Chapter 3

57 14 5
                                    

"Auuurrrgghhh!!!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich.

Kasalukuyan itong nandito sa CR sa venue pa rin ng pinagshootingan nila sa new movie project nila ni Aldwin na "Prestihiyosa."

"Hayaan mo na , anak. Tara na." Mahinahong sabi ni Mama Velouz.

"Mama! Pinahiya niya ako sa buong set! Humanda talaga sakin yang lalaking yan!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich.

"Eh totoo naman talaga anak eh. Sinabi mong bakal-bakal ang mga abs ni Aldwin. Saka nakikita ko naman sa mga mata mo, anak. Halata sa mga mata mo na hindi acting yung pagkatulala mo. Kilalang kilala kita, anak." Sabi ni Mama Velouz pagkatapos ay nginitian si Rich.

"Che!" Sigaw ni Rich

"Naaakit ka ba sa katawan ni Aldwin?" Tanong ni Mama Velouz ng may nang-aasar na tingin at nang-aasar na ngiti.

"Miscusi? Jusme mama! Anong nakakaakit sa buto-buto?" Sabi ni Rich na naiirita na pagkatapos ay umirap at saka umalis na sa CR.

Kaya naman ay napailing-iling nalang si Mama Velouz pagkatapos ay napangiti at sinundan si Rich.

Kasalukuyang nandito na ngayon sina Rich at Mama Velouz sa labas ng venue ng kanilang pinagshootingan.

"Good job, Ms. Rich. Hanggang sa muli nating pagkikita." Nakangiting sabi ni Direk Zi. Pagkatapos at pumasok na ito sa kanyang kotse at umalis na. Yan nalang ang naabutan ni Mama Velouz na usapan nina Direk Zi at Rich.

"Anak. Anong pinag-uusapan nyo ni Direk Zi?" Nakangiting tanong ni Mama Velouz.

"Wala naman, nonsense lang naman yun. Nakikipgplastikan lang naman ako ng ilang sandali kay Direk Zi." Sagot ni Rich.

"Manong Mokz!" Pagtatawag ni Rich sa kanyang driver na si Manong Mokz. Ngunit walang Mokz ang sumagot sa pagtawag ni Rich. Kaya naman ay nagsimula nang magsalubong ang kilay nito at umuusok ang ilong at tainga.

"Maaaannoooonnggg Moookz!!!" Sigaw ni Rich.

Pagkatapos ng ilang segundo ay napakabilis umandar ng kotse ni Rich pagkatapos ay dali-daling huminto sa harapan nina Rich. Agad na binuksan ni Manong Mokz ang pintuan ng kotse upang papasukin si Rich sa shotgun seat saka si Mama Velouz naman ay pumasok na sa passenger seat.

Nasa kalagitnaan sila ng byahe ngayon. Kasalukuyang nakatigil ang kotse ni Rich dahil sa traffic. Tumitingin si Rich sa haba ng traffic.

"Hay! Jusme! Heto nanaman tayo sa walang katapusang traffic." Naiiritang sabi ni Rich pagkatapos ay napairap nalang pagkatapos ay tumingin-tingin nalang sa labas ng bintana ng kotse.

Nang tingnan niya ang nasa labas ng kanyang bintana ay nakita niya ang isang mamahaling hotel.

Isang five star hotel. Napakaganda nito at mala-America ang design nito. Maraming mga nakapark na mga motor at kotse sa harap nito.

Dahil sa magandang disenyo ng building ng five star hotel na ito ay agad pa niyang inilibot ang kanyang paningin.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang mga nakita. Nanlalaki ang kanyang mga mata halos luluwa na ang kanyang mga mata dahil sa kanyang mga nakita.

Dalawang taong nag-aakbayan.

"T-Teka, si Aldwin yun ah. S-Sa pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa pa yung fiancy niya ah. S-So sino yang kasama niya?" Nauutal na tanong ni Rich sa kanyang sarili.

"Anak? Okay ka lang ba riyan? Nagsasalita ka ng mag-isa." Tanong ni Mama Velouz.

"Wala, mama." Sagot ni Rich pagkatapos ay umirap.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon