Kasalukuyang nandito sina Rich at ang kanyang manager na si Mama Velouz sa kotse. Patungo sila ngayon sa guesting sa university kung saan sila nag-aaral ngayon. Habang umaandar ang kotse at nagmamaneho ang driver na si Mang James Andres or Mang Andres for short
"Auuurrrgghhh!!! My God mama! I really really hate to have a guesting in our university. Makikita ko nanaman yung mga pagmumukha ng mga cheap na students dun sa Euphoria. Yung mga babae na Gucci bag lang yung afford? My goodness mama! Ang cheap talaga nung mga schoolmates ko! Did you know that yung mga scholar students lang sa Euphoria University is Avon lang ang afford na makeup nila? Gosh Mama!" Pag-iinarte ni Rich habang nasa passenger seat ng kotse at tila diring-diri habang sinasabi ang mga katagang yan.
"Nako, Rich. Anak, hayaan mo nalang sila. Basta ang importante is yang may maayos kang natutulugan saka hindi ka katulad nila." Pangangaral ng kanyang manager na si Mama Velouz.
Tila si Mama Velouz na ang tumatayo niyang ina-inahan. Ang kanyang baklang manager na rin ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya at nagpasikat.
"Gosh, mama! Kailan ka pa kaya inominate as Blessed Velouz? Naghihintay ako sa cannonization mo. You know what Mama? Ang bait mo. Nagmumukha kang santo habang ako nagmumukhang demonyo!" Maarteng sabi ni Rich pagkatapos ay umirap.
Si Velouz naman ay napahugot nalang ng isang malalim na buntong hininga. Lumaki kasi sa kanya si Rich na binibigay ang lahat ng pangangailangan kaya naging spoiled ito. Napailing-iling nalang si Mama Velouz dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang anak-anakan na si Rich.
"Nandito na po tayo, ma'am." Sabi ni Manong James Andres.
"Oh, pake ko? Edi buksan mo na yung pinto para makalabas na kami." Sabi ni Rich na nakataas pa ang isang kilay.
"Sige po, ma'am. Pasensya na po." Huling sabi ni Manong James Andres at pagkatapos ay lumabas a ng kotse.
"Oh, nandyan na si Manong James Andres! Tiyak na nandyan na sa kotse si Ms. Richbell Mercado!" Sigaw ng isang reporter na taga GMA.
Agad na nagsitakbuhan ang mga reporter at inunahan si Manong James Andres sa pinto ng kotse. Agad na hinarangan nila ang kotse para maka-interview kahit saglit si Rich. Dahilan upang hindi mabuksan ni Manong James Andres ang pinto ng kotse.
[Nokia Ringtone is Now Playing]
Agad na tumunog ang cellphone ni Manong James Andres at pagkatapos ay agad niya itong kinuha sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.
"Hello, ma'am." Tugon ni Manong James Andres sa cellphone.
"Ano? Sabi ko buksan mo ang pinto. Bat ang tagal mo? Uurong kana lang ba riyan? My God! Manong! Naghihintay na ang cheap kong escort na galing lang sa gang namin rito sa Euphoria University. Saka bakit ba sila nakaharap sayo? Ikaw ba iinterviewhin nila? Bilisan mo! Kukupad-kupad ka pa Manong James Andres!" Sigaw ng naiirita nang si Rich.
"Anak, hayaan mo na. Kahit ang tao ay nagkakamali rin." Mahinahong pag pangaral ni Mama Velouz sa kanyang alaga.
"My God! Here's the saint speaking! Pwede ba mama? Wag ka po munang mangaral St. Velouz?!" Sigaw ni Rich pagkatapos ay inirapan ang kanyang manager.
Pagkatapos nun ay sa halip na sasagot pa si Mama Velouz ay mas pinili nalang niyang manahimik. Dahil alam niyang pagtatarayan nanaman siya ng kanyang anak-anakan.
Pagkatapos nun ay bumukas na ang pinto ng kotse at agad na nagsigawan ang buong studyante ng Euphoria University. Ang mga camera naman ay nagsi-ilawan na para bang mga kidlat na umiilaw lang ng hindi nagpapaalam.
Pagkatapos ay may nag-alay sa kanya ng kamay.
Ito ang kanyang escort na pinagkakaguluhan ng mga babae ng buong Euphoria University na si Aldwin Guerrero.
Ito ang sinasabi ni Rich na cheap. Kung yang si Aldwin Guerrero na pinagkakaguluhan ng buong Euphoria University ay cheap lang para kay Rich. Ano nalang kaya ang hindi cheap para kay Rich?
Katulad lang yan ng sinabi niya kaninang cheap ang mga studyante ng Euphoria University dahil Gucci lang ang afford na bag. Ano nalang kaya ang hindi cheap para sa kanya?
Agad nanamang napatingin si Rich sa nag-alay sa kanya ng kamat at as usual, walang nagbago sa ugali ni Rich. Inirapan nanaman niya ang sinasabi niyang cheap na si Aldwin Guerrero.
Pagkatapos ay tinanggap ito ni Rich ng may isang napakatamis na ngiti. Isang napakatamis na ngiti na hindi mapaghahalataan na pekeng ngiti lang. Kaya naman ay agad na ngumiti rin si Aldwin.
Pagkatapos ay naglakad na sila sa red carpet patungong stage. Ang mga Euphorians naman ay nasa magkabilang gilid nila. May mga upuan ngunit mas pinili pa nitong tumayo at magsisigawan sa pangalan nina Aldwin at Rich.
"Waaaahh!!! Bagay na bagay talaga sila no?"
"Oo nga. Waaahhh!!! Sana meron rin akong Aldwin ng buhay ko!" Sigaw ng isang fan ng kanilang loveteam dito sa Euphoria.
Palagi silang inaasar sa isa't isa. Saka maraming mga kabataan rin ang nangangarap na maging artista rin si Aldwin at maging ka-loveteam ng artistang si Rich.
"Yuck. A big big yuck. As in yuck nalang talaga." Sabi ni Rich habang nakangiti. She's wearing her angelic smile that shows her very white teeth. Nakangiti siya habang nakatingin sa mga camera ng mga reporters.
"Heh. Excuse me? Ang ganitong gwapong tao? Yuck pa to? Baka kapag tayo nagtabi sa kama. Mabubusog kana, masasarapan ka pa." Sabi rin ni Aldwin habang nakangiti at nakatingin sa camera ng reporters.
"Yuck. What a very squatter mouth. They thought that we have relationship and I'm so lucky. Nasusuka ako kapag naririnig ko yan mula sa mga cheap students dito na kagaya mo. Sa kanila ka nalang, hindi ko pinangarap na mabuhay kasama ang isang cheap na tao." Pagtataray ni Rich habang nakangiti pa rin ng isang mala anghel na ngiti.
"Ang peke mo talaga. Ang bait mo kapag maraming tao. Pero kung kaunti lang. Napakasungit mo. Ako, cheap? Aba! Excuse me? Ikaw ata ang cheap. Artista ka lang kaya nagmumukha kang mayaman. But you don't know me yet. Alamin mo muna kung sino ang kausap mo, miss." Sabi ni Aldwin habang nakangiti pa rin sa camera ng mga reporters.
"Please help me welcome! The newly build loveteam in Showbiz! Ang bagong artista na mula nanaman sa ating paaralan na si Aldwin Guerrero na ka-lovveteam na ngayon ni Ms. Richbell Mercado sa isa sa mga sikat na channel! Ang LJR-FGEN channel!!! The Loyola Rome - Fabulous Generous and Ethusiastic artists Network channel!!!" Salubong ng host sa kanila na nasa stage.
"W-What the?! Artista kana?!" Sigaw ni Rich. Hindi na napigilan ni Rich ang knyang emosyon dahil sa pagkabigla. Nanlalaki ang kanyang mga mata na para bang halos luluwa na ito sa kanyang katawan.
Pagkatapos nun ay bahagyang na-out of balance si Rich. Buti nalang at nasalo siya ng mga guards. Kaya naman ay agad na iyang hinatak ni Aldwin pagkatapos ay niyakap ng napakahigpit.
"Yes, sreco. Kaya, magkakasama na tayo palagi." Nakangiting sabi ni Aldwin habang yakap-yakap si Rich.
Agad namang kumalas si Rich sa pagkakayakap sa kanya. Tika nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Tila ang hirap magsink in sa kanyang utak na artista na ang kanyang tinatawag na cheap.
"At may project na agad sila! Gagawa sila ng isang afternoon primetime movie that will be entitled "Prestihiyosa"!" Pag-aanunsyo ng host.
"M-Makakasama kita sa isang movie project?"Nauutal na tanong ni Rich.
"Oo. Bakit Sreco?" Tanong ni Aldwin kay Rich.
"Waaaaaahhh!!! Alam ko ang meaning ng sreco! May asawa ang tita ko na isang Serbian! Ang meaning nyan ay my world, my life at my happiness! Waaaahh!!! May relasyon nga sila!!!" Sigaw ng isang Euphorian student na agad namang nagsitilian ang mga studyante. Lalong lalo na yung mga babaeng studyante.
Pagkatapos ay lumipat na ang tingin ni Rich kay Aldwin pagkatapos ay agad nang umitim ang kanyang paningin at bigla nalang itong natumba at nawalan na ng malay.
"Ms. Rich!" Sigaw ng mga reporter.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...