Chapter 21

14 4 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula nung nag mall show sina Rich at Aldwin. Yung araw na nakatanggap nanaman ng banta si Aldwin.

Kasalukuyang nandito na sina Rich at Aldwin. Maswerte sila dahil hindi na kakailanganin pang pag-aralan ang pangalan ng kanilang mga classmates sa room dahil magkaklase lang din naman sina Rich at Aldwin.

"Shet! Bat ganito?! Ang pangit sa pakiramdam magsuot ng skirt. Lakas makabakla! Kung hindi lang talaga ako nakulong sa katawan nung Rich na maldita na yun! Edi hindi sana ako nagkaganito!" Sigaw ni Aldwin ss kanyang isip habang nakaupo rito sa isang arm chair kung saan ang upuan ni Rich.

Sinabi niya ang mga katagang yan sa kanyang isip habang nakatingin sa isang upuan kung saan ang talagang upuan niya.

Ngunit hindi niya magawang umupo sa kanyang upuan dahil nakulong na siya ngayon sa katawan ni Rich. Kaya kailangan niya ring umupo sa upuan ni Rich.

Maya-maya pa ay dumating na rin naman si Rich kasama ang mga barkada ni Aldwin na sina Scott at Clifford.

Syempre nakikisakay na rin sina Scott at Clifford upang hindi mahalata o malaman ng kanilang mga kaklase na sina Rich at Adlwin ay nagkapalit ng katawan.

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang first subject na si Ms. Esther Tariman. Siya ang terror science teacher nila.

"Hay! Narito nanaman si Esther! Ang malas naman oh. Bat natapos pa yung "Prestihiyosa" kung ganitong pagbalik namin sa klase ay ang pagmumukha ng Esther na ito ang sasalubong sa amin." Sabi ni Aldwin sa kanyang isip na kasalukuyan pa ring nandito at nakakulong sa katawan ni Rich.

Napailing-iling nalang ito dahil sa isiping ang malas niya dahil isang terror ang unang sumalubong sa kanila.

"Good morming, class." Pagbati ni Ms. Esther sa kanila.

Agad namang sabay-sabay na tumayo ang buong Grade 10 - Tenacious at pagkatapos ay...

"Good morning, Ms. Esther. It's nice to see you today." Pagbati rin naman ng buong section Tenacious kay Ms. Esther.

"Okay, you may now take your seat." Sabi ni Ms. Esther na siyang ginawa naman ng mga studyante niya.

"So, since two hours ang ating science ngayon. Come here, Ms. Secretary." Sabi ni Ms. Esther at pagkatapos sy agad din namang tumayo si Joanne na kanilang secretary ng section Tenacious.

"Yes po, miss?" Tanong nung secretary kay Ms. Esther nung makalapit na ito kay Ms. Esther.

"Okay, class! May ipapamigay akong worksheet na siyang kokopyahin ninyo sa inyong notebook. Pagkatapos ay sagutan ninyo ang inyong worksheet in two hours and when I say pass it. You are obliged to pass it whether you finished answering the worksheet or not. Clear?" Mahabang pagpapaliwanag ni Ms. Esther sa kanila at pagkatapos ay agad namang tinanguan ng buong section Tenacious.

"Okay, secretary. Please distribute these worksheets to your classmates. Ten pages ang worksheet ninyo so you must copy the lessons there and answer the questions faster." Huling sabi ni Ms. Esther sa kanila at pagkatapos ay agad din namang nagmamadaling magdistribute ang secretary nung binigay na ni Ms. Esther ang worksheets sa kanya.

"Okay, your two hours starts now." Sabi ni Ms. Esther at pagkatapos ay agad nang nistart ang kanyang timer sa kanyang cellphone at umupo na sa teacher's chair.

Pagkatapos ay inilagay ang kanyang  cellphone sa teacher's table na nasa kanyang harapan.

Wala namang sinayang na oras ang buong section tenacious at agad na itong pinasa sa kanilang likod ang worksheet. Agad namang nagsisulat sa mga lessons na nasa worksheet ang mga studyante at pagkatapos ay sinagutan ang questions.

Maya-maya pa ay tinitingnan ni Ms. Esther ang kanyang mga studyante. Napakabusy nito at walang pansinan ang kanilang mga klase.

Tila ba nagmistulang ghost town ang pagiging tahimik ng buong classroom ng section tenacious.

Habang sina Rich, Aldwin at mga barkada nito ay nagsisulat na rin. Para bang isimamtabi na nila ang lahat nilang mga problema at inuna ang worksheet sa science.

Dahil sa pagkakaalam nila ay bumabagsak talaga ang mga studyanteng nagpapabaya sa subject niya.

"Times up!" Maya-maya pa ay sigaw ni Ms. Esther at pagkatapos ay agad na niyang ipinacollect sa secretary ang mga worksheets.

Agad din namang nicollect nung secretary ang mga worksheets.

Ang lahat ay nagsipasa na at walang nagtatanga-tangahan dahil alam na nila ang mangyayari sa kanila kung magtatanga-tangahan sila sa subject ni Ms. Esther.

"Okay. Good bye, section Tenacious." Pagpapaalam ni Ms. Esther nung natanggap na niya ang mga worksheets.

"Good bye and thank you, Ms. Esther. See you around and may God bless you." Tugon rin naman ng buong section Tenacious.

Kasalukuyang nandito na sina Rich kasama sina Scott at Clifford. Nandito sila sa lockers' area.

Kasalukuyang nagsasauli si Rich sa mga gamit ni Aldwin saka siya na rin ang nagsasagot ng lahat ng questionaires ni Aldwin katulad ni Aldwin na siyang sumasagot na rin ng questionaire na sana ay para kay Rich.

"Sinasamahan ka namin para himdi mahalata ng iba nating mga schoolmates at classmates na nagkapalit kayo ng katawan ni Aldwin." Sabi ni Scott habang nakasandal sa tabi ng locker ni Aldwin.

"Thank you sa inyo ah." Sinserong sabi ni Rich kina Scott at Clifford.

"Walang anuman yun. Basta para sa ikakabuti ninyo ni Aldwin. Kasi involve na rito ang bestfriend namin eh. Kaya tutulungan na rin namin kayo sa inyong problema." Sabi naman ni Clifford.

Nung nagsasauli na si Rich ng mga gamit ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata nung may nakita siya sa loob ng locker niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Rich na para bang gustong gusto na nitong kumawala mula sa kanyang matawan.

Kaya naman ay napakunot ng noo sina Scott at Clifford at tiningnan si Rich ng may nagtatanong na tingin at may malaking question mark sa kannilang mga noo.

Agad din namang nakita ni Rich ang isang bagay na nakapagpagulat sa kanya. Isa ito g larawan nina Aldwin at Rich.

Ang mga mukha nina Rich at Aldwin ay may markang "X" na kulay pula na halatang ito ay isinulat gamit ang lipstick.

Kaya naman ay nung nakita nina Scott at Clifford ito ay agad na nanalaki ang kanilang mga mata dahil sa kanilang mga nakita.

Kahit na si Scott na chinito ang mga mata ay nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi na mahahalata sa kanyang mga mata na siya pala ay may singkit na mga mata.

Nanlalaki na ngayon ang mga mata nina Scott, Clifford at Rich na kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan ni Aldwin. Nanlalaki ang kanila g mga mata na halos luluwa na ang kanilang mga mata.

Kumakalabog din ang kanilang mga puso ng napakalakas. Kumakalabog ang kanilang mga puso na para gustong gustong gusto na nitong lumabas sa kanilang mga katawan at nagmistulang naghugis 'O' ang kanilang mga bibig.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon