Kasalukuyang nandito pa rin si Presley sa lamesa at nagliligpit ng kanilang mga pinagkakainan.
Sina Scott, Clifford, Aldwin at Rich naman ay nagsi-alisan na at may kanya-kanya nang ginawa.
Kasalukuyang dala-dala na ni Presley ang mga pinggan na kanilang pinagkakainan. Pagkatapos ay pumunta na ito ng kusina at binigay na kay Mhelca ang mga pinggan na kanilang pinagkainan.
Kasalukuyang naghuhugas na si Mhelca ng mga pinggan habang tinitingnan naman ni Presley si Mhelca na naghuhugas.
Maya-maya pa ay napansin rin naman ito ni Mhelca.
"Oh, anong tinitingin-tingin mo riyan?" Nakakunot noong tanong ni Mhelca kay Presley na ngayon ay nakasandal pa sa lababo at nakatingin sa kanya na naghuhugas.
Tinanong ni Mhelca ang tanong na yun habang ang paningin ay nasa mga hinuhugasang pinggan.
"Wala lang naman. Napaisio lang ako sa nangyari kina Rich at Aldwin. Siguro ay talagang itinadhana silang dalawa." Sagot ni Presley na ngayon ay nasa mga hinuhugasang pinggan na ni Mhelca ang paningin.
"Pa'no mo naman nasabi?" Nakakunot noong tanong ni Mhelca at pagkatapos ay saglit niyang tiningnan si Presley.
"Kasi diba? Biruin mo nga naman na sa dinami-rami ng tao sa mundo ay talagang sila pa ang naging loveteam. What I mean is sa lahat ng tao sa mundo ay si Aldwin pa talaga ang naging escort noon ni Rich at naging artista pa. Saka sa lahat ng taong napulot ni Mama Velouz ay talagang si Rich pa ang napulot niya." Mahabang pagpapaliwanag ni Presley na ngayon ay nakatingin na kay Mhelca na tapos nang maghugas.
"Oo nga no. Grabe talaga maglaro ang tadhana. Kung makapaglaro ang tadhana, wagas." Sabi ni Mhelca.
Kasalukuyang nandito na si Scott sa kanilang sala sa first floor ng resthouse. Nanonood ito ng TV. Habang nanonood ito ng TV ay may nakita siyang taong nakaitim na dumaan sa likuran ng TV.
Kaya naman ay agad siyang napatingin sa bandang likuran ng TV. Ngunit nung tingnan niya ang bandang likuran ng TV ay wala namang tao na kakadaan lang.
Kaya naman ay napailing-iling nalang si Scott.
"Matulog na nga lang ako. Dahil oang to sa kasingkitan ng mata ko eh." Sabi ni Scott at pagkatapos ay pinatay na ang TV at pumunta na patungong lababo para magtoothbrush.
Kaslaukuyang nandito na si Scott sa lababo na nagsisipilyo. Ngunit agad din namang nanlaki ang kanyang mga mata nung nakita niyang hawak ni Clifford ang sipilyo nito at may toothpaste pa.
"A-Akala ko tapos kanang magtoothbrush? B-Bat magt-toothbrush ka nanaman?" Nauutal na tanong ni Scott kay Clifford.
"H-Huh? Magt-toothbrush pa lang ako ah." Naguguluhang sabi ni Clifford.
"Baka dahil sa singkit mong mga mata lang yan kaya nagkakaganyan ka." Dagdag ni Scott at pagkatapos ay tumawa kaya naman ay napailing-iling nalang si Scott dahil sa pang-aasar ni Clifford sa kanya.
Kasalukuyang nandito na si Rich sa sala ng first floor. Kakatapos lang nitong maghilamos. Kasalukuyan pa itong nagpupunas ng mukha.
Nakita niya si Aldwin na kasalukuyang nakakulong sa kanyang katawan na papunta ng second floor.
"Ahh, siguro may kukunin lang yun sa storage room sa itaas." Sabi ni Rich sa kanyang isip.
Bang!
Yan ang tunog ng baril na naging sanhi ng agad na pagpanlaki ng mga mata ni Rich. Tumama ito sa picture frame nina Rich at Aldwin.
Nanlalaki na ngayon ang mga mata ni Rich dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ang kanyang mga mata na halos luluwa sa kanyang katawan.
Nagsimula na ring kumalabog ng napakalakas ang kanyang puso. Kumakalabog na ng napakalakas ang kanyang puso na para bang gustong-gusto na nitong kumawala sa kanyang katawan.
"Rich? Ano yun?" Nakakunot noong tanong ni Mhelca na ngayon ay kasama si Presley. May mga nagtatanong na tingin ito at may gumuhit na question mark sa mga noo nito.
"E-Ewan. H-Hindi ko alam." Sagot naman ni Rich.
"Saan nanggaling yun?" Nakakunot noong tanong naman ni Scott na ngayon ay tapos nang magsipilyo kasama si Clifford at Aldwin.
"H-Huh? Kakapunta ko pa nga lang sa lababo eh. Galing ako sa kwarto natin." Sagot ni Aldwin.
"H-Hindi kaya..." Nauutal at sabay na sabi nina Presley at Mhelca na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata na halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang katawan.
Bang! Bang! Bang!
Yan nanaman ang tunog ng putok ng baril na tumama sa napakalaking flower vase na nasa sala ngayon.
"Waaaaah!!!" Sigaw ni Rich na napatakip pa sa kanyang tainga.
Nung tingnan nilang lahat ang flower vase ay basag na basag na ito.
Agad nmang nagkatinginan sina Rich, Aldwin, Scott, Presley, Clifford at Mhelca. Tila nagpapahiwatig ang kanilang mga mata ng parehong ideya.
"Takbo!!!" Sabay-sabay na sabi ng lahat at pagkatapos ay lumabas na sila ng resthouse.
Bang! Bang! Bang!
Yan ang mga tunog ng baril na humahabol sa kanila. Ang mga bala y hinahabol ang mga tumatakbo na ngayon na sina Rich, Aldwin, Scott, Clifford, Presley at Mhelca.
Buti nalang at agad din naman silang nakasakay sa van ni Clifford at pagkatapos ay agad din naman silang nakasakay sa van ni Clifford at pagkatapos ay agad na itong pinaharurot ni Clifford.
Kasalukuyang nandito na sa van sina Clifford at ang kanyang mga kasama na naging barkada na rin nila.
Tila nanginginig ito habang hawak-hawak ng manibela at nagmamaneho.
Nasa shotgun seat si Aldwin habang ang iba naman ay nakaupo sa likod.
"S-Saan na tayo pupunta nito?! Wala pa tayong dalang damit!" Natataranta nang sigaw ni Clifford.
"Kalma lang, pre. Wag kang mataranta!" Sigaw ni Aldwin ay Clifford.
Kaya naman ay pinilit ni Clifford na pakalmahin ang kanyang sarili.
"So, saan tayo pupunta nito? Wala pa tayong dalang damit." Nakakunot noong tanong ni Scott.
"Sa condo ni Papsy Raphy. Napakalaki ng condo unit niya at may mga damit din roon para sa mga guests. Lalaki man o babae at kahit anumang size ay merong damit dun. Saka sabi nman sakin ni Papsy Raphy na welcome ako dun anytime kahit na may dala akong mga bisita. Dun na muna tayo tumira ng pansamantala." Mahabang sagot ni Aldwin habang ang paningin ay nasa daan na kanilang tinatahak.
"S-Saan yang condo ni Papsy Raphy?" Nauutal na tanong ni Clifford.
"Magdrive ka lang. Ituturo ko sayo ng direksyon." Sagot ni Aldwin.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...