Kasalukuyang nandito pa rin sina Rich, Aldwin, Presley, Mhelca, Scott at Clifford sa garden sa likod ng kanilang resthouse kung saan nila ipinagdiriwang ang tagumpay nina Rich at Aldwin bilang official loveteam ng LJR-FGEN.
Kasalukuyang nandito pa rin sila at nag-iinuman. Nasa circle pa rin sila at nasa gitna nila ang dahan-dahan nang matupok ang apoy.
"Tara na. Pumasok na tayo sa loob." Sabi ni Presley na ngayon ay medyo kinokontrol na ang sarili dahil tila bahagya na itong natamaan ng alcohol na kanilang iniinom.
"Wag! Mamaya na!!! Hindi pa ako lasing!" Nakangiting sigaw ni Rich na kasalukuyang nandito pa rin at nakakulong sa katawan ni Aldwin.
Sinigaw ni Rich ang mga katagang yun habang itinaas ang kanyang hawak na bote ng wine at pagkatapos ay tumawa ng napakalakas. Tila wala na ito sa huwisyo.
"Tara na, lasing kana." Sabi ni Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin at nakakulong sa katawan ni Rich.
Inakbayan niya si Rich at pagkatapos ay agad na silang pumasok sa resthouse.
Nagsipasok na ang kanilang mga kaibigan na sina Clifford, Scott, Presley at Mhelca sa kani-kanilang mga kwarto.
Habang si Rich naman ay heto at hinahatak ni Aldwin na pumasok na sa kwarto niya.
Iisa lang kasi sila ng kwarto ni Aldwin. Ngunit dahil sa laki ng respeto ni Aldwin kay Rich ay hindi niya sinamantala ang pagtatabi nina Rich. Dahil baka siya pa ang mabuntis ni Rich.
"Matulog na tayo." Sabi ni Aldwin na pinapahiga na si Rich pagkatapos ay inayos ang mga unan at saka kumot. Pagkatapos ay pinatay ni Aldwin ang ilaw.
Makalipas ang ilang minuto ay tulog na si Rich ngayon. Lubog na lubog na ang katawan ni Aldwin na siyang pinagkukulungan ni Rich. Nakalubog ang katawan nito sa kama na kanilang tinutulugan.
"Haaaaay nako! Yan! Inom-inom pa kasi ng alak, hindi naman pala kaya." Mahinang sabi ni Aldwin na ngayon ay nakahiga na sa kama at tinititigan ang sarili niyang mukha na siyang pinagkukulungan ni Rich na katawan.
"Shet! Nakakabakla talaga ang kagwapuhan ko." Sabi ni Aldwin sa kanyang isip. Pagkatapos ay ipinikit na ang kanyang mga mata upang matulog.
Makalipas ang ilang oras ay bahagya nang sumilip ang araw sa bintana ng kwarto ni Aldwin. Sumisilip na ang araw sa bintana ng kwarto ni Aldwin ngunit heto pa rin si Rich at tulog na tulog pa rin ngayon sa kama ni Aldwin.
Makalipas ang ilang minuto ay kumilos na ng bahagya si Rich at pagkatapos ay dahan-dahan na niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Nung iminulat na niya ang kanyang mga mata ay agad din naman niyang inilibot ang kanyang paningin.
Agad na hinanap ng kanyang paningin si Aldwin na sa pagkakaalam niya ay kasama niya oa rin yung natulog.
Ibang klase si Rich kung malasing dahil kahit na nagloloko na ang isipan at pagkilos nito ay naaalala pa rin niya ang mga naganap nung oras na siya ay nalasing.
Ngunit ilang ulit na niyang nilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto ay wala siyang Aldwin na nakita. Hindi niya nakita ang sarili niyang katawan na siyang pinagkukulungan na katawan ni Aldwin.
Kaya naman ay bumangon na lamang siya at pagkatapos ay bahagya niyang nistretch ang kanyang dalawang kamay.
Pagkatapos at nagsimula na siyang maglakad-lakad dito sa kwarto nila ni Aldwin para tingnan ang mga gamit ni Aldwin na nasa drawer nito.
"At dahil pakialamera ako ay ichecheck-up ko ang drawer ni Aldwin." Nakataas kilay na sabi ni Rich habang naka cross arms at nagsimula nang maglakad patungo sa drawer ni Aldwin.
Sinimulan na niyang buksan ang drawer na nasa pinakataas.
Dahan-dahan niya itong binuksan. Pinagsusumikapan niyang hindi makalikha ng kahit anumang anyo ng ingay upang hindi siya mahuli ni Aldwin na nangingialam ng mga gamit ng iba.
Nung binuksan niya ang pinakataas na part ng drawer ay agad na tumambad sa kanya ang mga undies ni Aldwin na arranged according to colors.
Nagmistulang mala-rainbow ang nasa loob ng drawer dahil ROYGBIV ang arrangement ng mga kulay ng undies ni Aldwin.
Agad namang nanlaki ang mga mata ni Rich nung makita niya ito. Kahit nasa katawan siya ni Aldwin ay panty ang sinusuot niya dahil hindi siya komportableng magsuot ng brief habang si Aldwin naman ay sumusuot din ng brief dahil hindi rin ito komportableng magsuot ng panty.
"Ano ba naman tong si Aldwin. Nagmistulang kweba ang pinakataas na drawer niya dahil sa dami ng iba't ibang kulay ng paniki na nakadisplay sa kamyang drawer. ROYGBIV pa talaga ang arrangent ah." Sabi ni Rich sa kanyang isip.
Pagkatapos ay sunod naman niyang binuksan ang nasa ilalim na part ng drawer ni Aldwin.
Bale ito ang pangalawa sa pinakamataas na drawer. Dahan-dahan niya rin itong binuksan at pinagsusumikapang hindi makagawa ng kahit anumang anyo ng ingay na siyang mag-uudyok ng pagkahuli niya.
Nung tiningnan niya ang drawer ay agad na nanlaki ang mga mata ni Rich dahil sa kanyang nakita. Nanlalaki na ngayon ang mga mata ni Rich dahil sa kanyang nakita.
Nanlalaki na ang kanyang mga mata na halos luluwa na ang kanyang mga mata sa kanyang katawan.
Literal na nagmistulang naghugis 'O' ang bibig ni Aldwin nung nakita niya ang isang bagay na nasaloob ng drawer ni Aldwin.
Nakita niya sa loob ng drawer ni Aldwin ang litrato ng isang pulubing batang babae na madungis na inaakbayan ng batang Aldwin.
Dahan-dahang kinuha ni Rich ang litrato at pagkatapos ay tiningnan niya ito ng maigi upang masigurong hindi siya nagkakamali.
Nung tiningnan niya ang picture ay dahan-dahan nang nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata.
"H-Hinding hindi ako magkakamali. Ako to eh. Ako to!" Sigaw ni Rich sa kanyang isip.
Agad namang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aldwin at pagkatapos ay agad din namang napatingin si Rich sa pintuan.
Iniluwa naman nito si Aldwin. Nung tiningnan niya si Aldwin ay agad na sumama ang timpla ng mukha ni Aldwin.
"Hoy! Rich! Bat mo ba pinapakialaman mo ang lit..." Hindi na naituloy ni Aldwin ang kanyang sasabihin nung magsalita si Rich.
"L-Lino?" Nauutal na tanong ni Rich na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
"B-Bat alam mo yunt palayaw ko ng bata ako? S-Sino ka?" Nauutal na sabi ni Aldwin na kumakalabog na ngayon ng napakabilis ang kanyang puso na para bang gustong gustong gusto na nitong kumawala sa kanyang katawan.
"A-Ako to, si Abe." Nauutal na sabi ni Rich pagkatapos ay muli nanamang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang nga luha.
Agad namang tumakbo sa kanya si Aldwin at pagkatapos ay niyakap niya ng napakahigpit si Rich na kasalukuyan pa ring nakakulong sa katawan niya.
Nag-uunahan na rin ngayon pagbagsak ang mga luha ni Aldwin sa kanyang pisngi.
"S-So, i-ikaw yung pinangakuan kong pakakasalan?" Nauutal at naluluha pa ring sabi ni Aldwin kay Rich nung kumalas na siya sa pagkakayakap kay Rich.
"O-Oo." Nakangiti namang sagot ni Rich. Pagkatapos muli nanamang niyakap ni Aldwin si Rich.
Natagpuan nalang ni Rich ang kanyang sarili na tumugon rin sa yakap ni Aldwin at kapwa silang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanilang mga luha sa kanilang mga pisngi na para bang nagkakarera kasama ang malakas na pagkalabog din ng kanilang mga puso.
BINABASA MO ANG
Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)
Misteri / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "I'm trapped in the wrong body." Ito ay kwento ni Richbell Mercado na isang artistang kilala na mabait oncam pero ang ugali naman ay pangit pag offcam. May kinaiinisan siyang gangster ng Euphor...