"M-Mama, b-bat kilala nyo po yang isang lalaki na yan?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Aldwin kay Leonessa. Tila bakas na bakas sa mukha ni Aldwin na tila naguguluhan na siya ngayon.
Kasalukuyan pa rin siyang nakakulong sa katawan ni Rich habang si Rich naman ay kasalukuyan ring nakakulong sa kanyang katawan.
"Oh, Leonessa? Bat hindi moko ipapakilala sa anak natin?" Nakangiting tanong ni Eduardo kay Leonessa.
Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ni Leonessa dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata na halos luluwa na ang kanyang mga mata sa kanyang katawan.
Nagsimula na ring kumalabog ng napakabilis ang puso ni Leonessa. Kunakalabog na ngayon ang kanyang puso na para bang gustong gusto na nitong kumawala mula sa kanyang katawan. Agad naman siyang napalunok ng ilang beses.
"A-Ano po ba ang sinasabi niya, mama?" Nauutal na tanong ni Aldwin kay Leonessa.
"H-Hindi, anak. W-Wag kang makini..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Leonessa nung biglang nagsalita si Eduardo.
"Anak kita. Ako ang ama mo, Aldwin Guerrero. Ako si Eduardo Guerrero." nakangiing pagpapakilala ni Eduardo kay Aldwin.
Kaya naman ay agad na napakunot ang noo ng lahat na mga kasama ni Aldwin at pati na rin si Aldwin.
Agad na napakunot ang kanilang mga noo at napatingin na ngayon silang lahat sa nakangiting si Eduardo. Tinitingnan nila ngayon si Eduardo ng may mga nagtatanong na tingin at agad din namang gumuhit sa kanilang mga noo ang isang napakalaking question mark.
"H-Huh? P-Paano? S-Sabi ni mama ay patay na ang ama ko. Saka kung ikaw man ang ama ko. Bat mo nagawa sa amin ang kahayupan na ito?" naguguluhan at nakakunot noong tanong ni Aldwin kay Eduardo.
"Ganito kasi yun." panimula ni Eduardo.
*FLASHBACK*
Kasalukuyang nandito si Leonessa kasama si Eduardo sa isang gyera. na-assign sila sa isang gyera rito sa Mindanao.
Nasa gyera si Leonessa na walang ka alam-alam na nagdadalang tao na pala siya kay Aldwin noon.
Kasalukuyang nandito sila sa isang poste kung saan nagtatago silang dalawa ni Eduardo na tatay ni Aldwin.
Tiningnan ni Edardo ang mga kalaban kung nasaan na ang mga ito. Bahagyang sumilip si Eduardo at hinanap ng kanyang mga mata kung saan nakatago ang kanilang mga kalaban.
"Eduardo. Lilipat nalang ako ng ibang poste para makapagtago ako ng maayos. Dahil delikado tayo rito. Iisa lang ang poste tapos dalawa tayong nagtatago. Baka madaplisan tayo ng bala." Sabi ni Leonessa.
"H-Huh? T-Teka muna, titingnan ko kung nasaan ang mga kalaban." Sabi ni Eduardo pagkatapos ay sinilip niya kung nasaan na ang kanilang mga kalaban.
"Mamaya na muna dahi..." Hindi na natuloy ni Eduardo ang kanyang saaabihin nung tiningnan niya si Leonessa.
Bigla nalang siyang tinulak ni Leonessa dahilan para makita si Eduardo sa kanilang mga kalaban na terorista at pagkatapos ay pinagbabaril si Eduardo.
Lahat na parte ng katawan niya ay tadtad ng bala. Hindi naglaon ay agad naman siyang natumba at nalunod sa ilog na nasa tabi lang nila.
Dahan-dahang naglakad si Leonessa at pagkatapos ay patago-tago ito para hindi siya makikita ng mga terorista. Nagdahan-dahan siya at ginagamit niya pa rin sa pagtago ang bawat poste na kanyang madaraanan.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...