Chapter 11

34 7 1
                                    

Kasalukuyang nandito na si Rich sa room niya. Kasalukuyang nasa katawan pa rin siya ni Aldwin ngayon. Tila ang mukha nito ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakalubog ang katawam na nakahiga sa kama.

Maya-maya pa ay agad namang bunukas ang pinto. Kaya naman ay agad niyang tiningnan ang pinto.

Iniluwa nito sina Papsy Raphy at dalawang lalaking binata. Kaya naman ay agad na napakunot ang noo ni Rich at napalunok ito ng ilang beses.

Kasalukuyang nandito na si Aldwin sa kanyang room. Kasalukuyang nasa katawan pa rin siya ni Rich. Ang mukha nito ay katulad din ng kay Rich na tila para bang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Maya-maya pa ay agad din namang bumukas ang pintuan. Kaya naman ay agad na nilingon ni Aldwin ang pintuan.

Nang tingnan niya ito ay iniluwa naman nito sina Mama Velouz at dalawang dalaga.

Kaya naman ay napakurap si Aldwin ng ilang beses at pagkatapos ay napalunok ng ilang ulit.

"Anak, komusta kana? Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Mama Velouz ng makalapit na ito sa kanya.

"A-Ahmm. O-Oo, ayos lang ako." Nauutal na sagot ni Aldwin na kasalukuyang nasa katawam ni Rich.

Sumagot ito na para bang ang astig ng dating na tila para bang tomboy ang dating.

Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata nina Mama Velouz at pati na rin ang dalawang dalaga na kasama ni Mama Velouz.

"B-Bakit Velouz?" Nauutal na tanong ni Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Rich. Ang tono nito ay para bang barakong lalaki na nagsasalita.

Kaya naman ay mas nanlaki pa ang mga mata nina Mama Velouz at ng dalawang dalaga saka nagkatinginan pa ang mga ito.

Ang mga bibig nilang tatlo ay magmistulang maghugis 'O'. Nagkatinginan ang mga ito ng may mga nagtatanong na tingin at may malaking question mark sa kanilang mga noo.

"A-Ahh, ano ka ba tita. Diba sabi nung nurse na nauntog ang ulo ni Rich? Kaya siguro nagkaganito si Rich na naging lalaki ang kilos." Nakangiting sabi nung isang dalaga.

"Oo nga naman, tita. Diba besty?" Nakangiti namang tanong nung isa pang dalaga kay Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Rich.

"O-Oo. Sino nga ulit kayo? S-Sorry ah. Nakalimutan ko kasi." Nauutal na tanong ni Aldwin sa kanila at napakamot nalang sa kanyang ulo.

Kaya naman ay agad na nagtaka ang dalawang dalaga dahil pati sa pagkamot ng ulo ay lalaking lalaki ang kilos ng kaharap nila na Rich ngayon. Saka hindi naman gawain ni Rich ang pagkamot ng ulo.

"Ahmm... A-Ano ka ba, besty! Si Presley to! Ang pretty wrestler na bestfriend mo!" Nauutal na pagpapakilala ni Presley kay Aldwin na nasa katawan ngayon ni Rich.

"A-Ako naman si Mhelca! Ang bestfriend mong mahilig sa Milkita!" Masayang pagpapakilala ni Mhelca kay Aldwin na nasa katawan pa rin ngayon ni Rich.

"Saka anak, ako nga pala si Velouz. Pero mama ang tawag mo sakin." Nakangiti namang sabi ni Ma Velouz kay Aldwin.

"Ahh. Ikinagagalak ko kayong makilala." Nakangiting sabi ni Aldwin sa kanila at pagkatapos ay nag extend pa ito ng kanyang kamay para makipag shakehands.

Kaya naman ay agad nanamang nanlaki ang mga mata ng mga nasa loob na kasama ni Aldwin. Kaya naman ay bahagyang napakunot ang noo ni Aldwin.

"Anong masama sa pakikipagkamay?" Tanong ni Aldwin sa kanyang isip habang naka extend pa rin ang arm upang makipag shakehands na mukha namang walang balak na tumanggap ang mga kasama dito sa kanyang kwarto rito sa hospital.

"A-Ahmm... Infairness besty ah! Nag improve kana ngayon! Ang laki talaga ng pagbabago mo mula nung nayntog ka sa bato. Diba sabi mo pa sa amin na "I don't do handshakes. Hindi ninyo deserve ang napakalinis at napakabango kong mga kamay." Yan pa nga ang sabi mo sa amin noon." Naiilang na ngayon na sabi ni Presley.

"A-Ahh." Nauutal na sabi ni Aldwin na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Rich. "Oo naman no. Ikaw kaya mauntog sa bato, besty." Sabi ni Aldwin na ang astig ng datingan.

Kaya naman ay muli nanamang nanlaki ang mga mata ng mga kasama niya sa kanyang room at nagkatinginan ang mga kasama niya. Pagkatapos ay nasapo nalang nila ang kanilang mga noo at napailing-iling dahil sa laki ng ipinagbago ni Rich.

Tila hindi nila alam kung ikakatuwa ba nila ito dahil bumait na si Rich o ikakalungkot nila ito dahil naging lalaki na ang pagkilos ni Rich.

Kasalukuyang nanidto pa rin si Rich na nasa katawan pa rin ni Aldwin. Kasama niya itong dalawang mga binata at si Papsy Raphy.

"Pre, komusta?" Tanong nitong moreno at chinitong lalaki. May height din ito at ang tangos ng ilong. Ang boses nito ay napakabuo at napakasexy ng boses.

"A-Ahmm. O-Okay lang." Nauutal na sagot ni Rich na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Aldwin. Tila kasing hinhin ni Maria Clara ang pagkakasabi ni Rich kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ng dalawang binata at pari na rin si Papsy Raphy.

"P-Pare, ayos ka lang ba?" Tanong pa nung isang binata.

"Oo naman." Nakangiting sabi ni Rich. Tila para ba itong kinikilig na babae. Kaya naman ay nagmumukhang bakla ang katawan ni Aldwin na nasa harapan nina Papsy Raphy ngayon.

"Pasensya na kayo, boys. N-Nauntog kasi sa bato daw yan si Aldwin. Isa siguro yan sa mga naging resultang pagkakauntog niya sa bato. K-Kaya pagpasensyahan nyo na boys." Nauutal na sabi ni Papsy Raphy.

"Ahh, okay lang po yun. Diba pre?" Tanong nanaman nung chinitong moreno kay Rich na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Aldwin.

"O-Oo. Eh, s-sino nga kayo?" Nauutal na tanong ni Rich sa dalawang binata.

Kaya naman ay agad na nanlaki ang kanilang mga mata pati na rin si Papsy Raphy ay nanlaki ang mga mata.

"A-Ahmm... B-Bestfriend mo kami, pre. Ako si Scott ang chinito at pinakagwapo sa ating magbabarkada." Pagpapakilala ni Scott kay Rich na may paporma porma pa ito.

"A-Ahh. Pogi ka nga naman." Nakangiting sabi ni Rich na kasalukuyang nandito pa rin sa katawan ni Aldwin.

Kaya naman ay muli nanamang nanlaki ang mga mata ng mga binata at pati na rin si Papsy Raphy.

"D-Diba pre, sabi mo ikaw lang talaga ang pinakagwapo sa ating magbabarkada at walang aangal? S-Saka diba? Sabi mo sa amin na hindi ka bakla para makakaappreciate ng gwapo at tanging magaganda lang ng naaappreciate mo?" Nauutal na tanong ni Scott na ngayon ay nanlalaki na ang kanyang mga chinitong mga mata.

"O-Oo nga pala. Nakalimutan ko." Nauutal na sabi ni Rich.

"Saka ako naman si Clifford. Ang gwapo na maputi at ang kinis pa." Pagpapakilala ni Clifford na kinindatan pa si Rich na kasalukuyang nandito sa katawan ni Aldwin ngayon.

"Ahh. Okay." Maikling tugon ni Rich.

Kaya naman ay napakurap-kurap ng ilang ulit sina Aldwin at Scott pati na rin si Papsy Raphy. Dahil yun pa ang unang beses nilang nakita si Aldwin na walang interes sa mga nagpapakilala sa kanya.

Ngunit kahit ganun ay binalewala lang nila. Maya-maya pa ay nagpaalam din naman agad sina Clifford at Papsy Raphy.

Kaya naman ay napahawak si Rich sa kanyang dibdib at nakahinga ito ng maluwang nung lumabas na ang tatlo sa kanyang kwarto rito sa hospital.

Ay! Nagkapalit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon