nanaman sa pagbagsak ang another batch ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"A-Anak, p-patawad. S-Sana ay m-mapapatawad mo ko, anak." Nauutal na sabi ni Leonessa na ngayon ay hindi na makatiis at agad nang nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Agad din namang umiling-iling si Aldwin nung sinabi ni Leonessa ang kanyang mga salitang binitiwan.

"H-Hindi, mama. P-Paano ko pa kayo pagkatiwalaan ngayon? Kung sa simula pa lang ng ating pagkikita ay agad kanang nagsinungaling?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.

"A-Anak, p-please. P-Patawarin mo naman ako, anak." Nauutal at nagsusumamomg ani Leonessa sa kanyang anak na si Aldwin.

"Hindi eh! Ang akin lang sana ay umamin kana agad kung ano talaga yung nangyari! Hindi yung pinagmumukha mokong tanga!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.

"A-Anak, please. P-Pasensya na, h-hindi ko sina..." Hindi na natuloy ni Leonessa ang kanyang sasabihin nung biglang sumigaw si Aldwin.

"Hindi ko sinasadya?! Eh, sa pagk-kwento mo sa aming lahat ng kwentong barbero na gawa mo?! D-Diba sinusubukan mong magpagood profile sa aming lahat?! Okay lang naman sakin na aminin mo yun eh. Tapos sasabihin mong hindi sinasadya. Yun! Matatanggap ko pa yun! P-Pero itong ginawa mong pagsisinungaling sa aming lahat? Pinagmumukha mo lang kaming gago!" Naggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.

Ngayon ay mala waterfalls na ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"A-Anak. H-Hindi ko sinasadya." Nauutal at mahinang sabi ni Leonessa na ngayon ay may basag nang tinig. Muli nanamang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"Hindi! Hinding hindi ko matatanggap ang sorry mo. Kainin ko yang sorry mo kagaya nung mga oras na pinagmumukha mo kaming gago!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.

"A-Anak, p-please naman. W-Wag naman sana tayong magkaganito oh. A-Anak, n-nasasaktan na ako." Nauutal na sabi ni Leonessa na ngayon ay naging mala waterfalls na rin ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Bakit?! Alam mo ba kung gaano kami ka dismaya at gaano mo kami nasaktan nung kaninang nalaman namin na isang kwentong barbero lang pala ang kinwento mo sa amin?! Alam mo ba kung gaano mo kami nasaktan nung nalaman naming nagsinungaling ka lang pala sa amin?! Ha?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin na ngayon ay muli nanamang nangilid ang mga luha.

"A-Anak, p-please. Patawarin mo ko." Nauutal at nagsusumamong ani Leonessa kay Aldwin.

"H-Hindi. S-Saka isa pa, sinabi mo sa amin na gagamitin lang natin ang baril kapag kinakailangan. Pero ikaw! Anong ginawa mo?! Pinutok mo ang baril kahit na hindi na kailangan! Ano  tayo ngayon?! Nagkakawatak-watak tayo!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"A-Anak, p-paano mo ako m-mapapatawad?" Nauutal na tanong ni Leonessa na ngayon ay nangingilid pa rin ang mga luha.

"Hindi ko alam. S-Siguro ay mapapatawad lang kita kapag walang nakitil na buhay sa labanan na ito!" Nauutal at nanggagalaite sa galit na sigaw ni Aldwin.

"P-Pero k-kapag m-may buhay na nawala ay..." Hindi na natuloy ni Aldwin ang kanyang sasabihin nung bigla niya nalang narinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

Bang! Bang! Bang!

Yannang tunog ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Aldwin sa kanyang nakita sa kanyang harapan ngayon.

Nanlalaki na ngayon ay ang mga mata ni Aldwin na halos luluwa na ito sa kanyang katawan. Nanlalaki na ngayon ang mga mata ni Aldwin dahil sa labis na gulat na nadarama.

Nakita niya sa kanyang harapan ngayon ang kanyang mama na si Leonessa na napakarami nang tama ng bala sa katawan.

Sumusuka na ito ngayon ng dugo. Pagkatapos ay nung tiningnan niya ang mukha ni Leonessa ay nginitian lang siya ni Leonessa na kanyang ina.

"A-Anak, s-sana ay m-mapapatawad moko. S-Sa g-ginawa kong pagsisinungaling sayo at sa p-panggagago ko sa inyong lahat. S-Sana ay m-mapapatawad moko." Nauutal na sabi ni Leonessa.

"Mama? Mama!" Sigaw ni Aldwin na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"A-Anak, t-tumakbo kana please. P-Pakiusap t-tumakbo kana, anak. K-Kahit sa ganitong paraan man lang. M-Maliligtas kita sa kapahamakan at m-magagampanan ko ang pagiging ina sayo. M-Magagampanan ko ang pagiging ina na p-poprotektahan ang k-kanyang anak mula sa kapahamakan." Nauutal na sabi ni Leonessa na nanghihina na siya.

"A-Anak, t-tumakbo kana. P-Please." Nauutal na sabi ni Leonessa kay Aldwin.

"H-Hindi mama. Hindi! Hinding hindi kita pababayaan rito!" Sabi ni Aldwin na ngayon ay nag-uunahan nanaman sa pagbagsak ang kanyang mgauha sa kanyang pisngi.

"H-Hindi, anak. A-Ayos lang kay mama ito. B-Basta m-mag-ingat kayo ha. M-Mahal na mahal ka ni mama, a-anak." Nauutal na sabi ki Leonessa na hinawakan pa ang kaliwang pisngi ni Aldwin.

Pagkatapos ay hindi nagtagal ay agad nang natumba si Leonessa sa sahig.

"Mama!!!" Sigaw ni Aldwin habang timitingnan niya ang kanyang ina na nakahiga na sa sahig at wala nang buhay.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon