Chapter 44

12 4 0
                                    

Kasalukuyang nandito na si Rich at may takip ang kanyang mata. Nakagapos ang kanyang dalawang mga kamay sa kanyang likuran.

Nakaupo siya sa isang upuan na halatang napakarami na nitong alikabok. Halatang pinaglumaan na itong upuan na kanyang inuupuan ngayon.

"Pakawalan nyo ko! Mga wala kayong hiya!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich na kasalukuyang nandito pa rin at nakakulong sa katawan ni Aldwin. Tila nagpupumiglas ito habang sinisigaw ang mga salitang kanyang binigkas.

Maya-maya pa ay agad din namang tinanggal ang panyo na nakatakip sa kanyang mga mata. Kaya naman ay agad na niyang nakita ang kanyangn paligid ngunit bahagya pa itong nanlalabo.

Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa higpit ng pagkakatakip ng panyo sa kanyang mga mata. Nung tiningnan niya ang kanyang harapan ay may dalawang taong nasa harap niya ngayon at mga nakacross arm ito.

Ngunit nung tiningnan niya ang pigura ng tao ay isa itong lalaki at isa ring babae. Ang pigura ng babae ay tila ba napakapamilyar sa kanya at kilalang kilala niya ito.

Kaya naman ay agad na napakunot ang kanyang noo nung nakita niya ang babae na nasa kanyang harapan ngayon.

Agad niyang pinikit ng maraming beses ang kanyang mga mata upang mawala ang panlalabo ng kanyang paningin at makikita niya ng maayos ang mga taong ito na nasa kanyang harapan ngayon.

Maya-maya pa ay unti-unti rin namang nawala ang panlalabo ng kanyang paningin. Nung tiningnan niya yung pigura ng isang babae na napakapamilyar sa kanya ay agad na nanlaki ang kanyang mgs mata.

Ang babaeng ito ay kilala niya at tila hindi siya makapaniwala na kayang kaya palang gawin ng babaeng ito sa kanya ang ganito sa kanya ang ganitong uri na gawain.

Nanlalaki na ngayon ang mga mata ni Rich dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata na para bang gustong gusto na nitong kumawala mula sa kanyang katawan.

Nagsimula nang manlabo ang kanyang paningin dahil sa unti-unti na ring namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Habang nakatingin sa isang babaeng napakapamilyar sa kanya na nakangiti sa kanya ngayon ng isang mala demonyong ngiti.

"H-Hayop ka! S-Sino ka ba talaga?! Bat mo ba nagawa sa amin to?! A-Akala ko ba ay ikaw na ang matagal ko nang hinahanap na nanay!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich na ngayon ay hindi na nakatiis at nagsimula nang mag-unahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak sa kanyang pisngi.

"Rich, simple lang. Kaya ko nagawa sa inyo to. Dahil obvious naman, meaning nun ay himdi ako ang totoo mong nanay." Sagot ni Abelany at pagkatapos ay tumawa ng isang mala demonyong tawa.

"Pa'no ba kasi, ang uto-uto nyo. Ang bilis nyong maniwala. Ginawan ko lang ng kwento at agad na kayong naniwala. Tsk tsk tsk, akala ko ang hirap nyong iligpit sa mundong ito. Ngunit parang mga alikabok lang pala kayo na pwedeng-pwedeng alisin gamit ang walis tingting." Sabi ni Abelany pagkatapos ay ngumiti ng isang mala demonyong ngiti.

"Hayop ka!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Rich na ngayon ay nagmistula nang waterfalls ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"P-Pero bat alam mo yung mga nasa alaala ko? B-Bat alam mong nagpapadala sa akin ng liham y-yung tatay ko?" Nauutal na tanong ni Rich.

"Simple lang, ganito kasi yun." Panimula ni Abelany.

*FLASHBACK*

Kasalukuyang nandito si Rich sa bahay ng dating kapitbahay ng totoong nanay ni Rich. Nagpapabasa ito ng liham habang may sumisilip ngayon sa kanilang bintana.

Kasalukuyang sumisilip si Abelany rito ngayon ss bintana ng bahay na tinutuluyan ni Rich.

"Makukuha rin kitang bata ka. Balang araw, ako rin ang makikinabang sa mga pera na pinapadala ng tatay mo. Yayaman ako kaysa sa matandang yan." Sabi ni Abelany sa kanyang isip habang sumisilip dito sa bintana at pinagmamasdan si Rich at ang matandang kumupkop at nag-alaga ni Rich.

Pagkatapos ay agad na itong umalis.

*END OF FLASHBACK*

"H-Huh? A-Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noong tanong ni Rich na tila naguguluhan nanngayon sa sinasabi ni Abelany.

"Yung mama mo, yung kapitbahay ng mama mo na kumupkop sayo at ako ay matatalik na kaibigan. Magkapitbahay kami kaya lang, ayokong umangat yung matandang yun. Swerte naman ako dahil natupad naman yung hinangad ko." Sagot ni Abelany at pagkatapos ay muling ngumiti ng isang mala demonyong ngiti.

"H-Huh?" Nakakunot noo at naguguluhan pa ring tanong ni Rich kay Abelany. Kaya naman ay agad na napairap si Abelany.

"Ganito kasi yu..." Hindi na natuloy ni Abelany ang kanyang sasabihin dahil sa sinabi ni Rich.

"Hotdog!" Sigaw ni Rich at pagkatapos ay inirapan si Abelany.

Kaya naman ay agad na nagsalubong ang kilay at pagkatapos ay agad na umusok ang kanyang ilong at mga tainga.

"P-Pero n-nasaan na yung nanay ko?" Nauutal na sabi ni Rich na ngayon ay muli nanamang nanlabo ang paningin dahil sa muli nanamang pamumuo ng kanyang mga luha.

"Sadly, patay na yung mama mo. Nung ipinanganak ka pa lang. Dahil mas pinili pa niyang mabuhay ang isang peste at walang kwenta niyang anak! Kaysa sa mabuhay siya at alagaan niya ang t-taong ipinagkaloob at i-ipinaraya ko sa kanya." Nauutal na sabi ni Abelany na ngayon ay may nanlalabo na ring paningon dahil sa namumuo na niyang mga luha sa kanyang mga mata.

"G-Ganun ako kamahal ng nanay ko? K-Kaya pala, wala man lang akong n-naramdamang galit sa kanya kahit na hindi ko siya nakita mula nung dumilat ang mga mata ko at namulat ang aking mga mata sa reyalidad ng mundong ating ginagalawan." Nauutal na sabi ni Rich sa kanyang isip na ngayon ay hindi na niya natiis at agad na nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"P-Pero siya? Y-Yang lalaking yan? S-Sino siya? A-Asawa mo?" Nauutal na tanong ni Rich kay Abelany.

Kaya naman ay agad na nagkatinginan sina Abelany at ang lalaking kasama nito na nakatayo rin ngayon at nakacross arms sa harapan ni Rich. Pagkatapos ay sabay silang tumawa ng isang mala demonyong tawa.

"Malalaman mo rin sa taman panahon, aldub nation!" Nakangiting sigaw ni Abelany at pagkatapos ay muli nanamang tumawa nh isang mala demonyong tawa na sinabayan rin naman ng lalaking kasama niya na nakatayo ngayon sa harapan ni Rich.

"Mga baliw ba tong mga to?! Seroso ako! P-Pero s-sino siya? B-Bakit ginagawa niya rin sa amin ito? H-Hindi rin naman namin siya kilala ah. Ano? Umeeksena lang?" Nauutal na sabi ni Rich sa kanyang isip na ngayon ay nagraragasa na ang kanyang mga luha at nagmistulang waterfalls na ang pag-agos ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon